depress nanay ???

hi first time mommy ako at sobra akong nagi-guilty kasi di ko man lang mapadede baby ko(breastfeeding) kasi konting gatas lang nalabas sakin kaya 1 week ko lang sya napadede sakin since pinanganak ko sya then nagchange na ko ng bottle feeding using bonna and now she is 1month and half pero point 1 lang yung nadagdag sa timbang nya? pano ko po ba mapapadami yung gatas ko?

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hi sis..:) normal po na madepress at maguikty ka as a first time mom..:) minsan kala natin normal lang satin na nakapadede tayo may iba madali lang makapag padede may iba naman talagang nahirapan. pero tandaan po natin na FED IS BEST. hindi po kapabayaan ang pagpapa formula feed. yung current timbang po ba niya ngayon masasabing underweight? if hindi naman po underweight si baby ok lang po yun. make sure lang po na napapadede ng naayon sa packaging ng binna or if hindi po icheck niyo po sa pedia if ano pong pwede niyang milk since hindi siya nag gain ng weight.:) ako ay isang breastfeeding mom pero hindi ibig sabihin na nagformula ka magiging kabawasan ito sa pagiging ina mo.:) basta ang importante po ay naalagaan mo ng mabuti ang anak mo. ang masusuggest ko po from time to time ipatry mong ipalatch si baby sayo.:) pero if all else fail ok lng din naman po mag formula feed make sure lang po na tin na malinis lahat ang thbig kagamitan at tama po ang timpla. unahin po munang ilagay ang tubig bago ang powder para sure na tama at sakto ang tubig measurement. suggest ko din po na if magbobottle feed kayo kargahin mo pa rin siya para andoon pa rin ang bonding niyong mag ina. sa pag papainom ng tubig iask niyo po muna ang pedia niyo wag po basta papainumin si baby ng tubig ng wala pang 6 mos kahit formula feed po siya. wag ka na pong madepress inay..:) ok lang po magbottle feed ang importante masaya kayo ni baby. pag nadedepress ka malungkot din si baby..:) kanya kanya po tayo ng motherhood experience..:) ok lang po hindi maging perfect..:) kumbaga may kanya kanya tayong pagkakamali sa pagaaruga ng anak pero importante nabibigay natin ang best natin. at tandaa FED IS BEST! chin up and enjoy motherhood..:)

Đọc thêm
6y trước

thank you mga nanay sa message nyo😊 atleast kahit papano na-boost yung confidence ko as a nanay 😁

Thành viên VIP

hi mommy unli latch lang wag mo isipin na konti lang nadedede ni baby kasi maliit pa naman tummy nya as long as me wiwi at poops sya it means meron po sya nadedede sa inyo..iwasan din po ang negative feeling at stress para hindi makaapekto sa pagproduce ng milk nyo..skin to skin contact po ke baby ska lagi nyo lang po sya padedein..supply & demand po yan..if malaki demand ni baby dadami din po supply nyo..try nyo rin po maghand express for 5 minutes if tulog na si baby then store nyo po sa ref para mapainom sakanya..proper storage po ska hand express marami po sa YouTube..😉you can do it mommy..nagstruggle din ako before pro ngaun 16mos n baby ko breastfeed pa din sya..

Đọc thêm

Hi there my son is 2mos and 3days old now and 2 weeks ko lang sya napa-breastfeed since hindi ako makapag-produce ng milk na mag-su-sustain sa need nya so after a week nag-formula na 'ko. At this moment iniisip ko pa din on how to improve on producing breast milk, though mas iniisip ko si baby. It doesnt make me less of a Mom kahit na 2 weeks ko lang sya na-breastfeed. Im telling you this because you shouldnt feel guilty..ma-guilty ka siguro if ginutom mo si baby ..never-the-less your a good mom👌😉

Đọc thêm
6y trước

korek ako ay isang breastfeeding mom pero naniniwala ako na FED IS BEST..:) ang importante mahal natin ang mga anak natin..:)hindi sa kung ano ang kinakain nila nasusukat kung anong klaseng magulang tayo..:)

ganyan din po ako, hinde ko po napa bf yung baby ko since birth, so nag formula milk and bonna ang ginamit ko, ok nman po yung gatas kaso nga lang din yung baby ko hnde din nag gagain ng masyadong weight at first pero nung nag bigay na ng vitamins yung pedia bigla syang nag gain ng weight up to now.. wag na po kayong ma depress ang importante nagdede yung baby..

Đọc thêm

hi mommy..inom ka ng malunggay capsule tapos sabaw ng mga seashells lagyan mo din ng malunggay leaves plus yun malunggay leaves mismo ilaga mo tapos inumin mo yun pinaglagaan. Inom maraming water, eat healthy, saka inom ka na din ng milo lagyan mo ng oatmeal or energen. most important is unlilatch sayo si baby kasi sya lang makakapagproduce ng breastmilk mo

Đọc thêm

Hi Momshie i can relate to that kasi naranasan ko din yan , wag ka mag alala kas di naman kakulangan yun sa binibigay mo na pagmamahal sa anak mo. May mga institutions tayo na nag bibigay na milk from other mommies pwede ka lumapit don. Pwede ka sin sumali sa group kagaya nito "Breastfeeding Pinays"

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-55991)

you are lucky enough to bf your baby kahit 1 week.. ako wala talaga.. just keep feeding him/her mag gain din sya ng weight. Check mo din kung hiyang sa kanya ang formula..

uminom ka ng capsule na malunggay then sabaw ka lang ng sabaw sabayan mo ng malunggay, talbos ng kamote, papaya at iwasan mo kumain ng fried rice, matigas na kanin at malagkit na kanin

unli latch mgproproduce ng milk ung dede mo ng kusa more intake of fluids.. aq unli latch pero d q mgawa gawang mg pump kc konti lng lumalbas..