Usapang pera

Hirap pala pag umaasa ka sa pera ng boyfriend mo. Sasabihan ka ng makapal mukha pera wala kang magagawa kundi tanggapin. E kung hindi niya lang ako binuntis makakagraduate na sana ako. Parang gusto niya mangyare puro sa bata lang ang sagot niya. E wala naman akong luho na pinapabili. Puro mga pangangailangan ko lang sa sarili tulad ng tawas, pulbo, pagkain na mumurahin sa tindahan. Makapal pa ako.

48 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Here's the thing po, wag mo lang isisi sa boyfriend mo na "kung di ka nya binuntis, makakagrad ka" ikaw mismo sa sarili mo alam mo yung possibilities ng ginagawa nyo. Kahit sabihin mo na dapat di sa loob pinutok. Still ginawa nyo yun at willing ka. Nakakasama ng loob yung mga sinasabi nya, oo given yun. Pero sana naisip mo din na "kung ito bang lalaking ito mabuntis ako, ano ba itatrato nito sakin? Magiging maayos na ama ba ito?" Di ka rin naman siguro papasok sa isang relasyon kung di sa pagpapamilya ang intensyon, di ba? Siguro sa ngayon, hayaan mo muna sya. Pero magisip ka, pagkapanganak mo ano ba ang dapat mong gawin, ang patuloy na umasa sa kanya o maghanapbuhay din para sa sarili at sa anak mo.

Đọc thêm