Hard headed Padedemom

Hard headed Padedemom🤱🏻 Sa circle of family namin. Walang nag susupport sakin sa pag papa breastfeed ko kay Quil. They always want me to stop breastfeeding kasi hindi daw maganda. Lalo na pag isa samin mag kasakit, kawawa daw ang bata kasi bawal padedehin. But I already did my research regarding breastfeeding and tried to educate them also, as I educate myself. But no one listen coz you are a first time mom at sila madami ng mga anak na naalagaan. Madami na silang anak sabi nila, kaya dapat sa kanila ako nakikinig. Kahit sinabi ko na na doctor nag sasabi ng ganito ganyan, sasabihin lang sayo ganyan talaga ang mga doctor pero sila madami ng experiences. Naalala ko dati, nung newborn pa si Quil. Pinipilit nila akong mag stop sa pag papabreastfeed kasi daw wala daw gatas na lumalabas skin kaya panay yung iyak ng baby ko. Una hindi ako nakikinig sa kanila kahit onti palang alam ko sa pag papabreastfeed ang alam ko palang nun good sya. Pero binababa nila si Quil kasi hindi ako nakakasunod saka nila pinapadede ng formula ibabalik or iaakyat lang nila pag busog na, I cant do anything specially CS ako. So, isang araw dn kaming ganun ang set up. Thank God, Yung pangatlong araw namin na stay sa bahay from hospital. Dun nako nag kasakit, sobrang sakit ng dede ko n para bang malalaglag or mapuputol sa sobrang engorge at nilagnat ako na nagchchill ako and then my partner contacted my Ob. Kala namin nag ka covid ako. He said all the symptoms na sobrang sakit ng dede ko, at nilalagnat kamo ako. Ang sabi ng OB, padedehin ko lang daw yung baby and try to pump to lessen the milk na nastock. And then ayun, okay nako after doing what the Ob has instructed. Dun na mas lalong lumakas ang loob ko mag pa breastfeed kahit paulit ulit sila nag sasabi sakin na kahit imixfeed ko nalang daw si Quil. Kahit Cs ako nun, I always make sure na pag ibababa nila anak ko is bababa dn ako kasama sya( kahit masakit pa tahi ko, pero nakatulong din yun as exercise) at aakyat kasama sya. Hindi ko na hiniwalay ang anak ko sakin. And did a lot of research about breastfeeding. I read a lot of research regarding the benefits of breastfeeding and how it really works. Here's a list of thing that I think na nakatulong sakin in our breastfeeding journey. - [ ] Breastfeeding works as demand and supply. Means, the more na nag papadede ka the more na ddami ang supply ng gatas na lalabas sayo. Example nalang pag newborn pa ang baby. Kaya iniisip ng iba na wala kng gatas or onti palang gatas mo is dahil wala pa naman talaga masyadong lalabas dyan dahil wala pa namN masyadong dumedede sayo kaya do not expect na mag ooverflow agad ang gatas mo. Kaya unlilatch lang kay baby pra dumami supply ng gatas mo sabayan mo ng pumping but very careful baka mag over supply ka. Like what happen to me, cause dn kaya ako nilagnat nun kasi pump ako ng pump nun mula firstday at home nag stop lang ako nun after 2 1/2 days kasi 2-3 oz lang lumalabas. Kaya ayun after ilang oras lang hindi nag latch sakin si Quil sobrang nag engorge agad dede ko at nilagnat ako dahil nag over supply yung milk ko. Kasi my body boobs remembered na ganun kadami dapat ang supply na irerelease ko kasi yun ang didemand ng nasa labas( which is my baby and the pumping) - [ ] More water and stay hydrated, napapansin ko sobrang bigat ng dede ko pag umiinom ako ng madaming tubig. Hindi talaga ako mainom ng tubig kaya pag kumakain ako ng spicy dun nako napapainom ng madami and nakikita ko agad ang difference ng hindi masyado pag iinom ng water at pag nakakainom ako ng madming water. - [ ] Kaya panay ang iyak ng baby natin pag newborn pa. Or kung bkit palaging gutom kahit kakapadede palang natin is hindi dahil sa wala tayong gatas or onti lang ang gatas natin. Kundi dahil mas mabilis matunaw ang breastmilk natin* in my opinion *dahil konti plng namn ang nilalatch nila kaya mabilis lang tunawin like 1-2hours gutom na ulit si baby and maliit palang ang tummy nila. Kaya madalas mo tlga sila maririnig umiyak. - [ ] Our breastmilk contains a lot of nutrients and antibodies maliban sa Vitamin D. Pansin nyo naman siguro sa mga hospital. Pag may sakit ang mga baby specially mga newborn babies. Palaging pinag hahanap ang mga parents or guardians ng mga breastmilk donor kasi pinag babawal ang formula sa mga newborn na may sakit. Come to thin of it and ask bakit kaya? - [ ] Sudden infant death syndrome (SIDS). Breastfeeding is linked to a reduced risk of SIDS, especially when breastfeeding exclusively. Source: healthline.com 13months na akong padede mom until now naririnig ko pa din na iformula ko na ang anak ko(nag bibigay pa sila ng mga gatas) but I dont have plan to stop yet. I just want to open this specially sa ibang mga mommies na nakakaranas ng discouragement sa paligid dhil sa pag papadede and also sa mga new mommy na katulad ko na gusto ipush ang pag papadede. Tigasan lang natin mga ulo natin sa mga sinasabi ng iba hahahhah. #padedemom #breastfeedingjourney #firstbaby

Hard headed Padedemom
21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same experience w/ my MIL my. di kami magkasundo sa bagay na tungkol sa parenting kasi wala din bilib sa pagpapadede ko. pilit pinupush sakin magformula kesyo umiiyak wala daw madede sakin. andun na yung umiiyak na ko sa sobrang sama ng loob ko kasi imbes na iencourage ako na ganito gawin ko, ganhyan para dumami gatas ko wala. mas pinagpipilitan na magformula nalang daw ako kasi para rin daw tumaba anak ko (kasi gusto ng MIL ko tabachingching kagaya ng unang apo nya) pero di ako nakinig sa kanya. inilaban ko talaga kasi alam kong may gatas ako. sinet ko sa utak ko yung 'My child, my rule!' mahirap maging FTM kasi feeling nila mangmang ka sa lahat ng bagay. pero tingnan man nila ngayon kahit hindi man mataba anak ko gaya ng isang apo nya nung baby pa, awa ng dyos hindi naman naging sakitin baby ko.

Đọc thêm
4y trước

Same na same tayo sitwasyon mommy. Ang pinag kaiba lang natin nasa puder ako ng family ko. Kinocompare dn anak ko sa ibang bata. Pero wala akong paki, sa isip ko nalang basta hindi nag kakasakit anak ko. Sapat na sakin yun, ayaw ko dn ng mataba ang baby ko kasi hindi naman sila ang mag kakarga. Okay na yung normal yung weight at healthy. Yan palagi ko sinasabi sa kanila.

Thành viên VIP

1st time mom po ako mommy.. at pagka panganak ko po wala din lumabas na gatas sa dede ko plus inverted niple pa ako... but after 3 days may nalabas na.. lahat ginawa ko para malabas lang yung niple ko at para ma dede ni baby.. then nagkasugat sugat niple ko.. tapos may lump po sa loob ng dede ko bandang taas ng niple kaya hirap e latch ni baby.. sobrang sakit din po nga mga breast ko na parang mahuhulog.. any advice po kung paano matangal yung lump at yung matigas ng bilog sa may taas ng niple ko.. salamat po.. until now masakit pa din pag nag papa dede ako.. kailan po kaya matatanggal yung sakit at sugat sa may niple po?

Đọc thêm
4y trước

maraming salamat po mommy.. ito kasing isang breast ko ilang weeks na pero atlst na hindi malaki.. tapos itong isa naman sa left sa may taas banda mag 4 days na yata eh sobrang sakit po kasi halos kalahati ng breast ko ang tumitigas..

Thành viên VIP

Ngayon lang ako nakarinig ng tao na ayaw ipabreastfeed sa nanay ang baby, samantalang sa mga hospital unang unang pinagbabawal ang formula feeding. Gusto sa ospital direct latch agad kay mommy. Hayyy.. basta remember momsh, your son, your rule. Anak mo yan. Kahit relatives mo pa sila, tsaka DUH? Ang tipid kaya pag BF mom ka! 😁 super nakakatuwa tapos healthy pa baby mo. Hayaan mo lang sila, samantalang ako supportive MIL ko sa pagpapa dede ko kay baby, lagi ako binibilhan Milo tsaka mga Lactation supplements pati mga gamit pang BF 😉 Go lang mommy! Healthy Mommy, Healthy Baby! ❤️

Đọc thêm
4y trước

You are one of the luckiest mommy. Ang saya kaya pag sinusupportahan ka sa mga bagay na gusto mo ma achieve. Swerte mo momsh. Sanaol hehe 🥲😅

Thành viên VIP

Hi mommy, you are doing the right thing! Keep on breastfeeding your baby. Dami po benefits na makukuha si baby sayo especially mga antibodies na hindi present sa formula milk. You’re lucky that you are able to breastfed your baby so keep on doing it. Struggle din ako dati sa pagbreastfeed kay baby but I didn’t give up kahit may temptations na to give formula milk. Just keep on reading reliable sources, listen to the doctors and do not be affected and bothered by the opinion of other people. Breastmilk is the healthiest milk you can ever give to your child.—-at malaking tipid din hehehe.

Đọc thêm
4y trước

+50 dito mommy. Super healthy ng breastmilk even the deadliest corona virus kaya itong labanan. Sobrang happy lang talaga ako kasi isa ako sa mga maswerte na nag kagatas at nakapag pa dede. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko inistop is dahil sa Covid. I need to protect my child. Thank you mommy 😊😊😊

Ang daming makulit talaga na gusto ipaformula ang baby pero sa box mismo ng milk naka lagay na malaki *there's no substitute for breastmilk* 🤦🏻‍♀️ buti na lang talaga super supportive ng mga nakapaligid sakin to breastfeed my baby even my hubby ang in-laws. Mag 5months na baby ko this July pure breastfeed. 🥰 Wag mo intindihin mga experienced/oldies mommie, kase dati hindi pa uso makinig sa doctor, and actually hindi talaga uso doctor kaya self taught lang mga tao. Good job mommie 👍🏻❤️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Same as you momma.Byenan ko mismo ayaw nya pa brestfeed ako.kawawa daw baby.gusto kasi nila hiramin anak ko kahit newborn pa 😒 kaya kapag hanap ako mg anak ko tinatawag nila akong yan na si dede which os naooffend ako.di mommy pakilala nila sa akin sa anak ko.Buti naaang supportive hubby ko.Tapos mga kapatid ko.Ako lang sa amin kasi nakapagpadede ng matagal.Tapos minulat ng asawa ko sa mga parents nya kaya di sakitin anak namen at mabilis ang development kasi breastfeed.Thankful kay hubby 😍😍😍

Đọc thêm

i agree with you.. stop giving BM at your own freewill or if si baby na mismo ang umayaw.. 😊 kung gusto nila masanay si baby sa pag dede sa bote BM padin dapat lalo na at kung mag wowork ka.. sacrifice lang din talaga pag mother kna, pumping session ka kahit sa office.. laking tipid din kasi talaga and i think this is also the best for our babies..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Super proud of you momma!!! Padede moms rock! I breastfed my eldest for 6 straight years. Ganyan na ganyan ako noon I educate myself as well others about the greatness of breastfeeding. Walang makakatumbas sa gatas ng ina kaya nga liquid gold tawag e. With my second baby I will surely do the same, padede lang hanggat gusto ni baby hayaan magself-wean.

Đọc thêm

Hats off sayo mommy! First time ko magpabreastfeed at nageenjoy aq sa moment namin ni baby, may nagsasabi din sakin na istop ko na ang pagpapabreastfeed dhl mas iniicp nila na mas okay ang formula pero dko nakikinig. Wala akong plano sundin cla. Good luck to our breastfeeding journey momsh 😊🥰

Salute sayo momsh! padede mom din po ako and sinasabihan ng mom ko na imix ko na si baby. Matigas din ulo ko kasi di ako nakikinig. I know whats best for my baby at yun ay ang icontinue ang breastfeeding journey namin ❤️🥰😊

4y trước

At the end of the Day tayo pa dn naman ang mommy nila. Kung walang mali para sa kanila ang pag papadede ng formula dahil ganun sila sa mga anak nila mas lalong walang mali sa pag papa dede ng breastmilk lalo na at all natural ito at yun naman talaga ang natural na paraan nung hindi pa naiimbento ang formula. Sana ma respect nila yun. Keep up the good work mommy 😊😊😊