Hello beautiful men and women.. :) Pasenxa napo, mataas ito. hihi In need lng po ng advise. I have problems with my inlaws too. I've got married in 2015 because i was impregnated. I am 23yrs old. Even before mag boyfriend pa kami ng hubby ko, I have difficulties connecting to his parents. Pero I tried makihalobilo whenever I visit to their house. After our wedding, dun na ako nakatira sa kanila. Hormones and all kasi preggy, I don't usually mingle with them. My hubby is the only kid and adopted po siya. Nagagalit yung mother nya whenever I dont talk to them, I maybe rude pero wala eh kahit anong reach out ko d ko keri, hormones eh. She cant understand that (d naman xa nka ranas) even if I asked my hubby to make her understand. So ayun, dun ng simula yung misunderstanding namin, e sali mo pa yung, everyday they make you both(hubby and me) feel like you owe them a lot coz yun nga adopted tsaka sila daw ng spend ng malaking money sa kasal. So buong pregnancy ko, tahimik lng ako sa bahay nila whenever I am home(working preggy ako eh, hubby ko walang work) Nagagalit sila pag ganun attitude ko. Nung kabuwanan ko na, dun na ako(night lng si hubby pupunta sa bahay kasi prio parin nya parents nya) sa bahay ng parents ko, hanggang sa nanganak ako. Na decide namin ni hubby na mag stay muna ako at ni baby sa bahay kasi iba yung aruga ng ina dba po? Tapos meron pang PostPartum at hindi naman experyensado yung MIL ko. Nung one month ni baby, isang beses lng sila dumalaw sa bahay, mga 20mins nga lng umalis din. Pero the're very vocal na gusto tlaga nla may baby na at gusto nila sa kanilang bahay na kami tumira. Pero isipin nyo, ni bedroom hindi na ayus,alikabok lahat. Hindi okey for newborn. Nag away kami ni hubby nun(inisip na nga nyang hiwalayan ako) kasi gusto nga nila dun na kami tumira, which is for me natatakot ako for d baby sa health nya. Pumunta ako sa bahay nila pra humingi ng paumanhin at sinabi ko yung conditions ko na ayusin yung bedroom for baby. Okey na sana lahat, dun na kami nkatira pero my God! c baby naman, iyak ng iyak d maka tulog, for one week na nandun kami namamaos na xa. Wala pa naman ako buong araw kasi nasa work, sila lng yung nagbabantay. Titigil lng ng iyak pg nakauwi na ako. Hindi nila inisip yun, bsta nasa kanila lng yung baby. D nila naisip na stress din c baby. And it breaks my heart, hearing my baby crying over d phone pg tatawag ako every hour to check. Kaya, nung ng visit kami sa parents ko, nagalit mama ko kasi bakit d nila kaya patahanin si baby dun. Awang-awa yung mom ko. One week bago kami bumalik dun sa bahay ng Inlaw ko, okey na naman si baby bumalik na yung normal na voice nya. Nung naka hanap na ng work c hubby, dun kami sa parents ko ng stay kasi na awa din c hubby na palaging iyak c baby sa kanila d naman kaya patahanin ng mama nya. For 2 mos, visit2x lng kami sa inlaw ko on weekends ganun. Tapos, iwan ko sa hubby ko, tamad, nag stop mg work. Pero dun pa kami nka tira sa parents ko hanggang sa nag baptism ni baby. At dun, iwan ko sa byenan ko, nagalit d ko daw siya pinansin at wala daw akong respeto sa kanya. D ko po namalayan na nandyan na po sya talaga, d ako naka pag mano agad. Busy din ako sa ka entertain ng bisita, d ko na alam nagaganap, d ko daw siya na sali sa picture taking ganun. Itong hubby ko, inaway ako, wala daw akong respeto, pinaiyak ko daw mama nya, over-all mamas boy kasi sya. Kaya, all-out-war silang family clan sa akin, wala kami commu ni hubby, d nga nangungumusta sa baby. Hanggang sinabi nya punta nadaw xa Manila(from Mindanao po ako), mag tatrabaho at para umiwas na sa akin kasi yun ang sabi ng magulang nya. D na ako ng question, hanggang ayun nga nanjan na sya sa Manila. Walang paramdam. Okey lng ba talaga na pinakiki-alaman ng Inlaws ko ang buhay mag-asawa namin? At okey lng ba na mas prio parin ni hubby yung parents nya kahit married na xa? Naiinis na kasi ako kasi sabi ni hubby, prio pa daw nya parents nya hanggang mamatay sila at pangalawa lng kami sa listahan ng anak nya. Sabi pa nga nya, kikilalanin lang kita na asawa ko kapag patay na magulang ko. At mag fifile nadaw sila ng annulment hintay lng daw ako ng letter galing korte. Ano ba to napasukan ko? Ano pwede ko gawin???

99 Các câu trả lời

I also have my share of story for not being in good terms with my in-laws. pero wla e. ako nagaadjust for the sake ng samahan at ng anak ko. nagwowork din ako and in law ko nagbabantay.. Kht d rn kmi in good terms ng in laws ko, kht SIL nya, wala e. Kelangan makisama pra sa bata. Somehow naman kc pinapaunawa ko sa asawa ko nararamdaman ko.

VIP Member

Nako sis. Mahirap nga na sistwasyon yan. Tatagan mo lang ang sarili mo para sa anak mo. Kailangan mo talaga makisama sa MIL mo kahit sobrang hirap. Para makuha ang loob nila dapat talaga na habaan mo ang pasensya mo. Super tough ng mga bagay bagay but isipin mo na lang na you are tougher! Lalo na at you have your baby. Kaya mo yan sis!

Salamat sis.. Pray nalang talaga ako nito. :)

let him do what he wants mom. kasal na kayo dapat lang na ikaw at ang bata ang piliin nya.. peru hindi eh kay let him go hindi nyo sya deserve.. yung family nalang nya asawain nya hihi sorry for this peru nakakagigil sya. hes not man enough to stand for u and the baby. sya pa may ganang makipag divorce mahiya po sya.

mommy wala kang ibang priority ngayon kundi ang anak mo. kung si hubby tamad at hindi kayo kayang panindigan na magina at nakadikit pa sa magulang nya, ibalik mo na ung hubby mo sa nanay niya at umuwi na kayo sa pamilya mo. may epekto physically at psychilogically sa baby ang negative atmosphere, at ang pagiyak lagi.

Obviously hindi ka mahsl ng asawa mo.so ayusin mo sarili mo at ipakita mong it not your loss. of course masakit madaling I advice to move on. but I know sa sarili mo mahirap gawin.. Take care of self and baby medyo minalas ka lng that you found that kind of man one day God will reward you with what you deserve..

VIP Member

nakakagigil si hubby mo mamshie ahh, hay nako di nya deserve tawaging tatay, dapat once na nagkafamily na alam na kung panu tumayo sa sariling paa at alagaan ang sariling pamilya. Ou may responsibilities sya bilang anak pero sa panahon na yan mas malaki na responsibility nya bilang tatay. kainis mga gantong lalaki

naku sis, no. 1 mama's boy yang napangasawa mo. in short, walang gulugod. bumalik man sayo yan, masulsulan lang problema ulit. ang pakikipaglaban para sa inyo ni baby ay sa kanya dapat unang magmula. hindi mo dapat ipilit sa kanya ang kapakanan nyo ni baby. pakatatag ka sis kung anuman maging desisyon nya.

its utterly absurd. kung ganyan pala iaasta niya sana hindi ka niya pinakasalan in the first place. you should know what is your right. do not sign those papers. wala siyang grounds para hiwalayan ka, kung tutuusin ikaw ang may grounds for him dahil hindi niya ginagawa responsibility niya sa inyo.

Ay sis hayaan mo yang asawa mong wala paninindigan. Nakaka stress lang mga ganyang lalaki. Importante na sayo baby nyo. Darating din yung araw na mag sisisi sya na tinalikuran kayo. And about your in-laws hayaan mo na din sila. Pakatatag kanalang mommy. God bless sa inyo ni baby.

VIP Member

i feel you so much sis! same case here. only child mil ko tapos wala din work. tamad din, pero tumutulong naman sa gawaing bahay. at inlaws ko parang feel ko pinaplastik lang din ako kaya ganun nlang din ako skanila. kairita kaya kasama sa isang bubong taong pinaplastik ka lng

Câu hỏi phổ biến