172 Các câu trả lời
21 weeks, ang aga pa naman nyan para sabihing CS na. Umiikot pa ang baby. Gang 32weeks nga umiikot pa po. Minsan, kahit malapit na ang due, iikot pa. Ako nga by 25weeks breech then nung nagpaultrasound ako ulit ng 29weeks cephalic na.. ngayong 32weeks cephalic pa rin sa awa ng Diyos. dont be anxious pi. wag kang makikinig sa sabi ng iba na di naman sila ang magpapanak sayo, paniwalaan mo ang sasabihin ng OB mo base sa assessment nya at sa ultrasound ni baby mo. Pero payo ko lang po, pag nagbubuntis po, never na magiipon ka ng pangNormal delivery lang. kasi di pa rin natin malalaman ang mangyayari. dapat ang ipunin po ay yung pinakamahal na delivery service (CS)... Lahat naman tayong buntis gusto nating magnormal delivery kaya todo dasal na maging maayos at walang komplikasyon.
Yun sa akin hanggang last Ultrasound ko (BPS) ng 36weeks talagang breech si baby ko... Pero 5months palang na nakabreech si baby sure na kami lalo na si hubby ko na magpapa CS nalang ako. so Yun na sched CS ako 37weeks Pero gising ako whole process ng surgery at alam ko na shookt din si OB na nakaikot na si baby nag cephalic😆 kaya pala the day before CS ko e nakaranas ako ng sobrang pain parang labor pains Yun pala umikot si baby kakaloka... so Tama pala na Pag malapit na mag term ang baby kusa sila iikot... Pero mommy dapat lagi ka pa rin handa in any case na baka nga ma CS ka.. ang mahalaga lang naman dito safe kayo both.. wag po ipilit kung hindi talaga iikot si baby.. at wag na din mag antay na mag labor pa tapos naka Breech emergency yun pag Ganon... Pray lang palagi mommy
Super early pa ng 21wks to tell mi. Sobrang dami pa chance para umikot si baby hehe. Wag ka mastress. Sakin non cephalic si baby tapos around 20+wks nag breech. After mga 2wks cephalic na naman. Although mi, expect the unexpected kasi talaga sa panganganak. Umaasa tayo na sana normal pero kelangan talaga ready tayo sa pang gastos kahit ma cs. Ako nanganak cephalic si baby. 5cm na ko di ko pa alam buti check up ko non. Ang bilis mag progress ng cm ko pero di ako sobrang in pain. Nasa 8cm-9cm na nung nasaktan na ko ng sobra. Sobrang okay ng lahat. Nag fully dilate na ko and inaantay nalang si baby bumaba. Umiire ire na ko, biglang nag drop hb ni baby sa 50s. Ayun emergency cs agad agad. Kaya kelangan prepared ka mi. Di mo masasabi, maraming pwedeng mangyari up to the last min.
Mami, it’s too early to tell kung candidate ka nga talaga for CS dahil you are only at 21 weeks. It’s not yet final na in breech position si baby when it’s time to give birth. Constantly turning and changing positions pa ang baby sa womb, until they start engaging when it’s time for their birth. Wag mo masamain Yung opinion ng iba mami. It might be that they heard “breech” nag jump sa conclusion na “for cs” ka na agad. But then again, meron din po point si sister mo. It’s best to prepare for anything. Para pag dating ng day na manganganak ka na, walang bulagaan. Just like with our first baby, we only prepared for normal birth and ended having an emergency cs at 37weeks. Hope I helped in some way. Best of luck and have a safe pregnancy☺️
ako mami nagpa ultrasound ako nun 25weeks for gender reveal, breech pa si baby ko nun 6months npo ako nun , tapos nung nagpa ultrasound ulit ako ng bps ung biophysical scoring naka position npo si baby ko nun. cephalic na , ang ginawa kolng mayat maya ako nagpapatugtog ng music sa may ilalim ng puson ko , tpos gabi gabi , tinututukan ko ng flashlight ung sa ilalim ng puson ko ung nakapatay lahat ng ilaw mii tapos kinakausap kolng po si baby , kaya nung nakita na naka position na sya sobrang nagpasalamat tlga ako hehe. kakapanganak kolng nung dec 15 2022 mag 1month na si baby sa sunday. tiwala lng mii iikot din yan si baby mo syaka masyado pang maaga mii maliit pa sya sa tyan mo more water kalang din. Godbless! 😇
ganyan dn po ako nung 20 weeks ako naka balagbag at naka suhi sabi pa ng ob ko baka daw ma premature labor ako kung hndi ako mag bebed rest ksi sobrang baba nya pero pag balik ko ng isang buwan 25 weeks nako okay na sya naka cephalic position at mataas na pinabili nya ako ng maternity belt at lagi ako nag papatugtog ng classical music malapit sa puson ko para umikot ang ulo ni baby at marinig nya ung tunog gawin molng un mami lalo na sa umaga at gabi jan si baby mas active wag po kyo ma stress sa mga sinasabi ng iba basta kompleto checkup nyo lagi makikita nyo results kung magiging cephalic na sya at normal maaga papo yan sis malay nyo sa 25 weeks okay napo si baby . ingat po lagi💖
wag po ma pressure, wag makinig sa mga sabisabi lng....21 weeks pa po masyadong maaga mai posibilidad pa pra umikot si baby, sobrang likot pa nyan, ganyan din ako sa panganay ko 7 months sa tyan ko breech parin sabi nang OB ko lagi daw ako iinum nang tubig at kpag humiga lagi left side po, at music parte sa ibaba nang iyong tiyan habang relax kayo pra ang ulo nya papunta sa pwerta..last ultrasound ko pra preparation panganak ok na ang result ko cephalic na sya. sa awa nang dios normal ang panganak ko,..sana gnun din po kayo, sacrifice dapat pero wag ma pressure dahil lng sa mga sabi sabi ok mamsh...
breech position po si baby ko mums noong 25 weeks siya tapos nagpa ultrasound ulit ako 32 weeks breech pa din .. sabi sakin ng OB ko ganyan daw talaga ang baby malikot pa kasi kaya kung saan saan napupunta .. noong narinig ng hipag ko sabi niya sakin punta daw ako sa manghihilot para mapa cephalic yung bata .. pumunta naman ako kasi tulad mo din natatakot din ako .. mahirap po ma CS lalo na sa panahon ngayun lahat kakailanganin mo .. noong nagpahilot ako after months nag request ulit si OB ng ultrasound BPS naman nirequest niya then ayun CEPHALIC NA si Baby .. 38 weeks na po Kami ni baby now moms
share ko lang Po situation ko kahapon 01/09/23. 37 weeks and 5days scheduled for CS na sana ako Kasi Nung last 01/05/23 breech parin si baby. naka ready napo lahat Ng gamit for CS operation, nilagyan narin ako Ng dextrose tapos Nung final ultrasound Po Ng doctor Sakin naging cephallic Po si baby as in miracle na Po mangayari yun sa 37weeks .. so mommy wag Po kau mawalan Ng hope, pray lang Po Tau, nothing is impossible Po.
mi, naghintay po kayo ng doktor nio hanggang 39-40 weeks si baby saka nanormal? or pinaanak na din po kayo normal delivery that time din mismo?
Too early. May enough time para magcephlic position si baby. First checkup ko nun breech at low lying placenta pa at may iba pang problems kaya candidate talaga ako for cs. 34 weeks na nagcephalic si baby. Normal delivery ako at 38 weeks. Need naman talagang magprepare ng pambayad just in case na magkaron ka ng problem sa panganganak at need ka talagang iCS. Hindi breech position lang ang only reason kung bakit nauuwi sa CS. Pero kung wala naman maging problema, kaya mo yan mainormal delivery.
ako po 15 weeks pa lang pero alam q n agad n cs aq at sinabi n din agad ni OB para makapagprepare din kami bukod sa low lying placenta bicornate uterus pa aq masikip ang matres q dahil sa nahahati sa 2 eto kaya sabi ni ob mas malaki ang chance n breech pa din c baby until full term kaht n umaasa aq n s pagbubuntis n to mainormal q
Eleen Bejano - Ramos