Ang batang iniwan ng magulang

May gusto lang po ako i-share sa inyo, may bata kasing inampon yung uncle ng LIP ko. Yung batang 'yon anak siya nung kapatid ng asawa ni uncle. Pagkapanganak nung nanay iniwan lang daw yung bata sa pintuan nila uncle ng lip ko. Panglima sa magkakapatid yung bata and nagiisang lalaki, anim sila and babae ang bunso nila. Lahat sila pinamigay ng nanay nila (tindi ng sikmura ano?). By the way, yung tatay nung lima nakakulong at yung bunsong babae naman sa ibang tatay siya pero wala na din yung tatay niya (both parents pa talaga). Nag-stay sa manila yung batang yon with his foster parents, yung taong nagmamahal lang talaga sa batang yon is yung uncle ng lip ko and the rest na kasama niya sa bahay di siya gusto or mahal. Before quarantine inuwi siya dito sa pampanga ni uncle, inuwi siya kasi nagaaway daw silang mag-asawa dahil sa kanya. Nung una ayaw ko dun sa bata kasi naiinis si LIP ko at nakikiinis inis din ako dahil ayaw ko siyang lumalapit sa baby ko. Pero nagkamali ako, nagkamali ako sa pagtanggap sa batang yon dahil di ko alam yung buong kwento ng buhay niya. Eto yung totoong kwento niya. Inuwi siya sa pampanga kasi napapabayaan siya sa pagkain, siguro papakainin man siya pakonti konti lang kaya sanay siyang konti lang kinakain niya at puro sabaw lang. Sobrang malnourished niya 😟, pinabayaan siya nung asawa ni uncle. Ewan ko ha, pero ikaw na nanay, bakit mo ibibigay sa kapatid mo yung anak mo na alam mo namang pabaya din katulad mo? Sa mga hindi po nakakagets Yung asawa ni uncle is kapatid niya yung nanay nung bata. One night nagkwento yung bata. Lola: bakit ka pinamigay ng mama mo? Bata: hindi ko po alam. Lola:nakakakain ka ba ng maayos don? Bata: hindi po. Ako: alam mo lola yung nakalagay sa bio ng mama niya is "full time mom" (Akalain mo yun? Pinamigay mo lahat ng anak mo tapos may gana ka pang magbio ng "full time mom?") Lola: kapal naman ng mukha ng mama mo! Bakit niya kayo pinabayaan. Asan mga kapatid mo? Bata: nasa bulacan po lahat sila. Si mama lang nasa manila. (Magkapitbahay lang po yung bahay nila uncle at yung nanay nung bata sa manila. Pero ayaw niya pa ding alagaan anak niya tapos lakwatsa lang daw alam at may bago daw siyang boyfriend) Lola: ayaw ka bang kunin nung mga kapatid mo? Bata: hindi ko po alam. Yung bunso namin nasa kanila, ako lang nahiwalay. (Sa bulacan lahat ng mga kapatid niya kasi pinamigay sila dun sa mayamang nag alaga sa panganay niyang kapatid) Yung inis ko sa bata napalitan ng awa, kasi bakit ganon? Nanay din ako e 😔. Ako nga mawalay lang ng saglit anak ko iniisip ko na kung binabantayan ba siya ng maayos (kahit mother ko pa mag-alaga nagwoworry ako kasi natutok sa cp si mother ko e hehe). Pero yung nanay niya wala man lang pakialam sa mga anak niya. Nag-iisang lalaki pa talaga yung nahiwalay. Bakit may mga magulang na ganon or magulang pa ba matatawag ang ganong babae/nanay? Imbis na mag alaga ng anak e nakikipag landian sa ibang lalaki. Yung iba nga gustong gusto magkaanak pero hindi sila nagkakaanak pero yung mga pinalad naman magkaanak e pinamimigay lang. Walang valid reason ang nanay nung bata kung bakit sila pinamigay kasi kung makikita niyo sa mukha nung bata habang nagkukwento siya parang pinabayaan na talaga sila. Kaya sa ibang mommies jan and future mommies pa lang. Para sa atin maituturing nating kayamanan ang nga anak at pamilya natin hindi ba? Sana wala ng mga bata ang mapabayaan at mawalay sa magulang kasi sila din ang magsisisi dahil walang mag-aalaga sa kanila pag matanda na sila.

2 Các câu trả lời

Walang kwentang tao nanay ng batang yan! Almost 3years bago ako mabuntis pero sad to say nawala ung unang pinagbubuntis ko 3months lang sya sa tummy ko nadepress ako na halos gusto ko nading sumunod sa baby ko kahit di ko pa sya nahahawakan noon mahal na mahal namin sya ng Lip ko. Naiinggit nga ako sa ibang mga kapitbhay namin na kala mo tumatae lang ng bata pero pinapabayaan din sa kalsada ung ibang anak nag aasawa ng maaga. Hanggang sa nabuntis ako ngayon pinangako ko sa sarili ko na mas aalagaan ko si baby ko sa tummy ko.

tama po, kasi mga anak lang natin ang tutulong sa atin kapag matanda na tayo kaya alagaan natin sila ng mabuti. kahit mahirap ang buhay ngayon, pahalagahan pa rin natin nga pangangailangan nila

I know someone, friend ko sa fb. Haha apat ata anak nun iba2 tatay wala sa poder niya. Tapos nito lang nabuntis siya at nanganak via ecs.. Namatay yung baby. Parang hindi man lang nagluksa. Dalawa na agad naging jowa. Yung isa seryoso sakanya tanggap siya pero iniwan niya kasi nakilala niya itong magaling daw sa kama. As in pinopost niya pa talaga yn sa fb tpos, yung myday niya lagi nasa hotel sila nakatowel siya magkatabi sila.. Tapos kapag jinudge siya ng mga friends niya din nagagalit siya. Hahaha

grabe naman un, wala man lang konsensya sa pinag gagagawa. nako di nako magtataka kung pabayaan un ng mga anak niya pag tanda niya

Câu hỏi phổ biến