22 Các câu trả lời

Sharing my story. Something scary pero tawang tawa kami pag naalala nmen. During my first pregnancy, I was 19 pa lang that time so di ko alam pano sasabihin sa family ko, so tinago ko sya ng ilang mos, although hindi rin ako aware nung umpisa na buntis na pala ako😅Takot ako malaman ng family ko, na kahit may duda na si mother,l, in denial pa rin ako syempre kasi bukod sa takot, di pa rin ako ready. Then one night, habang nagpprepare kami matulog, (sa house ng ate ko) Bigla kami may narinig na iyak ng baby na medyo scary. Nagtataka kami kasi wala sina ate kapit bahay na may baby, e yung iyak nya nagstart sa malayo tapos palapit ng palapit sa pwesto nmen, sabi ng ate ko, tiyanak daw yun. So nasabi na lang ni ate ako, bakit sa bahay nila papalapit e wala nman buntis sa kanila. So, dun na sya humarap sken, sbe nya kung buntis ako kumuha ako ng kawali at walis tapos gumawa daw ako ng ingay para itaboy yung tyanak🤣🤣🤣 So lahat ng pinagawa nya sken sinunod ko sa sobrang takot. So dahil sa tyanak napaamin ako. Katakot takot na sermon inabot ko. Kesyo, kung dinpa dahil sa tyanak wala ka balak aminin?🤣🤣🤣 So thanks to that tyanak😅 After 12yrs, buntis ulit ako ngayon sa 2nd baby ko, but not a secret anymore. Wala ng tyanak😅

VIP Member

MADAMI Tito Alex, sinolo ko ang buong kama, ayokong kumain ng kahit ano sa first trimester (Lugaw is Life that time, sapilitan pa), halos tumira ako sa CR, dinaig ko din ang bomb sniffing dogs Tito Alex lahat ng mga niluluto kapitbahay namin naaamoy ko, minsan natatakam ako, kadalasan yun ang dahilan bakit ako duwal ng duwal, throughout my pregnancy hindi pwedeng matulog c hubby ng hindi ako namamassage kasi kukulitin ko sya 😂 ayoko ng kahit anong luto ng manok, beans, kamatis na ginigisa kasi magsusuka ako. 2nd trimester sopas is life, ako na nagluluto nun pero picky pa din. 3rd trimester Chicken Inasal once a week is life.. last tri ng pregnancy ko daig pa ni hubby ang sundalo sita ng sita sleep on your left side patihaya palang ako.. ang pinakafunny nung malakas ng sumipa si baby kala ko nasiko ako ni hubby inis na inis ako, pagmulat ko ng mata wala pala akong katabi tipong magagalit ka na kasi naistorbo tulog mo, yun pala si baby yun. 😂😂😂

maybe ung time na nagttake ako ng vitamins na obimin😂Since im on my 1st trimester grabe ung morning sickness ko..kaaway ng sikmura ko ung obimin..1 day d ko talaga kinaya,nag vomit ako..nailabas ko ung vitamins na un..since color brown red sya na parang buong blood,nagpanic ako sabay sbi sa hubby ko ung bata hon naisuka ko😂😂grabe tawa ng hubby ko sabay sabi nawala dw pagiging nurse ko sa sinabi kong un😂😅

ako nung first trimester ko Yung kinain Ng mga kasama ko Yung nilagang Mani Ni hubby sobrang iyak ko nun na nag susumbong sa kanya 😂 pag naaalala ko natatawa na Lang ako, tapos di ko gets minsan pinagsasabi Ng hubby ko hanggang iexplain pa nya Ng mabuti 😂😂😂 di ko Alam San na punta Yung utak ko 😂😂 kaloka🤣🤦

Good am. Ask ko Lang po nerisitahan Kasi ako NG doctor na gamot para sa UTI Alam niya pong buntis po ako. Ininum ko po ung gamot after mga 1hour po nasusuka ako pag Suka ko may halong dugo ung Suka ko. Natakot po tlga ako baka maka apekto sa pagbubuntis ko. San may makatulong po sakin. Hindi na Kasi ako mpkli.Salamat.

consult your OB po

VIP Member

oo yung naiyak ako sa galit kasi di maalala nung guard na may iniwan akong payong sa knya 😅 natatawa ako tlaga pag naiisip ko yun ngayon. napaka pasensyosa kong tao pero nung nagbuntis ako di ko maintindihan sarili ko haha.

VIP Member

yung funny moment ko yung pumapasok akp sa school na estudyante since malaki na tummy ko hnd na kp nag uuniform minsan nag papanggap akong prof pag may new student pinag tatalent ko sila🤣🤣🤣

VIP Member

yung mabilis ako matawa kahit napaka babaw lang hahahaha tas kahit di naman masyado nakakatawa sasabihin ng asawa ko matatawa talaga ko ng malakas tas tuloy tuloy 🤣🤦🏻‍♀️

same sis 😂

Share ko lang isa sa mga funny moments ko hahahaha Umiyak ako nung umaga pag gising ko kasi kinain ng kapatid ko ung fried rice na binili para sakin ng asawa ko 🤣🤣🤣

Napanaginipan ko si LIP na may ibang chicks kasama sa kwarto, Naka two piece kulay violet! ☺️😂😂 Tawang tawa nung kinuwento ko kung ano ano daw naiisip ko. 😂😂

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan