PAGKASAMID NG BABY HABANG DUMEDEDE
Hi guys. Tanong ko lang. Baket may time na nasasamid si baby kapag nadede? Naka slant naman sya kapag pinapadede ✅ Pinapadighay after dumede ✅ 5 mins. Bago ihiga sa higaan ✅ Malakas sirit ng gatas ni misis? Pero gumagamit kami ng bottle kapag naka pump si misis, walang nalabas sa tsupon kapag hindi pinipiga pero nasasamid pa din si baby. Or may time talaga na kapag nadede ang baby iniipon yung gatas sa bibig tapos nakakatulog at nbibigla sa laman ng bibig? Sabi kase ng pedia iwasan. Lahat naman sinunod namin. Baby nyo po ba hindi nasasamid kapag dumedede? Salamat in advance.#advicepls #firstbaby
mom of two beautiful but naughty girls .