Hello beautiful men and women.. :) Pasenxa napo, mataas ito. hihi In need lng po ng advise. I have problems with my inlaws too. I've got married in 2015 because i was impregnated. I am 23yrs old. Even before mag boyfriend pa kami ng hubby ko, I have difficulties connecting to his parents. Pero I tried makihalobilo whenever I visit to their house. After our wedding, dun na ako nakatira sa kanila. Hormones and all kasi preggy, I don't usually mingle with them. My hubby is the only kid and adopted po siya. Nagagalit yung mother nya whenever I dont talk to them, I maybe rude pero wala eh kahit anong reach out ko d ko keri, hormones eh. She cant understand that (d naman xa nka ranas) even if I asked my hubby to make her understand. So ayun, dun ng simula yung misunderstanding namin, e sali mo pa yung, everyday they make you both(hubby and me) feel like you owe them a lot coz yun nga adopted tsaka sila daw ng spend ng malaking money sa kasal. So buong pregnancy ko, tahimik lng ako sa bahay nila whenever I am home(working preggy ako eh, hubby ko walang work) Nagagalit sila pag ganun attitude ko. Nung kabuwanan ko na, dun na ako(night lng si hubby pupunta sa bahay kasi prio parin nya parents nya) sa bahay ng parents ko, hanggang sa nanganak ako. Na decide namin ni hubby na mag stay muna ako at ni baby sa bahay kasi iba yung aruga ng ina dba po? Tapos meron pang PostPartum at hindi naman experyensado yung MIL ko. Nung one month ni baby, isang beses lng sila dumalaw sa bahay, mga 20mins nga lng umalis din. Pero the're very vocal na gusto tlaga nla may baby na at gusto nila sa kanilang bahay na kami tumira. Pero isipin nyo, ni bedroom hindi na ayus,alikabok lahat. Hindi okey for newborn. Nag away kami ni hubby nun(inisip na nga nyang hiwalayan ako) kasi gusto nga nila dun na kami tumira, which is for me natatakot ako for d baby sa health nya. Pumunta ako sa bahay nila pra humingi ng paumanhin at sinabi ko yung conditions ko na ayusin yung bedroom for baby. Okey na sana lahat, dun na kami nkatira pero my God! c baby naman, iyak ng iyak d maka tulog, for one week na nandun kami namamaos na xa. Wala pa naman ako buong araw kasi nasa work, sila lng yung nagbabantay. Titigil lng ng iyak pg nakauwi na ako. Hindi nila inisip yun, bsta nasa kanila lng yung baby. D nila naisip na stress din c baby. And it breaks my heart, hearing my baby crying over d phone pg tatawag ako every hour to check. Kaya, nung ng visit kami sa parents ko, nagalit mama ko kasi bakit d nila kaya patahanin si baby dun. Awang-awa yung mom ko. One week bago kami bumalik dun sa bahay ng Inlaw ko, okey na naman si baby bumalik na yung normal na voice nya. Nung naka hanap na ng work c hubby, dun kami sa parents ko ng stay kasi na awa din c hubby na palaging iyak c baby sa kanila d naman kaya patahanin ng mama nya. For 2 mos, visit2x lng kami sa inlaw ko on weekends ganun. Tapos, iwan ko sa hubby ko, tamad, nag stop mg work. Pero dun pa kami nka tira sa parents ko hanggang sa nag baptism ni baby. At dun, iwan ko sa byenan ko, nagalit d ko daw siya pinansin at wala daw akong respeto sa kanya. D ko po namalayan na nandyan na po sya talaga, d ako naka pag mano agad. Busy din ako sa ka entertain ng bisita, d ko na alam nagaganap, d ko daw siya na sali sa picture taking ganun. Itong hubby ko, inaway ako, wala daw akong respeto, pinaiyak ko daw mama nya, over-all mamas boy kasi sya. Kaya, all-out-war silang family clan sa akin, wala kami commu ni hubby, d nga nangungumusta sa baby. Hanggang sinabi nya punta nadaw xa Manila(from Mindanao po ako), mag tatrabaho at para umiwas na sa akin kasi yun ang sabi ng magulang nya. D na ako ng question, hanggang ayun nga nanjan na sya sa Manila. Walang paramdam. Okey lng ba talaga na pinakiki-alaman ng Inlaws ko ang buhay mag-asawa namin? At okey lng ba na mas prio parin ni hubby yung parents nya kahit married na xa? Naiinis na kasi ako kasi sabi ni hubby, prio pa daw nya parents nya hanggang mamatay sila at pangalawa lng kami sa listahan ng anak nya. Sabi pa nga nya, kikilalanin lang kita na asawa ko kapag patay na magulang ko. At mag fifile nadaw sila ng annulment hintay lng daw ako ng letter galing korte. Ano ba to napasukan ko? Ano pwede ko gawin???

99 Các câu trả lời

Iwan mo na ang guy, isipin mo ang anak mo. kaya mo naman buhayin ang anak mo kahit walang tulong ng asawa mo at in-laws nila isipin mo kung saan ka/kayo ng baby mo magiging comfortable. ☺ Baby first ganyan din ako before kasi yung partner ko nag iisang lalaki at bunso pa kaya sanay sa luho pero after ng maraming di pagkakaunawaan okay naman na kami ngayon. Hwag mo lang syang hayaang maging dominant lalo na kung nahihirapan kana. ☺

Feel ko nag depend lang siya sa mother niya. ,, gaya ng sabi mo mamas boy siya so pangit naman po yung ganun ,, my asawa na po siya dapat marunong na siyang lumugar,, at tska nakakasira ng relasyon yan kung my sasali pang iba at mama pa niya at itong c boy dapat naman marunong umintindi pamilyado na syang tao ehhh ,,dapat maging matured sya ,,hndi yung iiwan kalang sa iri ng ganun lang ,, walang pakiramdam

mahirap talaga pag mamas boy ang napangasawa kase nasa sitwasyon niyo ang biyenan mo bawat kilos bawat paggalaw titignan niyan. tas imbis na kayo nalang ng anak mo priority at tapos na ang priority ng asawa mo sa kanila kase pamilyado na nakokontra nila parati.. kaya mas maganda pa rin ang bumukod kahit papano makakakilos ka ng maayos at walang mangingialam sa ginagawa mo

sobra hirap. ganyan sitwasyon ko ngayon

pag ganyan asawa mo sis,hindi nyan alam ang responsibilidad ng Asawa...naranasan ko rin yan sa Ex ko sabi sakin "Family First"daw yung Parents nya...haha bakit nag asawa kaagad sya eh yan pla parents nya priority nya? wag mo nang istress sarili mo... mas isipin mo kayo ng Anak mo... baka sakaling maisip nya kamalian nya pag di nyo na sya kasama... baka mas marealize nya yan sinasabi nya

ouch!mummy, ibig sabihin hindi ka nya ganun kamahal kasi hindi nya kayang iwan magulang nya(hindi nya kayang iwan pagiging mama's boy nya) para sa inyo ng baby nyo. mag-usap kayo ng maayos pero kapag ganun pa din ang reason nya,yaan mo na po sya magfocus kanalang po muna kay baby. walang syang kwentang tatay kung iiwan nya kau lalo na si baby. isa syang bading!kainis!

may pagkahawig din ito sa akin eh. gusto ko mag stay sa family side ko kasi dun ako mas komportable, eh ayaw nman ng hubby ko. ang hirap kapag may mga tawo na hindi nakakaintindi nuh. wala akung magawa kundi sundin sila, di nalang ako kumikibo kasi alam ko mag aaway na nman kami ni hubby tapos sasabat sabat pa ung papa nya, nskakagigil 😟

Alaga.an mo sarili mo sis. Work hard hanggang sa ma achieve mo mga dreams mo at para din kay baby, hindi sila ang makakapagbagsak sayo. Magpaganda ka, hindi dahil para makahanap ka ng iba, kundi ipakita mo sa kaniya na dapat lang na manghinayang siya. At huwag na huwag mo na siyang tanggapin baka hila.in ka na naman niya pa baba. God bless you always.

In short, di pa cya ready maging asawa at maging padre de pamilya.

Naku, yaan mo na yung asawa mo. Hindi nya kayo mahal. Ni wala nga interes makita kahit man lang baby nyo. Saka wala naman kayong future na mag ina sa kanya. Just focus on your baby. Kelangan nya love and attention mo. Kaya mo yan. Anjan naman family mo hindi ka pinababayaan. Stop reaching out to him na. He's not worth it. Sya ang nawalan.

Once you get married syempre first Priority mo na ang binubuo mong pamilya, secondary na lang ang parents niyo. Kung ganun pananaw ng asawa mo isuli mo muna sa nanay niya, pero huwag muna kayo mag hiwalay.. just pray malay mo hipuin ni God ang puso ng asawa mo at magbago siya at marealize niya na mahalaga at priority niya kayo!😊

Ephesians 5:25: “For husbands, this means love your wives, just as Christ loved the church. He gave up his life for her." Genesis 2:24: “Therefore a man shall leave his father and his mother and hold fast to his wife, and they shall become one flesh." ... He who loves his wife loves himself.

Câu hỏi phổ biến