Helo mommies advise po kayo once po na mabasa nyo to mag comment po kayo kung naexperience nyo, yung anak ko po napaka ubuhin nya, hindi na sya nawawalan ng ubo. Nag ka plema sya once gumaling naman then nagka plema na naman ngayon puro antibiotics po. Gusto ko na sya dalin sa ibang pedia kase walang araw simula nung 1 and half month sya na di na sya nawawalan ng ubo. Wala po syang sipon, hindi rin nilalagnat. Masigla naman po sya, hindi rin iritable. 1st time mom ko po, ano po kaya to? Help po, advise naman po napapapraning na ho ako. #1stimemom #firstbaby #advicepls #theasianparentph #cough #helpfirstmom
Jem F. Alejandro