My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

581 Các câu trả lời

Condolence po mommy . but i also want to share my experience , last October 2019 ako di na dinatnat pero dahil ireg.po ang regla ko inakala ko na normal lang . january 18, 2020 nagkaron po ako sobrang maitim po ung dugo pero di sya ganun kalakas . Jan.19 nag punta kame n.ecija para sa libing ng lola ng asawa ko meron padin po ako pero nag ccrave po ako sa lugaw mula dec.to january pa un nag start . then jan.20 gabe sumasakit puson ko kaya jan.21 uminom ako buscopan kase meron nga po ako , same day umuwi na kame ng bulacan meron padin dugo kalma na puson . around 10 pm same date also sobrang namimilipit po ako sa sakit ng tyan , nawala ung sobrang antok sa sobrang sakit . nag try ako mag poop kase sobrang sakit po pero wala nman lumalabas kaya back to bed kahit sobrang sakit pagulong gulong sa higaan . after 30min.kalma na ulet . The next morning Jan.22 , 6am in the morning bumangon na ko then pag straight ko ng tayo , Boom may bumulwak po sa pwerta ko . 3months na pala akong preggy 💔 sobrang iyak sobrang pang hihinayang ni hindi ako nagpa consult kasi akala ko iregular nnaman lang . but one thing na natutunan ko at tumatak saken , baka una palang di na talaga sya para samen ni hubby kaya i accept kahit sobrang masakit , dapat po 2months na si baby ngaung sept. pero sobrang bait po ni God kase ngaung month din po 4months na ung bagong baby ko sa tummy ko po 😊 kahit mejo delikado kasi sobrang bilis ko daw po mabuntis . kaya sobrang ingat lang at pray 😊🙏🏼 and as long as wala kang ginagawang mali o masama kay baby bibigyan ka ni God ng panibagong blessing 🙏🏼

sorry for your lost. i was a community nurse assigned sa isang barangay health center, and isa sa mga nirerecommend ko is magpaultrsound ang mga buntis especially yung mga di nila inaasahan na pagbubuntis, teenage pregnancy and even ung mga multigravida. i also tell them na di naman for gender reveal lng ang ultrasound, kasi ung ung traditionally alam nila. kya inieducate ko tlga sila regarding sa ibang use for ultrasound like malaman qng tama ang position ng placenta or ni baby, adequate ung amniotic fluid or kung sobra or kulang sa sukat according sa AOG ng baby. ayun, pro sa kasamaan palad may nga momsh na hndi din sumusunod wala din naman aq mgwa ksi qng di pa nila afford. pro continuous ung advise ko sa knila, then 5 or 6 months doppler lng gamit nmin for auscuktation ng fetal heart beat pro sbi ko sa kanila di un sapat mas okay o din mtgnan sila ng doctor n especialista sa pagbubuntis. I am not saying di aq confident sa consultation ko but rather I am more concerned sa health both ng baby at ni momsh. That time I am not yet married and still no child but I know the risk and importance of those. Again, I am sorry for you loss. May God's comfort and peace be upon you and your family.

Stay strong mommy. I also had a miscarriage. He was 15 weeks. Bigla syang nanigas. At sobrang sumakit talaga puson ko noon. I called my OB and she directed us to go straight to the hospital but we decided to go muna sa health center. Binigyan lang ako ng dextrose and hot pack. Umokay naman kaso after few hours sumakit na naman sya. Todo. Then we decided to go to the hospital. Pero tuloy-tuloy na yung sakit hanggang kusa na syang lumabas, lifeless. My husband and I blamed ourselves kasi bakit hindi namin sinunod yung OB. Nakampante kami sa capability ng health center. But now, I am, again, 32 weeks pregnant with our baby girl and I thank God for another blessing He gave us. So, cheer up mommy! Our babies are in God's hands now... looking right at us. 😇

condolence sis. may mga bagay po na nangyayari beyond our control at mahirap po agd tanggapin .masyadong masakit saten bilang isang ina na inalagaan natin sila sa ating sinapupunan pero bakit ganun pa rin nangyari. pero lagi po natin isipin God is always there,and there is a perfect time for everything.alam po ni God nararamdman po.Nakikita nya paghihirap mo... May dahilan po kung bakit nangyari yun. sa ngayon po di mo pa maiintindihan . your baby was in heaven now, walang sakit,hirap na mararamdaman. she/he is an angel now. i'll pray for you mommy.kaya mo yan laban lang po. remember po God has reasons for everything and He has a good plan for you and for your baby.☺️ again may condolences to you and to your family.

Nawalan din ako ng baby twice na. January 2020 at January 2021 parehas private hospital. 😔 Yung una napaanak ako ng maaga 22 weeks palang lagi ako nagbebleeding at mahina kapit ni baby. Nitong January 26 naman nagleak panubigan ko at mauubos na tubig sa tyan kaya need na iemergency CS 31 weeks lang ako,naincubator si baby kaya lang 1 day lang kinuha na din sya ni lord the following day. Kumpleto ako ng check up monthly, pati meds maternal milk di rin ako nagwowork. Sobrang sakit kasi kahit sobrang ingat, nawala pa din. Minsan naiisip ko kung pano ko makakaya yung mga darating na araw. Di man kami lagi nakakasimba,di naman kami nakakalimot magdasal at magpasalamat. 😔😔 Sana sa susunod ipagkaloob na ni God. 🙏

pareho po tayo momsh.. im 11 weeks pregnant na din po hoping and praying na ma fullterm ko na ito sa tulong ni God safe and healthy pregnancy journey ang lagi kong panalangin🙏🙏🙏

I feel you po. nanyari din po sakin yan first time kung nag pa ultrasound and sabi sakin ng nag ultrasound kulang na sa tabi ung baby ko at mahina ang heartbeat nya.na confine ako sabi ng nurse baka maagapan pero hindi sya namonitor ng maayos nag request kami na kng pwde I CS na ko 7month na din nmn sya my chance makasurvive pero hindi pa dw pwde Walang abiso ng doctor .anggang madaling araw na check ung heartbeat nya cnabi Wala na dw sya .ilalabas ko syang matigas na.nakita ko sya ang laki nya pero matigas na sya ang sakit sobra😭 pero ngaun I'm pregnant again after 3years . I'm 8month pregy .Sana maging ok lahat.at ayaw ko na sa public na dala na ko .pray Lang mommy babalik din. sya sau ,☺️

Sa Center po ako nagpapacheck up since nung una kailangan pa ba pacheck up sa hospital? sa center ko na din balak manganak. I'm 7months pregnant going 8months sa April 1

Condolence po moms... Sa hipag ko naman po sabi may heartbeat daw 6mos na dapat tyan na nun nung ipinunta namin sya sa private hospital at sabi ng doctor dun 3mos pa lang daw na agasan na hipag ko... Wag daw basta basta maniniwala sa center ... 3times sya naagasan sa center.... Then nung sahi ng doctor samin kaylangan nya magpatest kung may apas hipag ko... Biruin mo sis ah... 3mos na pala wala baby ng hipag ko pero umabot pa sya ng 6mos bago nalaman... Kung di pa. Ulit nilabasan ng dugo😢😢.... Kaya po ako private hospital at private lying in nagpapa alaga eh.... Pero pumunta din po aoo sa center dito samin kasi sayang naman yung libreng anti tetanus😉😉😉🙏🙏🙏🙏🙏

VIP Member

Condolence po mommy, pakatatag ka lang po.😔 Virtual Hug po! maybe God has a better plan para sayo! Your little Angel is always guiding you.❤️ by the way, hindi naman lahat ng Health Center, pabaya pero karamihan talaga hindi ka aasikasuhin ng tama.💔 Dito saamin kasi maliit lang na bayan, pero yung RHU namin may Lying Inn na, kung ano ginagawa sa clinic o hospital ganun din doon. Laboratory, Check ng heartbeat ni baby, timbang and everything pero ultrasound lang ang wala. May doctor na aasikaso and midwife. So far, nung nagpa check up ako doon kasi di ako makatravel dahil lockdown okay naman po. Depende po siguro yun sa employees at pamamalakad nila.

VIP Member

SAME story..nangayari din sakin yan..wayback 2015..sa center lang din ako nagpa checkup..wala silang doppler..stetoscope lang gamit nila sa heartbeat..sabi may 1 nagpa uts ako ok pa si baby.. tapos june 16 pumunta ako center para sa checkup..ang tagal bago "narinig" yung heartbeat..di pa sya sure na heartbeat yun..pero sabi niya ok naman daw 😓yun pala di sya sure..june 26 nagpa uts ulit ako, di ko na ma feel kick ng baby ko..pero naninigas sya..sabi nila normal lang daw kasi 36wks na..pwede ng manganak..masikip na daw kasi..kaya ganon..yun pala wala na..pag uts..Fetal death in uteru na ..napanganak ko si baby june 28..patay na.. :'(

VIP Member

same tayo ng nangyari.. last year lang din nangyari sa akin yun.. 8mos na yung baby ko.. umiinom ako ng maraming tubig kasi yun ang advice sa akin but after a week ngpa ultrasound ako, sabi ng doctor may tubig daw ang heart ng baby ko. Nagpa konsulta ako sa OB ko sabi niya wala na raw heartbeat ang baby ko kaya dali.dali akong nagpa ultrasound. At dun nakita na wala na talaga ang baby ko. Subrang sakit. Pina inum ako ng doctor ng primrose, pampalaki daw ng pwerta. After 5days ipinanganak ko ang baby ko. Walang buhay, Wala akong narinig na iyak.. Yung excitement ko nung nalaman ko na buntis ako napalitan ng subrang sakit.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan