I have a 3yr old boy and 10month old baby. Ung paglilinis at pagluluto ginagawa ko pag tulog si baby, ung panganay ko naman naglalaro lang. Nauutusan din sa mga simpleng bagay like pagliligpit ng kinainan nya (sanay naman na kasi kumain on his own). Ung groceries weekend namin ginagawa kasama asawa ko. Ganun din ung food namin for a week, namamalengke na ko ng mga lulutuin para sa 5 araw since weekends lang andito asawa ko.
Since bantayin pa ung baby ko kumuha muna kami tagalaba pero ako pa din sa pagsisilong, pagtitiklop at pamamalantsa na isinisingit ko kapag tulog or behave ang bunso.
Pag andito asawa ko mas nakakapaglinis ako o cya ng bahay, kumbaga eh general cleaning.
Mommy dapat mas madali dali for you kasi 8 na ung anak mo, di na alagain. Talk to your child po and embrace sa mga house chores na kaya naman na nya dapat gawin. Dapat talaga maaga pa lang natuturuan na para makasanayan🙂
Đọc thêm
Wife to an amazing husband | wonderwomom of two precious kids