Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

693 Các câu trả lời

VIP Member

pray lng mommy, that means hnd pa para syo ung mga cute angels na yan sa ngaun. in right time ibbgay sila syo sa tamang panahon at oras. patience lng tlga kse pag umayon na in gods timing di mo na mppigilan yan kapag para syo na tlga.🤗😇 cheer up lng my angels ka na ngbbntay lage syo, wag kna malungkot.☺️

Condolences, Mommy. I know the feeling. Naalala ko yung preterm baby ko na 29weeker.15 days lang sya lumaban. May I suggest Mommy pag ready ka na, try to search APAS group sa FB. Maybe you'll find the reason and answer as to why you've experience recurrent loses. My heart and prayers with you and your family ❤️

Condolence mommy...ganyan din ako last year 6months lang si baby 42 days sya sa incubator, tapos nawala din sya sa amin...pray lang lagi para atleast unti unting mawala ang pain na nararamdaman mo sa pagkawala ng twins mo....magpakatatag ka magtiwala lang tayo sa taas may mas magandang plan si lord para sa atin

Condolence po sna po dka ngpahilot d po un advisable sa buntis gnyn dn po aq num 26wks ko ngpreterm labor po aq pro bngyn aq mga gmot ko kambal dn po pngbbntis k naun kso po un isa mliit d po nmin alm kng kya nia mbhy..kya my halong saya at lungkot po kme mgaswa hbng hnhnty ko po arw ng pangangank ko..

Condolence mamsh kaya mo yan:( baka di lang para sayo ngayon pray lang palagi kay god and wag mawawlaan ng pagasa 6months preggy din ako now hopefully maging successful and healthy si baby hanggang sa makapanganak ako pray lang ikaw kay god:)❤️ sending hugs to you and condolences to your family

ganyan din po ka.work ko..2 beses sdn sya nawalaan ng baby magkasunod na yr.,dahil din lagi nalang premature.. gang sa nagkaroon n sya ng postpartum dahilan.para mgresign na rin sya sa work namin..😢😔 condolence po.. sobrang sakit po tlga mawalan ng baby, kasi last yr.din nakunan ako.. 😞

condolence sis.. pray ka lang..walng imposible kay GOD.. ganyan din ng yari sakin nito lang june 3weeks nalang baby ko para maging 9mons kaso 35weeks dinugo din ako lahat ng santo tinawag ko pati mga magulang kong patay na hiningian ko ng tulong awa ng Diyos nabuhay baby ko.. kaya pray lang ha..

halos mgka pareho tayo ng story mommy, yong last ko nitong june 10 lng at 27weeks din. ginawa namin lahat para mka survive si baby hindi nya rin kinaya dahil sa sobra liit nya. napakasakit talaga mommy pero mag dasal kalang na palakasin ni God ang loob mo. i know God has a better plan for us.

Condolence mommy stay strong ako lagi nawalan, sa pangatlo kong pagbubuntis pinaalagaan na talaga namin sa OB, yon naging maayos naman, tas na pregnant ulit ako, nakunan naman ako,, tapos ngayon eto meron na ulit, kaya pakatatag ka lng, paalagaan mo na sa OB pag na pregnant ka ulit.

aww mommy sending hugs po!!!! No matter what happens always remember that we have a Big GOD! Prayer is the best medicine mommy!!!! You have 2 angels above. alam nateng lahat na iingatan at babantayan ka nila. Mag pakatatag ka mommy, Hindi dito matatapos ang ikot ng buhay!!!❤

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan