Diaper Rash
Help mommies! Ano po maganda diaper (yung hindi mainit)? Been using Kleenfant since July kay baby pero hindi ata hiyang recently namumula pwet niya 😭 (1-2hrs pinapalitan ko agad at hinuhugasan kapag may poop pero sa gabi 3-6hrs ko bago mapalitan) Sinubukan ko kleenfant Don't Rash, Drapolene, at Calmoseptine pero no effect 😩 Any advice po? Salamat sa sagot. #diaperrash #BabyCare
I dont like kleenfant. Nagrashes talaga yung baby ko nyan. Bakit kaya pumayag si Marian Rivera mag endorse. I'm pretty sure she's not using it herself lolz just saying. Anyway, What I find effective for me is either EQ dry or moosegear. Sa rashes naman, calmoseptine with petroleum jelly also betadine...
Đọc thêmpampers gamit ko sa lahat ng anak ko mula NB hanggang 3 years old and kakapanganak ko lang din this nov 4 pampers pa din gamit ko pricy pero worth it.. and nag seset po ako ng alam every 2-3 hrs pinapalitan ko diaper niya😊 so far di pa naman nagkaka rashes baby ko😇
Best diapers we've tried: Moony - Japanese Brand Rascal+Friends - New Zealand Brand Hey Tiger - Product of Hey Tiger but cheaper For rash cream - tried and tested na ang Tiny Buds - In A Rash. Then Calendula Barrier Cream. For newborn, we didn't use wipes. Always warm water with cotton lang.
Đọc thêmHello Mommy! Aside from switching to another brand. I suggest din na everytime you wipe yung bum area and singit singit just make sure na napapatuyo mo rin siya maigi bago mo isuot yung diaper para walang moisture na maiiwan. Isa rin kasi yun sa cause kaya nagkaka rashes. I hope makatulong!
drapoline mi then change lang ng change ng diapers kapag nakaihi na .. magastos yes pero iwas rashes si baby ganyan ginagawa ko .. any brand ng diapers kahit mumurahin basta palagi nagpapalit kapag naihian na. bihira nagka rashes baby ko mi saka kapag nagpoop palit agad
pampers yung gamit ko..kahit umabot 10 hours ok lang..d naman nagrarashes si bb..nagkakarashes lang siya pag hindi napapalitan ng diaper pag nagpoops pero kung wewe lang..ni rashes.. nilalagyan lang namin ng VCO agad naman nawawala in case merong rashes..very effective
wipes po ba gamit nyo pang linis kay baby?? si baby ko po ganyan rin di ko na po sya ginagamitan ng wipes, water na po pinanghuhugas ko sa private area nya tsaka girl po baby ko ginamitan ko rin po sya calmoseptine wala rin pong effect napupunta lang sa penchin nya🥲
hi, nung newborn baby ko ang tindi din ng rashes niya. nakakaawa. natry ko unilove, kleenfant, and eq.. pero sa mamypoko siya nahiyang kaya til now un pa rin gamit namin. then ang pinapahid namin ay rashfree
newborn dalawang pack ng unilove lang nagamit ko sa ky LO, taz nag change to korean at japan diaper dahil mura hanggang ngayonun parin gamit ko , wala namang rashes kahit punong puno at matagal mabihisan .. Petroleum lang din din gamit ko sa rashes ni baby
True yan din ako nag switch ako ng korean diaper manipis pero napka absorbent which is good at nkamura pa.. 💟
Ako pagtapos ko linisan yung pwet nya pinapahiran ko ng bulak na may alcohol kahit puno lang ng ihi.. Mag 2months na ang baby ko at awa ng diyos wala syang rashes kahit 6 to 7 hrs bago ko palitan yung diaper nya. As in babad yung pwet nya sa ihi..
Excited to become a mom because it is my first time after 10 yrs of waiting