What to do?

Guys! Napapagod na ko sumuka. Ang sakit na ng tiyan ko kakasuka. Hindi na ko kumakain para lang wala akong isuka. Kahit tubig sinusuka ko. 11 weeks and 6 days pregnant po ako. Normal po ba to? Hindi ko na kaya e.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same po hahaha. Feeling ko mamamatay na ako kakasuka 😂 As in lahat ng kinakain ko sinusuka ko na rin, pati skyflakes and water. Tas sabi nila enjoyin lang daw pregnancy 😂 I'm 4 months pregnant tas ganun pa rin pero di na super lala po, siguro advice ko lang ay kapit lang hehe. Try mo po kumain ng super konti tas inom ng konti rin every 30 mins siguro. Tas inom din po kayo gatorade pakunti-konti kung kaya man. Kapag po kasi di na kayo nakakain or nakainom eh baka ipadextrose na, which is something na ayaw ko rin kaya pilit na lang din ako. Hahaha. God bless satin!

Đọc thêm
5y trước

True diba hahaha di ko rin alam pano enjoyin 😂 Lilipas din siguro yan sis, pag di mo na talaga kaya, try mo po lapitan OB mo baka may gamot na mairerecommend po sayo.

Ako po, umiinom ako agad ng water, para di po masyado masakit sumuka, mas masakit po kc pag sumusuka ka ng ala laman ang tyan at mas masakit sa lalamunan pag susuka ka na may laman na solid ung tyan.. den pag ok na pakiramdam ko tsaka pa lang po ako kakain ng solid.. try nyo lang po sa akin po kc mas convenient sa akin un since d namn natin mapipigilan ang pagsuka..

Đọc thêm

Hyper acidity yan sis. Yung lalamunan ko sobrang sakit na kakasuka minsan may dugo pa. Ako ganyan nung 8-10 weeks si baby ngayon wala. Ang ginawa ko every 3 hrs kumakain ako pa konti konti Tapos nag cacandy ako everytime na feel kong nasusuka ako. Iwas ka din sa maasim at maanghang.

5y trước

May GERD po kasi ako. Kaya sobrang hirap.

same situation noon. As in. I informed my OB dati pero sad to say pinagalitan lang ako at sinabing natural, buntis ka diba? Kaya napilitan ako mag leave kasi mismong OB ko di ako natulungan. 😢 Even if I asked for other meds kasi yung mga bigay niya sakin e di ko din kinakaya.

Paano niyo nagagawang maging positive? Ang sakit ng sumuka pero okay lang? Kain lang nang kain? Paano ninyo nagagawa yon? Ako halos himatayin kakasuka.

4y trước

I feel you now 😔

normal po ang hindi po normal ay yung hindi pagkain..dapat kumain pa rin po kayo kahit sinusuka niyo para kahit pano may lakas pa rin po kayo

punta po kayo OB nyo, ask for meds.. Kais yung friend ko ganyan din lahat sinusuka, pero binigyan sya ng meds taos nawala na pagsusuka nya

Try mo sis, kumain lagi ng saging at flakes po tas fresh milk po Yan dati kinakain ko nung panay suka din ako,, 😊

mas mahirap pong sumuka ng walang laman or kain, pa onti onti , aq dati sky flakes at tubig.

Thành viên VIP

yes po normal lang ganyan po talaga pag first trimester pero kaya mo yan mommmy 😊