38 Weeks Eksakto.

Gusto ko na manganak, nakakafrustrate na😥😥 panay false labor lang, may discharge pero di tuloy tuloy..sino po kaparehas ng EDD ko, July 13😥😥 patulong naman guys..gusto ko na makaraos😥

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same tayo ng EDD momsh na July 13. No sign of labor din ako. Sabi ng OB ko early term ang 37-38 weeks and 6 days. Ang full term naman ay 39-40 weeks and 6days tapos late term naman ang tawag sa 41-42 weeks. Same tayo na gusto na makaraos kasi nga mabigat na pakiramdam ko pero ako hindi ko minamadali si baby. Saka nagpepray lng ako lagi ng safety at good health namin pareho. Si Lord na bahala. Sabi ko anytime this July as long as safe at healthy kmi pareho okay na. ☺️

Đọc thêm
2y trước

ako po july 14 EDD

Ayon sa new studies momsh best daw na lumabas si baby is 39-40 weeks po, 36-38 weeks po kasi nag ma mature pa ang brain, heart at kidney ng mga baby. Mas closer sa 39 weeks mas lesser ang complications niya and mas sure na healthy ang baby. Huwag ka po magmadali, relax ka lang momsh.

ako july13 edd q 2cm na aq nung martes until now dp rin nanganganak. panay tigas lng at white discharge. may request sakin na BPS d q pa napapagawa kasi mahal :( pwede kaya wag na ipagawa un? pandagdag sa panganganak din kasi un

same mi july 13 din last check up ko kung june 27 1cm nadaw ako, wag daw madaliin ang panganganak kasi masydo padaw maaga kaya relax lang muna kahit mejo nakaka overthink kelan ka manganganak lalo kabuwanan muna huhu

Hindi po minamadali ang panganganak, pag na fufrustate ka nararamdaman ni baby yan. kausapin mo lang si baby mo na kung kelan nya gusto lumabas. yung sakin 40 weeks 2days bago lumabas

samee here 37 and 1 day. panay false labor lang, may discharge na din pa konti konti hindi natutuloy 😥pray lang and palagi ko kinakausap si baby. Gusto ko na makaraos 🙏

july 8 Edd pareho tayo di nag tutuloy ilang araw n may discharge naninigas tiyan pero ala masakit ala labor. pinapagod ko n sarili ko araw araw ala p din.

Me, same edd pero wala p din sign of labor hehehe llabas din siguro si baby pag gusto n nya, wait nlng nten sana safety delivery and normal 🙏🏻

wag ka mafrustrate pag minadali mo mas lalo lang madedelay maaga pa yan, I am 39 weeks na at 1cm under observation kasi candidate for cs

same tayo mamsh july 14 naman akin due stock ako sa 1cm makapal padaw kwelyo ko😔