Very insensitive naman ang hubby mo, at 3 months fresh pa pagkakapanganak mo. Una mahirap maghanap ng work ngayon, online ang pwede mong pasukin. Kulang ang maghapon sa pag-aalaga ng bata, mahihirapan kang dumiskarte. Alam kong maraming nakakagawa namang pagsabayin ang work at pag-aalaga kay baby, sana kayanin mo.
Anyway, bakit hindi ka makitira muna sa parents mo? Para may tumitingin kay baby habang nagwowork ka? Humingi ka ng tulong at payo sa kanila. Surround yourself with people na makakagabay sayo, wag mo solohin yan dahil mabigat dalhin. Magdasal, magdasal at magdasal.