Hingi lang po sana ng advice. Nai stress ako dahil naiipit ako in between sa live in partner ko and sa family ko. Nakakuha ako ng bahay sa pag ibig with the help of my parents. Nadagdagan nila yung downpayment kaya ko nakuha pero sakin nakapangalan and ako din nagbabayad monthly. Nanganak ako last year sa first baby ko and kasama ko sa bahay ang LIP and mother ko pati 3 kapatid ko nag-aaral. Kakamatay lang kasi ni papa last year after ilang months after namin makalipat.
So naistress ako kasi gusto paalisin ng LIP ko ang family ko sa bahay. Mahirap magdecide kasi more than half ng downpayment magulang ko nagbayad and tumutulong din naman sila sa bahay. Nawalan ng work ung partner ko recently pero sya nababayad ng house as our agreement na din. Ako sa gastos sa bahay like food, baby expeses and other bills. Breasfed si baby kaya di ko problema gatas nya.
Patay na si papa so walang sasandalan nanay ko and may pinagaaral pa sya. Nagiipon din ako para mapalitan yung nagastos nila mama sa bahay pero di ko intention na palayasin sila. Gusto ko yung alam ko kaya na nya bumukod or if magkukusa sina mama umalis.
Sobrang panget ng mga naririnig ko sa LIP ko. Kung magsalita sya parang di ko pamilya yung pinasasalitaan nya. Wala naman sya trabaho at di rin sya gumagalaw sa bahay. Alaga lang sa baby namin. Oo, may konti pera sya naitabi pero mauubos yon in 2 months na paghulog nya ng bahay. Chill lang sya at prang walang pressure na maghanap ng bagong work. In short, kuntento sya na walang work at ako ang kumakayod. Call center ako, sa umaga di ako makasleep ng maayos kasi direct latch si baby so wala talaga ako maayos na tulog.
Super toxic na kasama ng partner ko. Puro reklamo sa pamilya ko naririnig ko sa bibig nya. Gusto ko mag stop magwork para makafocus sa baby pero di ko magawa kasi walang work yung partner ko tsaka baka lalo nya isumbat if sya na din gagastos sa bills sa bahay.
Gusto ko sana umupa na lang and i give up yung bahay kaso walang work si mama para hulugan yung bahay buwan buwan. Ayaw ko lang talaga nakakarinig ng reklamo sa partner ko lalo na pag nagdadamot sya sa gamit namin.
Anonymous