46 Các câu trả lời
Ang sakin lang dapat yung asawa mo o partner mo ang piliin mo, kasal man kayo o hindi dapat panindigan at ipaglaban mo sya. Kung pagdating sa ugali, lahat naman tayo may evil o good side kaya accept it. Hindi naman lalabas ang evil side nyan kung pinagtatanggol mo sya sa naapi sa kanya, kahit pa parents mo pa yun dahil sya na yung pinili mo makasama habang buhay. Oo, mahal natin magulang natin at dapat sila ang gumagabay sa relasyon nyo para maging matatag. Hindi dapat sila ang mangunguna para siraan ang pamilya na binubuo nyo ng asawa mo, huwag mo din pabayahan na imanage o pakilaman ng magulang mo ang pagsasama o desisyon nyo pagdating sa binubuo nyong pamilya. Tao po kayo, hindi robot. May sarili po kayo pagiisip kung pano nyo ihahandle ang pamilya nyo, huwag na huwag nyo papabayahan na controllin kayo ng nasa paligid nyo para walang masirang pamilya.
Hi. I’m also in this situation. Naghahanap ng solusyon sa tanong na to. But I found out my answer. Better choose ur husband as he chose you as well, he left his family to build a family of yours. Your mom will always be there no matter what pero kung di nila gusto ang husband mo try mo parin ipag laban, kasi ipinaglaban karin ng husband mo to be with you. I remember my mom chose her happiness na mag jowa ng mas bata sa kanya, siya sumaya pero ako hindi because I am not even allowed to see my father. Kawawa ang bata especially if may anak na kayo. As much as possible if yung pagkakamali is pde namang ifix fix it. Pero if di na talaga kaya, kusa kanamang susuko, if susuko ka, wag munang mag hanap ng iba, love yourself first.
Kami sis, hindi kami kasal ng bf ko. 6months preggy na ako. Nag away kami ng bf ko noon kaya dito ako sa parents ko nakatira ngayon, though hindi alam ng parents ko na nagaway kami. Now okay na kami ng bf ko and gusto niya na mabuo kami. Pero ayaw sakanya ng parents ko, kahit babae ako, mas gugustuhin pa ng parents ko na magsingle parent ako. Ang ginagawa ko, i talked to my mom na kahit sinong ina gustong buo ang family para sa anak, and i told my mom na i want to take chance na iwork out at ayusin ang relationship namin. Hahaha. At least pag humarap si bf dito sa bahay, naiintindihan na ng mom ko side ko, father ko nalang problema 😂😂
Kung alam mo sa sarili mo na karapat dapat ang asawa mo sa pagmamahal mo, piliin mo ang asawa. Ganyan din kasi ang gagawin ko kung malagay ako sa ganyang situation kahit pa mahal na mahal ko ang parents ko. If you have to pick one person na dapat mong piliin, yun ang asawa mo. Hindi ang magulang mo, ang anak mo o mga kapatid mo. Your kids and siblings as well, will eventually leave you when they marry someone. Parents will do, too when they die. Sino pang matitira sa iyo kung ang mga magulang mo ang pipiliin mo? Pero kung ang husband mo ay tamad, nambababae, may bisyo. Ibang usapan na yan. Ditch your husband if that is the case.
Para po sa sarili kong opinyon. Wala ka naman talaga dapat piliin kase pareho mo ng pamilya sila. Pero once kase na nag asawa ka na o ikinasal kana nakatali kana sa asawa mo. Lalo na kung may anak na kayo. Sila na ang priority mo kase sila na ang makakasama mo habang buhay. Kaya nga bumubukod ang mga mag asawa para sa binubuo nilang pamilya. Pero sana wala dapat piliin kase ang magulang mo mananatiling magulang mo habang buhay. Balang araw matatanggap din nila ang asawa mo, meron lang siguro silang sariling dahilan. Di mo kase maaalis sa magulang ang mag alala para sayo.
tnx miss candice sa sagot , nag kaproblema po kasi kami ng asawa ko nung nag bbuntis ako, lagi kami nag aaway at di mag kaintindihan and yung parents ko nakabangga niya din, perp for me nag away lang naman kami nun gawa di ako emotionally stable kasi diba ganun tayo pag nagbbuntis . then yun, kung ano ano na po iniisip nila sa asawa ko , to the point na pinapapili na nga po nila ako. sobrang takot ko lang po kasi sobrang mahal ko parents ko, pero di na din po tama yung ginagawa nila sakin. gusto ko lang po maliwanagan na tama yung gagawin kong pagpili sa asawa ko
No need para pumili sis. Ako in my younger age nagasawa nadin ako at both parents naming magasawa tutol sa amin,pero ipinaglaban namin yun and we prove to our parent na kahit na sa younger age nag decide kmi magsama ay magagawa pdin nmn ung need nmn gwn na obligasyon sa family nmn sympre sa pagsasama nmn. And now magkakababy na kami,at tanggap na din kami ng both parent nmn,soon we getting married ndn. So you just need to be strong in both of them,to your parents and to your husband,lalo na mahal mo cya....and i know mahal mo din yung parents mo.
im not sure. para sakin parehas na mahalaga. kung ako ung nasa sitwasyon mo, bilang nanay gusto ko lang yung makaka buti sayo. on the other hand your mistake will be your experience at huhubugin ka ng experience na to. if ako na ikaw, i will not chose, siguro kakausapin ko si partner na ligawan ang magulang ko. i know the weakness of my parents. patunayan ni partner yung sarili nya. gain the trust. but if ur partner insisted at hinahayaan nya lang you know already why your parents don't like him.
Ang pinili ko bf ko pero nauwe sa wala ang relationship namin. Nakilala ko sya ng husto nung naglive in kami lumabas yung totoong pagkatao nya.. kaya minsan maniniwala rin tayo sa parents natin bka kase may nakikita sila o nararamdaman sa partner natin na d natin nakikita dahil bulag tayo sa pagmamahal natin sa partner natin.. tapos in the end dun pa lang natin makikita yung reason kung bkt ayaw sa kanila ng parents natin. D ko nman nilalahat ha. Based on my experience lang po. 😁
I wont choose instead i will.still ask for a second chance sa parents ko makita lang nila kung gaano nag sisikap ang asawa ko para buhayin lang kami . Pero kung asawa mo naman ay batugan at wla namang effort iwan mo nalang . Pero kung nagsisikap naman at di pa rin kayang tanggapin ng parents mo piliin mo ang asawa mo nagtayo na kayo ng pamilya niyo storya niyo na ang atupagin mo kayo nalang ang mag pakalayo layo pero ipray mo pa din na sana matanggap sya ng parents mo .
Jenn Dizon