UMIIYAK PAG GUTOM
Helo! I am 5 months preggy. Kagabe 3AM gutom na gutom ako. Ilang beses ko ginigising yung husband ko pero di magising kasi medyo nakainom. Tas bigla nalang ako umiyak. Gutom na gutom kasi ako. Normal po ba yun?
Naexperience ko yan. Parang tantrums habang buntis, ako naman panggabi pasok namin as Call Center Agent, nung February puro ako unpaid VL, pero sya pumapasok so sa umaga sya tulog. Pag day off nya bumabawi sya ng tulog kaya lang kapag nagutom ako para akong nagseself pity, dumating pa sa point na habang kumakain ako ng sky flakes pamatid gutom umiiyak ako kasi dko sya magising (dahil pagod sya) paggising nya nun ako naman matutulog dahil sa inis.
Đọc thêmFeel ko hindi 😂 ako nga gusto ko kumain ng ginataang bilobilo ee wala akong mabilhan ng luto na .. nag chat ako ky hubby na bibili ko ng sangkap sa palengke ayaw nya ko payagan kasi nsa work sya wala daw ako kasama . Ilang beses ko sya pinilit umiiyak nko kasi ayaw nya ko payagan .. ang ginawa ko pumunta tlga ko ng palengke pra bumili ng sangkap nung pag uwi nya kinain nya din nmn 😂
Đọc thêmHindi naman kailangan umiyak agad. Ako nung buntis ako, lagi akong may imbak na pagkain para kung nagugutom ako hindi na ako manggigising mg asawang tulog. Naiintindihan ko kasi na need din nyang magpahinga and hindi naman ako bata para subuan pa ng pagkain. Let us not abuse that thing called "Pregnancy Hormones" para di mabwisit mga asawa natin kakaintindin sa atin.
Đọc thêmoo normal lang sis, ganyan din ako noon, minsan nga kapag hindi ko nakuha yung gusto kong kainin umiiyak talaga ako, pero pag gutom ka talaga wag mo na hintayin hubby mo lalo nat lasing or nakainom magugutom ka talaga hahahaha ganyan din hubby ko manginginom pero ngayon hindi na dahil malapit na ako manganak 🤣
Đọc thêmNormal lang na gutumin kahit anong oras. Nirmal din na umiyak dahil di mo magising hubby mo. Nagiging emotional kasi tayo pag buntis. Ako nga, kahit napakaliit na bagay, umiiyak agad ako. Kahit nga yong pinapanood kung youtube kahit ang saya saya ng show, bigla akong naiiyak.
Salamat po. First pregnancy ko po kasi to kaya di ko alam kung normal po yung ganun..
Ang o.a mo nmn mommy haha ndi nmn maiiwasan tlga magutom kaya dapt d ka umaasa lagi sa asawa mo lalo na alam mo nakainom ugaliin mo po na lagi kay may pabg reserba na food sa tabi mo pra incase ndi ka iiyak sa gutom..mommy kna po ndi kna bata😊👍🏻
nagiging emotional po ang ibang babae (hindi lahat) kapag nag bubuntis, nasa hormones yun hindi OA kaagad. kahit ako naiiyak minsan wlang dahilan.
Normal lang sis kasi pag buntis talaga ang isang babae nagiging emotional,naiyak ka siguro sa inis..siguro magstock ka na lang ng food na gusto mong kainin para d mo na maistorbo yung husband mo..ganyan ginagawa ko kasi ldr kami ng husband ko
Bumili na nga po ako ng stocks ko. First pregnancy ko po kasi 'to. Thanks po. 😁
Ganyan din aq super gutom mdaling araw. Wag na po kau umiyak, mkakasama pa yan kay bb. Ang ginagawa po ng asawa ko pineprepare na nya kakainin ko dat tym. Minsan sandwich, biscuit or yung tirang hapunan nmin tpos aq n lng babangon.
Hahaha natawa naman ako momshie 🤣 pero ok lang yan 😊 marami nagsasabi ng kaartehan yan pero science na mismo ang nagsabi na nagiging emotional talaga ang babae kapah buntis dahil sa pagbago ng hormone levels. 😊
momsh hayaan mo nalang yung mga nagsasabi sayo dito na OA yung reaction mo na pag iyak. wala naman sila mapapala sa pag epal nila sayo. okay lang yan momsh part of pregnancy mo yan. stay healthy po momsh 😊😊
Thank you po.
Working mom