2nd time CS
Hallo po. Gaano po kaya katagal bago maka recover ang Cs. 2nd time po. Totoo po ba na mas matagal gumaling pag 2nd time?

depende po yan sa katawan at depende din yan sa care mo, ng ospital at ng ob. pansin ko mas madali recovery pag sa private nanganganak. tanda ko nun puro gamot ako ng antibiotics, pain reliever, for cramps, anti inflammatory. tapos laging suotin ang binder, wag tamarin magbinder kahit mainit or makati.
Đọc thêm(4 months) 1st time cs ako, nong nasa hospital pa kami naririnig ko sa kapwa ka-cs mommies ko iba daw talaga yung sakit pag pang 2nd time na kompara sa una 😭, yung makati daw etc.
Mga 1month mii makakarecover kna mii. 2nd time ko na rin maCS. Pero mii wag ka muna po magbuhat ng mabibigat kasi yung sugat kahit magaling n sa labas, sa loob medyo hindi pa po yun.
Depende talaga ata sa katawan eh, yung iba mabilis lang, yung iba naman ang tagal maka recover. Pray na lang natin na mas mabilis maka recover :)
2nd CS ko Nung April, halos 1month din recovery, matagal din healing Ng sugat sakin. kaya binder talaga ako until now