16 Các câu trả lời
Hi sis! Sabihin muna na preggy ka. Wala naman magagawa parents mo e a dyan na yan. Anyway family is still a family. Kahit ano pa nagawa mo tatanggapin ka pa din nila. Trust me were on the same boat before young mom din aq before pero napagkasunduan namin ng husband ko na magsabe na lang kahit pareho kami takot magsabe. Hinarap namin un. Saka sis hindi muna matatago yan kasi 5 mons. Na yan mas pangit kung sila pa makatuklas nyan much better magsabe kana. Kaya mo yan sis just pray lang na bigyan ka ng lakas ng loob para magsabe. God Bless sis!
Hi sis, sabihin mo na, same situation tayo takot magsabi lalong lalo na super strict yung mama ko. Pero naglakas loob talaga akong sabihin kasi mas pangit na sa iba na nila matutuklasan mas lalong lalala ang sitwasyon. Tibayan mo lang loob mo at isipin mo ang magiging anak mo. 19 yrs. old din ako sa una kong pagbubuntis, galit na galit ang nanay ko. Ngayong nabuntis ako ulit at the age of 21, hindi na galit mama ko tapos alagang alaga nya pa ang baby ko 😊. God Bless, tapangan mo lang :).
19 years old lang din ako. Graduating pa ako. 4months preggy hereee. Nung 1month na akong buntis sinabi na namin agad ng boyfriend ko. Na sstress kasi baby ko e. Kaya sinabi na namin agad. Nung una nagalit. Nasampal pa ako sis. Sobrang sumakit puson ko nun. Pero kinaya namin. Kasi kailangan. Ngayon okay na. Matatanggap din nila kasi nandyan na e. Kailangan mo ring maging malakas. Labyouuu sis kayaa mo yan. Pasama ka din sa parents ng nakabuntis sayooo. Kayanin nyooo. Godbless!!!!
Hi sis! Kay mama mo unang sabihin. Kasi higit kanino man, nanay ang unang makakaintindi sa atin. Kung magalit sila, tanggapin mo ng maluwag ng sa dibdib at aminin na nagkamali ka. Pero lagi mong tatandaan na at the end of the day, family is family. Hindi ka nila matatalikuran o papabayaan. Kaya sana soo sabihin mo na para magabayan ka din nila sa pag aalaga mo sa baby mo. Wag ka ng mastress at magworry kasi baka makasama sa pagbubuntis mo.
Una mo gawin magpray ka kay GOD hingi ka guidance sa kanya at higit sa lahat huminge ng tawad sa mali mong nagawa palakasin nya loob mo para masabi mo sa magulang mo ang sitwasyon mo, tanggapin mo lahat ng sasabihin nila natural lang sa magulang ang magalit pero tatanggapin ka din nila dahil anak ka nila....GOD BLESS sis kaya mo yan nid mo ng tamang pag aalaga kase may baby jan sa tummy mo
Ako naman 20 yrs old. 5mos din ako nung nagsabi ako. Before mo sabihin sa parents mo pray and pray lang and hingi ka ng guidance kay Lord. Until now hindi pa rin tanggap ng parents ko pero at least sinasamahan ako ng mommy ko sa mga check ups ko. Sabi nya nga baka ganun talaga sa una dahil binigla ko sila. Malalampasan mo rin yan ate gurl. Kung kinaya namin, kaya mo rin 💪💪
Ganyan din po ako noon. I just graduated college. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanila. Pero nag lakas loob ako, sa una po syempre sasama ang loob nila. Pero magulang po sila. Eventually matatanggap po nila yan. And full support naman po parents ko lalo na at mga sabik sa apo. Sabihin mo na po momsh, magulang mo naman po sila, hindi ka po nila papabayaan. ☺️❤️
hahaha sabihin mo naaa ako 8months kong tinago baby ko kase takot din ako pero at the end ako nagsuffer kase nagkaHB ako nagkamanas ng sobra at nag 50/50 via ECS okay lang naman na masabihan ng masakit normal lang yon sa magulang kase gusto lang nila na mapabuti tayo yun bang mabuntis tayo ng stable na lahat yun yung narealize ko as long as safe kayo ni baby :)
Sbhin mo na buntis kana mhirap tlga yan sa una. 😌 pero dpat dmo kilangn itgo yang baby mo kc blessing yan norml lang na mgalit o sumama loob sayo nang magulang mo kc bata kpa pero mattanggap dn kayo nang magulang mo.. 😊 God bless & Congrats.
Kelangan mu na sbhn sis kasi sila lang din makakatulong sau.ou expect mu ng magagalit sila sayo pero tatanggapin ka nman nila. Basta prepare mu lng sarili mu kasi alam mu dng my kasalanan ka.pero kaya yan mommy😊
Anonymous