Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

No, hindi ka pinalaki ng magulang mo para magtiis lang sa ganyang lalaki. You deserve better. Eh pano kung masundan pa yan at lalo lumala yung pagka loko loko package deal nya. Di mas kawawa mga anak mo nun.

Mommy kung sinasaktan ka iwan mo na yan. Hindi mo deserve. Pwede mo naman imaintain maayos na communication sa fam niya. Visit sila ganun. Pero wag ka na jan kung safety niyo ng anak mo isasaalang alang mo.

Thành viên VIP

Happiness is a choice! Jusko ang pagaasawa hindi lang basta nagsama kayo para sa bata.. Dapat may time din sainyong dalawa.. Hindi pde yung magkasama nga kayo pero parang hangin lang kayo sa isat isa

BIG NO! Momshie alam mo na ang sagot deep inside. Layasan mo na yang asawa mo. Mas kawawa kayo ng baby mo pag kinunsinte ml yung ganya niya. Please lang do it for your baby and iwanan mo na yan.

Tama na po yung mga ginawa niya sa inyo. Umalis nalang po kayo at mangakong bibisita para sa mga grand parents nalang. Pwede niyo rin po pakasuhan kung hindi po magbibigay ng sustento.

Mgusap kyo kung my pgmmhal p kung wla n anu p, un apo nila pwede p nmn cla mgkita khit mgklyo cla pggusto my praan. Pray mo po mgbgo p asawa mo pra mging complete fam p dn

Magsabi ka sa family nya yung totoong sitwasyon mo.. sinasaktan ka para sila ndin gumawa ng way para malayo ka sa asawa mo.. kung talagang concern sila sa safety mo sis

Kung talagang mahal mo ang anak mo, hahayaan mo ba siya na lumaki nakikitang ganyan ang tatay nya? Kaya mo ba na pagdating ng araw yung anak mo naman ang saktan niya?

mas mahirap sa anak na ganyan ang kalalakihang magulang. mas mabuting iwanan ang asawa mas ma prioritise mo pa anak mo. sa huli abusuhin kn ng asawa mo.

Thành viên VIP

Leave him na, pwede ka pa'rin makipagcommunicate sa family mya tungkol sa bata kahit na wala ka na sa kanila. Wala ng dahilan para magstay pa sa ganyang tao.