Hello beautiful men and women.. :) Pasenxa napo, mataas ito. hihi In need lng po ng advise. I have problems with my inlaws too. I've got married in 2015 because i was impregnated. I am 23yrs old. Even before mag boyfriend pa kami ng hubby ko, I have difficulties connecting to his parents. Pero I tried makihalobilo whenever I visit to their house. After our wedding, dun na ako nakatira sa kanila. Hormones and all kasi preggy, I don't usually mingle with them. My hubby is the only kid and adopted po siya. Nagagalit yung mother nya whenever I dont talk to them, I maybe rude pero wala eh kahit anong reach out ko d ko keri, hormones eh. She cant understand that (d naman xa nka ranas) even if I asked my hubby to make her understand. So ayun, dun ng simula yung misunderstanding namin, e sali mo pa yung, everyday they make you both(hubby and me) feel like you owe them a lot coz yun nga adopted tsaka sila daw ng spend ng malaking money sa kasal. So buong pregnancy ko, tahimik lng ako sa bahay nila whenever I am home(working preggy ako eh, hubby ko walang work) Nagagalit sila pag ganun attitude ko. Nung kabuwanan ko na, dun na ako(night lng si hubby pupunta sa bahay kasi prio parin nya parents nya) sa bahay ng parents ko, hanggang sa nanganak ako. Na decide namin ni hubby na mag stay muna ako at ni baby sa bahay kasi iba yung aruga ng ina dba po? Tapos meron pang PostPartum at hindi naman experyensado yung MIL ko. Nung one month ni baby, isang beses lng sila dumalaw sa bahay, mga 20mins nga lng umalis din. Pero the're very vocal na gusto tlaga nla may baby na at gusto nila sa kanilang bahay na kami tumira. Pero isipin nyo, ni bedroom hindi na ayus,alikabok lahat. Hindi okey for newborn. Nag away kami ni hubby nun(inisip na nga nyang hiwalayan ako) kasi gusto nga nila dun na kami tumira, which is for me natatakot ako for d baby sa health nya. Pumunta ako sa bahay nila pra humingi ng paumanhin at sinabi ko yung conditions ko na ayusin yung bedroom for baby. Okey na sana lahat, dun na kami nkatira pero my God! c baby naman, iyak ng iyak d maka tulog, for one week na nandun kami namamaos na xa. Wala pa naman ako buong araw kasi nasa work, sila lng yung nagbabantay. Titigil lng ng iyak pg nakauwi na ako. Hindi nila inisip yun, bsta nasa kanila lng yung baby. D nila naisip na stress din c baby. And it breaks my heart, hearing my baby crying over d phone pg tatawag ako every hour to check. Kaya, nung ng visit kami sa parents ko, nagalit mama ko kasi bakit d nila kaya patahanin si baby dun. Awang-awa yung mom ko. One week bago kami bumalik dun sa bahay ng Inlaw ko, okey na naman si baby bumalik na yung normal na voice nya. Nung naka hanap na ng work c hubby, dun kami sa parents ko ng stay kasi na awa din c hubby na palaging iyak c baby sa kanila d naman kaya patahanin ng mama nya. For 2 mos, visit2x lng kami sa inlaw ko on weekends ganun. Tapos, iwan ko sa hubby ko, tamad, nag stop mg work. Pero dun pa kami nka tira sa parents ko hanggang sa nag baptism ni baby. At dun, iwan ko sa byenan ko, nagalit d ko daw siya pinansin at wala daw akong respeto sa kanya. D ko po namalayan na nandyan na po sya talaga, d ako naka pag mano agad. Busy din ako sa ka entertain ng bisita, d ko na alam nagaganap, d ko daw siya na sali sa picture taking ganun. Itong hubby ko, inaway ako, wala daw akong respeto, pinaiyak ko daw mama nya, over-all mamas boy kasi sya. Kaya, all-out-war silang family clan sa akin, wala kami commu ni hubby, d nga nangungumusta sa baby. Hanggang sinabi nya punta nadaw xa Manila(from Mindanao po ako), mag tatrabaho at para umiwas na sa akin kasi yun ang sabi ng magulang nya. D na ako ng question, hanggang ayun nga nanjan na sya sa Manila. Walang paramdam. Okey lng ba talaga na pinakiki-alaman ng Inlaws ko ang buhay mag-asawa namin? At okey lng ba na mas prio parin ni hubby yung parents nya kahit married na xa? Naiinis na kasi ako kasi sabi ni hubby, prio pa daw nya parents nya hanggang mamatay sila at pangalawa lng kami sa listahan ng anak nya. Sabi pa nga nya, kikilalanin lang kita na asawa ko kapag patay na magulang ko. At mag fifile nadaw sila ng annulment hintay lng daw ako ng letter galing korte. Ano ba to napasukan ko? Ano pwede ko gawin???

99 Các câu trả lời

I also have a partner na sobrang mama's boy and only son din. di naghanap ng work after graduation and sobrang tamad kahit nasa bahay lang. I supported myself and our babies. I got full of it and nakikialam talaga mama nya kapag may discussion kami. pumapasok bigla sa kwarto kasi we also live with his parents. sa case nung ate ko nun kahit nasa bahay namin sila ng hubby nya never kaming nakisawsaw kaya I nevel liked thdpe thought na kailangan makialam. once may family na kayo, I guess kayo na ang priority and di dapat naman talaga pinapabayaan ang parets. case to case basis din naman kse. sa amin, may income naman sana kaso walang budgeting. ilang beses din ng attempt ng pg cheaf kaso may fbi skills ako. nabibisto ko na kahit di pa naka porma. kaya iniwan ko. ako nag wo-work tinitiis ko lahat kahit di ko ma alagaan ng ilang oras mga kids ko para kumayod tapos sya pa palaging pagod. pero we tried patching things up for the kids talaga eh. di pa daw siya makatayo sa sarili niyang paa kaya sabi ko kung di nya kaya, sabi ko kaya ko nga eh. we were 18 and 19 nung time na nabuntis ako. mature naman kse ako mag-isip siguro dahil lumaki ang ulo dahil may palaging nanunulsol sinisiraan pa ako sa lahat para lang ma cover ang pagkukulang ng partner ko kaya talaga iniwan ko. pero mas pinili nya kami in the end. nag work sya at nakita ko talaga on how he shifted to a very responsible dad and provider ng family namin at parents nya. di na nagloko at mas inuuna nya kami ng kids pero di ko hinahayaan na mapabayaan nya parents nya kasi pagdating ng panahon kahit anong mangyari kami lang dalawa ang magdadamayan pag napano parents nya. mas stable din naman kse family ko kaya di ako masyadong stressed sa part na yun. pero in your case, you try to talk it out pero pag di kaya, tapos di mo na talaga ma tiis sometimes its better to let go and move forward. kung kayo, kayo talaga pero may right ang baby mo sa support ng daddy at wag mo din ipagdamot si baby kung gusto makita ng family pero dapat may terms talaga. para din kay baby. kahit ano para sa ikabubuti ni baby,go. ang haba ng reply ko 😊 god bless sa inyo!

so sad to hear na di talaga mawala sa mundo ang mga irresponsible father and husband... mali ang reasoning nya na first priority nya pa din parents nya..kung single sya..oo..pero now that he's already a married man...dapat kayo na ng baby nyo ang first priority nya... Mahirap talaga na makisama...lalu na alam mo na hindi ka talaga gusto ng biyenan mo...hahanap at hahanap ng butas yan lalu na kung ganyan nga ka negative ang attitude...though madami naman na okay na in-laws na parang anak din talaga turing nila sa mga daughter or son in-law nila... pero kung kaya ng mag asawa na may sariling tirahan talaga yun ang pinaka tama...para may sarili kayong buhay... kung mag file sya ng annulment...GOOD FOR YOU...kasi sorry to tell you but HE'S JUST A PAIN N YOUR NECK"... wait mo lang ...magastos mag pa annul...kung nag iisip sya...dapat save nya nalang yun money for your baby's future...and wala din kayo future mag ina sa ganyan klase ng tao... NO BACK BONE... pero kung talagang mag file ng annulment make sure lang na mag bigay sya ng sustento sa anak mo dahil nsa batas yun... hanggat maari ayoko ng may broken family...nanggaling nako sa broken marriage ...mahirap sa umpisa..kasi ang unang apektado is mga bata...pero kung irresponsible naman ang asawa mo at hindi kayo priority para ano pa?..NOT WORTH FIGHTING FOR... ang importante ngayon ang anak mo... kaya mo naman sya buhayin.... hayaan mo nalang ang wla mong kwentang asawa at in-laws... ang intindihin mo nlang future nyo mag ina...at dapat suportahan nya yun anak nyo... Pray ka lang din lagi na bigyan ka ng lakas ng loob na harapin lahat mga trials and to protect you and your baby to any harm...

Thank you po sa suporta.. :) Sabi nga ng parents ko wait lng daw kami na mg file sila, akala siguro nila madali mg process. I keep praying lng na mag grow-up lng talaga yung hubby ko para naman worthy siya na tawagin father ng baby namin. Pray lng talaga ako parati. :)

grabe naman si hubby mo, di dapat ganun, parehas tayo, diko kinikibo mga in laws ko kahit 3 yrs nakaming nakatira dto sknila although nakabukod kami pero sa kadikit lang nila my times na talaga walang kibuan and di nag mamano, ramdam ko naman na parang mag galit sila skin dhil sa attitude ko na di sila kausapin pero di naman kasi sa ayaw pansinin, nahihiya akong mag open up nang topic sknila lalo na kung di namn ganun ka importante ung sasabihin. kaya kung di nila ako kausapin di din ako mag sasalita, pero naiintindihan naman hubby ko yung ganun set up namen nang parents nya, ska di naman niya ako sinasabihan na mas priority nya pa parents kasi mali yun lalo na kasal nakayo, need nyo mag usap sis kasi dapat yung asawa ang mas priority nya kasi may sariling buhay na sya sariling pamilya , marunong din sana syang tumayo sa sarili nyang paa di yung naka base padin sya sa sasabihin nang mama nya dapat intindihin kadin nya.kung ayaw nyang magpaka tatay and husband better to move on , lalo na may work ka naman, mas ipapriorty mo nlang si baby. marami naman single mamy dyan na kakayanan nila.

Before anything else, virtual hugs muna sa yo. Regarding your questions: 1. Once na kinasal na ang isang tao, ang priority na niya ay yung asawa at mga anak niya. Kaya nga di ba spouse and kids ang nakalagay na dependents, kasi kayo na ang "immediate family". Sadly though, hindi lahat ng tao naiintindihan ang concept na yun. Mayroon pa din na mas priority ang magulang at kapatid kaysa asawa at anak. Kaya isa ito sa mga pinagusapan namin ng husband ko nung nagpaplano palang kami magpakasal. 2. Ideally, hindi dapat nakikiaalam ang mga magulang natin (including inlaws) sa desisyon ninyong mag-asawa. Pero like sa #1, madami din hindi nagpapractice nito. Kaya important na same stand kayo ng asawa mo. Like sa amin, pwede magsuggest mga parents namin pero kami pa din magdedecide kung gagawin namin or not. 3. If magfafile sila ng annulment, wait mo lang kung totoo nga. Magastos ang annulment process. Pero if ever ituloy nila, mas mabuti na magconsult ka sa lawyer for your action plan, lalo na may anak kayo.

Salamat mommy sa advice.. Will surely keep this in mind.. Currently nalaman ko nka uwi hubby ko from MNL pero never heard of him, no kumusta or what.. Pero i tried to communicate sa kanya, nothing padin. Ayaw ko naman pumunta sa bahay nila kasi his parents vocally said na I am not welcome anymore sa hauz nila. Kaya stay put lng ako. Pray nalang ako palagi.

Ang problem mo ay hindi na talaga yung mother in law mo pero ang husband mo. I am not in good terms with my mother in law and sister in law. I cut ties with my husband's whole family but he understood and respects my decision. It got to the point na I was ready to leave him kasi I can no longer stand being in the same room with his family, especially his sister. She wasn't upfront to me. Lagi nya pinagagalitan si hubby and binabackstab ako. But then, my husband was ready to leave his family for me and our baby. And so we left. I cut ties with them and they're not allowed to see our baby. That's how husbands should be. You and your kid should be his top priority. My advice is, wag mo nang asahan yung husband mo. Stop messaging him. Focus on yourself and your baby. Hindi ka dapat nagbebeg for his love for you and your baby. You can provide for your kid naman since even when you're pregnant, kinaya mong ikaw lang nagwowork. Pray for guidance and just stand up for yourself. Wag kang magpapaapi!

I can feel your struggle sis. Hirap ka kasi magdecide not only dahil mahal mo pa kasi hubby mo but I know that the most important to you is yung life ng baby mo at yung maari nyang maramdaman in the future. Ayaw mong lumaki sya in a broken family, but come to think of it, marami ka ng nagawa na dapat nga asawa mo ang gumawa. Di lang yung pagiging Mama's boy nya ang problema, kundi yung pagiging irresponsible nya! Kahit kausapin mo syang bumukod at iwan magulang nya which is dapat lang talaga sa nagpapamilya, di nya talaga gagawin yun dahil dun sya sa magulang nya nakasandal. Ni trabaho di nya mapagbuti kasi nga nakaasa lang sya. Imagine kung siguro bubukod kayo, ikaw din ang maghahanapbuhay para sa inyong pamilya edi mabuting wala na lang sya, ang mahalaga yung kapakanan ng baby mo kung saan sya mapapabuti. Ilaan mo sa kanya yung pagmamahal mo na para dapat sa tatay nya para di nya maramdamang may kulang sa kanya.

Nku sis mahirap talaga ganyang sitwasyon kz aq dto rin nakatira sa Haws ng MIL ko ksma mga sister in laws ko my mga anak din so nkakarelate aq sau pro MA aadvise ko lng sau na kung gusto mo na buo ung family mo for the sake of your child klangan talaga matinding pakikisama pra wlang gulo at masaya pagsasama nyo ng hubby mo... Try mo kausapin ung hubby mo about Jan klangan ksi pareho kau Dpat magadjust pagusapan nyong mabuti para saber anak nyo kng knakailangang ligawan mo mga in-laws mo gawin mo para saber family na Binuo nyo Kawawa ung bata e.. Klangan ksi tlga taung mga manugang tau ung Mag pakumbaba sa ating mga in-laws.. Most of all sis pray ka lagi Kay God na bgyan ka nya ng wisdom at tatag pra magpanambek overcome mo lhat ng Mga pagsubok na dumarating sau.. Sana pagkakataon na Ito xa lng magiging sandigan mo.. Magtiwala ka lang.. Sana nakatulong aq sau sis.. God bless you

Salamat nga pala sis sa iyong advice.. :)

in laws problems. :( una sa lahat kahit s akultura natin at sa Bibliya, kapag nag asawa kailangan bumukod. at ang pamilya mo ay ang asawa at anak mu na. pamilya m padin sila pero hindi na first priority. ang wife ang first priority next ang anak next lang ang magulang etc. syempre mahirap tanggapin un Pero once nag asawa ka dapat mung maintindihan un. kaya hindi excuse ung malakibg utangvna loob sa magulang. we must respect them syempre pero hindi sila ang mag de-decide o masusunod sa buhay natin. kaya nga mag asawa na, kasi bubukod at bubuo na ng sariling pamilya. hanggat di matutunan ni hubby mu un magiging problema un. mahalaga maayos dn sa in laws syempre pero ang solusyon ay bumukod at hindi sila kahit magulang my ang masusunod. kaung mag asawa lang. for now, pag pray m nalang muna mommy na matauhan at ma realize ng hubby m po un.

VIP Member

wow kakaiba si hubby mo..pag kasal na dapat priority na ung asawa kaya nga nakasulat sa bible un cleave and leave.."Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh” (Genesis 2:24 KJV). Eto sis mas malinaw na paliwanag then send mo ke hubby mo para alam nya un role nya sa pagaasawa.. https://www.google.com/amp/s/www.gotquestions.org/amp/leave-and-cleave.html hindi kasi dapat nangengelam ang mga inlaws pro just let them say whatever their take as a respect na rin then saka tayo magsabi ng take natin in a good way na hindi cla maooffend..if hindi nagwork un sainyo malamang me problema talaga kayo..pero sana ai hubby un kakampi mo dito at sya un nagsasabi sa MIL mo..so ke hubby pa lang me problema ka narin..hope makahelp un link para malinawan sila..

Hirap nyan sitwasyon mo sis, kung sa tingin mo its not worth fighting na para sa inyo nang hubby mo then move on ka na with your baby pero you need to talk sa hubby mo since kamo wala kayong communication. kung ang pipiliin nya ay family nya family nya eh be it, wait for the court letter ka na for annulment. Pray ka lang sis for guidance sa situation mo, hirap nyan. Huwag ka paapekto para na din sa baby mo, kung sa tingin mo masasakripisyo na baby nio at wala magbabanta na sila you need to get from court a temporary restraining order. Protect your baby na hindi nagawa ng hubby mo at huwag mong ipakita sa MIL mo na mahina ka. Ipakita mo malakas, matatag, may magandang mangyayari sa inyo ng anak nio at kaya mo kahit wala silang tulong. Sis hindi lang yan ang lalaki sa mundo.. iwas stress ka..

Salamat talaga sis. :) Sabi nga ng ka officemate ko, lusyang na super ako na para bang sampu na anak ko.. :( Alam ko sa sarili ko the problem has eaten me, pero d ko inakala it shows na pala outside(im getting skinner day by day, ang panget tingnan). D naman din kasi ako always nag-aayos pero iba nadaw talaga yung aura ko. Haaay!! Need advices on beauty regimen and how to gain weight(from 50kls down to 40 nalang siguro ako ngayon).

Câu hỏi phổ biến