Diaper Rash

Help mommies! Ano po maganda diaper (yung hindi mainit)? Been using Kleenfant since July kay baby pero hindi ata hiyang recently namumula pwet niya 😭 (1-2hrs pinapalitan ko agad at hinuhugasan kapag may poop pero sa gabi 3-6hrs ko bago mapalitan) Sinubukan ko kleenfant Don't Rash, Drapolene, at Calmoseptine pero no effect 😩 Any advice po? Salamat sa sagot. #diaperrash #BabyCare

Diaper Rash
97 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

always make your baby's bun dry before applying any product. make sure din na patuyuin ung cream na nilagay mo bago mo ipasuot ung diaper. pwede rin na sobrang sikip na kay baby ung diaper nya so you need to switch to a bigger size

ako po gaifeel gamit ko.. everytime po pinapalitan ko c baby lalagyan ko sya moisturizer never po nagka rashes baby ko.. madalas pa nyan 1 pad a day & night lng sya kasi napaka absorbent ng diaper prang wala laman lagi yng diaper

Try eq diaper. Since newborn anak ko yan gamit nya. Pag nagttry ako magswitch ng ibang diaper nagrarashes agad sobrang sensitive dn balat nya kasi. Pero ayun, hiyangan talaga sa baby.

virgin coconut oil super effective po sa mga ganyan,nahiyang ang baby ko sa coconut oil..kahit anong diaper din ang ginagamit namin sa kanya basta may coconut oil siya bago ko nilagay yong diaper Niya never po siya nag rashes

for my 3rd baby now ko lang nalaman n mabisang gamot sa diaper rash Is cornstarch super effective..no need to buy expensive products....bukod sa effective ang cheap lang....try nyo n mga mi...sharing is caring

Influencer của TAP

Try Rashfree po, Zinc Oxide po ito and binigay samin ng pedia ni baby. If di pa rin po nagwork, try changing your diaper brand, baka dun di hiyang si baby. Pwede din na during morning ay lampin muna siya.

hi mii, try po mo EQ dry SI baby hnd sya nagrarashes dun.. tpos pwde mo ipahid sa rashes ung calmoseptine na cream, every diaper change mbilis mwwla rashes nya.. effective based sa exp.ko

Thành viên VIP

Moose Gear Diaper mommy highly recommended chlorine free at super absorbent every 2hrs po dapat palit nang diaper kapag heavy wetter po si baby para hindi nabababad sa ihi

Thành viên VIP

Change diaper, try makuku, pampers kung may budget, or unilove. Ang gamit ko for rash is in a rash, iref nyo mii tsaka nyo gamitin.

babypoko mie 🥰 maganda sya hindi sya mainit. basta liitan mo lang size nya kasi mas malaki size nya kumpara sa mismong size ni baby. kunwari xl sya, mag large ka.