hiwalay

Gusto ko na po makipag hiwalay sa asawa ko kasal po kami pero hindi yun ang iniisip ko iniisip ko po si lo. Hindi kasi sya nasanay sa ibang tao sakin at sakin lang sya gusto kasi ni hubby na tutok ako kay lo kaya walang ibang nag aalaga kay lo kundi ako lang. Kaya hindi ko sya maiwan kusina palang kapag hindi nya na ko makita in minute nagwawala na iyak ng iyak. Paano ko sya bubuhayin? Kahit sa mga kamag anak ko wala syang kilala dahil malayo kami. Mahina na parents ko kaya hindi maaasahan sa pag aalaga mga kapatid ko naman wala rin hindi naman pwede sa kanila ako umasa. Nag gagatas pa si lo she's 2years old. Away bati kami mag asawa. Ayaw nya humiwalay sa pamilya nya Yes po kasama ko family nya sa house pero bc sila sa work kaya minsan lang sila dito madalas kasi nag sstay sila sa work. Gusto po kasi ni hubby kasama parin parents nya yes po madalang lang sila dito pero kapag andito sila sobra po hirap gusto ko po kasi na magsolo na kami ng bahay tutal nagrerent lang naman din po kami dito. Ayaw po ni hubby hindi daw po nya iiwana family nya. Kaya sabi ko. Paano kami? Pamilya morin kami!sana hindi ka bumuo ng sariling pamilya kung ayaw mo pa bitawan pamilya mo. Sabi nya po. Biglaan daw po kasi pagbubuntis ko kaya hindi pa sya handa! Super sakit po every time sa sahod nya ayaw nya hawakan ako nalang daw po kasi trabaho ng babae magbudget ng pera pero hinahanapan nya ko ng pera bakit ganyan ganito. Lahat po ng resibo binili ko sinasabi ko sakanya binibigay ko po. Pero sasabihin nya lang wala man lang ako napakinabangan sa pera ko. Minsan mumurahin at pagdadabugan at sisigawan nya pa po ako kapag nagalit sya gusto nya kasi haring hari sya yung isusubo nalang sa kanya lahat ganun po kasi parents nya sa kanya bunso daw kasi. Pero ako po bunso hindi naman ako ganyan may kaya din family ko dati malalakas pa magulang ko pero natuto ako kumayod ng maaga. Ang hirap po sobra kaso tuwing maiiisip ko anak ko walang ama na kakalakihan kung paano ko sya bubuhayin. Ok.po sya sa anak namin pero sa pagsasama namin more on kaplastikan sa harap ng ibang tao..

1 Các câu trả lời

mommy dont get me wrong but looks like wala naman grabeng maling ginawa asawa mo para hiwalayan sya. mukhanf kaya rin nya kayo supportahan which is good kasi meaning responsable sya. also the fact na binigay nya sayo ung pera means he respects u as his wife. madaming lalaki na gagastusin lang ung sweldo nya at walang pakialam sa pamilya nya but based sa kwento mo parang kayo naman priority nya. my advice to u is to also listen to him and huwag mo parati isipin na ikaw dehado or talo. baka di lang din nya maiwan parents nya kasi matanda na sila. also if mabuti naman turing sayo ng inlaws mo then wala naman masama magsama sa isang bahay. also budget wisely maybe masgusto nya is may nakikita syang malaking ipon kaya hinahanap nya sayo. if honestly wala ka naman nagagastos doon then show him. talk it out. baka kaya pa isave ung marriage nyo. good luck!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan