Share my story b4 delete this app.

Gusto ko mag kwento ng karanasan ko 🙁 Gusto ko narin burahin to dahil naaalala ko lang yung baby ko 😭 August 31 2020 Tanghali palang may blood spotting nako pero walang masakit sakin so nagbedrest ako maghapon , kinagabihan meron nanaman , nagpasya nako na magpaIE sa ospital , pagIE sakin 2cm na masyado pang maaga para manganak ako🙁(27weeks) pinapatransfer nako sa mas malaking ospital na may incubator, umuwi muna kami. Nagtry kami ipahilot baka sakali na tumaas pa yung baby ko(twin baby) tinry namin pigilin paglabas nila dahil masyado pa talagang maaga kung lalabas na sila , pagtapos ako hilutin gumaan pakiramdam ko feeling ko hindi pako manganganak. Sept 01 2020 Umaga na simula nahilot ako wala pa naman ulit spotting kala ko talaga umangat na sila at hindi na magtutuloy tuloy yung 2cm, maghapon lang ako nakahiga at tulog. 5pm na sumakit na balakang ko ng husto naglalabour na talaga ako 😪 , nagpadala na ako ng Malolos Ospital kung saan dapat ako itatransfers pero mga 20mins palang kami nakakalayo sa bahay namin ramdam na ramdam ko na nalalabas na sila sabi ko sa driver ng ambulance wag na kami tumuloy ng Malolos at ihanap nalang ako ng malapit na ospital dahil lalabas na ung baby ko so bumalik na kami pauwi samin habang naghahanap ng ospital na malapit may limang ospital kaming nakita ngunit tinanggihan kami ung iba wala daw OB yung iba walang incubator . Hindi ko na talaga mapigil dahil nasa pwerta ko na sila nagpasya na kami ng LIP ko na iuwi ako sa bahay at don na manganak, habang pauwi kami nagpaready na kami ng mahihigaan at pinatawag na yung midwife . Pag dating namin sa bahay pagkahiga ko iniri ko na agad at lumabas na yung isang baby ko , nagtataka ako bakit hindi umiyak 🙁 makalipas ang 10mins humilab na ung isa naman lumabas hindi rin umiyak 🙁 pero sabi ng mga pinsan ko na nakakita ang cute at malikot daw yung baby ko . Nagtataka narin ako bakit hindi pinapakita sakin 😭 . Pagtapos nila nilinisan dinala na sila sa ospital na malapit para maincubator . Sept 02 2020 Sabi ng doktor 5% lang ang chansa na mabuhay sila dahil ang liit nila sobra bukod don 6months lang daw bihira daw talaga ang nakakasurvive sa ganong age ng baby 😭. 6am hindi na kinaya ng baby number #2 ko 😭 yung isa lumalaban pero nung sinabi ng doktor na pwede na iuwi yung si baby #2 mga 5mins lang bumigay narin si baby #1 😭 . Ps: Hindi ito yung unang beses na mawalan ako ng baby 😭😭 Lagi nalang premature kung manganak ako 😭 Ang sakit sakit na 💔 gusto ko lang naman maging isang magulang 😭😭😭😭😭

Share my story b4 delete this app.
693 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

My deepest sympathy and condolences to you and your family mamsh. Lahat ng bagay may dahilan mamsh. May dahilan ang diyos bakit hindi niya ito ibinigay sayo. May dahilan ang lahat. Tatlo na pala ang nawalang baby mo mamsh, im sorry for your loss😥😢😢Magpakatatag ka mami, alam kong masakit pero darating ang araw na matatanggap mo na ang lahat. Ipagpasa diyos mo lahat ng sakit at bigat na nararamdaman mo mamsh. Wag na wag kang bibitaw sa kanya. Magpakatatag ka at mas tatagan mo pa ang pananampalataya mo kay Lord. Hindi ka niya papabayaan at gagamutin niya lahat ng sakit at sugat sa iyong puso. Alam ko at sigurado may mas maganda siyang plano para sa iyo. Wag na wag kang bibitaw mamsh. Tuloy mo lang iyong buhay kahit na masakit. Lage ka lang gagabayan at babantayan ng mga little angels mo. Put God first in everything you do mamsh. Diko alam kong mababasa mo pa ito, baka nadelete mo na ang app mo. Sana balang araw makamit mo rin ang mga ninanais ng iyong puso. Basta always pray mamsh. Keep fighting!!! Laban lang. God bless you po.

Đọc thêm

condolence po actually last year nawalan din ako ng baby boy panganay sana namen yun same din sa kalagayan mo.walang incubator na available at walang hospital na natanggap dahil sa covid dapat may ob sa hospital na.yun hanggang sa fabella kme na punta 29 weeks yung baby ko that time gusto na talaga niyang lumabas sa fabelle in span of 20mins lumbas na siya kaso wala talang incubator suddenly 2 1/2 days lang siya tumagal nawala din siya agad.. pero after a month nabuntis din ako agad kaya nmn ngaun super ingat talaga ako i'm 32 weeks pregnant now... prayers lang mommy malalampasan mo din yan i bibigay din ni papa god yung para sayo dont be stress

Đọc thêm

same case sa ate ko. tatlong bes sya namatayan ng baby puro 6mnths. dat time gsto na nyang sumuko kse sinabe na sknya ng doktor hndi na sya pdeng magbuntis. alam mo nanampalataya lang sya, lumakas ang faith nya sa lord. nagserve sya sa lord at bngay nya ang buong buhay nya. wala tlagang imposble sknya kng patuloy lang pananampalataya.. ngyon kng ilan ang nawala saknya, binalik din sknya ng lord. meron na syang tatlong anak na malulusog ngyon. 😍 kaya ikaw mamsh dont lose hope. mgdasal ka lng sknya at humingi ng tawad kng ano man ang pagkakasala na nagawa before. kapit lang, ibbigay sayo ulit yan. 🥰

Đọc thêm

Condolences momsh for the twins and also to you and yohr family. Be strong momsh may pinsan din ako ganyan nangyari e. 2 times sya nanganak ng 6 moms. Lang then di talaga sila nabuhay. Then after nung nagdecide muna sila mag asawa wag muna magbuntis. Then after a mos. Lang nanganak yung jowa ng kuya nung babae tapos yung baby inampon ng pinsan ko then after a year nagbuntis sya tapos ngayon may 5 yrs old na boy na sya tapos yung inampon nya na pamangkin namin is girl. Pahilom mo muna sugat mo momsh..try mo nalang din muna mag alaga ng pamangkin baka sakali lang. Condolence ulit.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Condolence po. Boy n girl sila? Same here 6mos plng nun lumabas din 3rd baby ko. Naadmit pa ako noon sa ospital para sa dextrose na idaan ang pampakapit kc nakaopen n rin cervix ko 2cm.nag ok sya habang nakaadmit nawala hilab.. Aftr 3 days paguwi na sa bahay kinagabihan humilab na nman then un tuloy tuloy until pagpunta ko ng hospitals 9cm na and maramidin hospitals na tumanggi. D ko na rin nakita un baby ko personally pinauwi na un baby kc ako admitted pa kc need iraspa at durog daw inunan. Time will past mommy darating din ang blessings na angel para senyo. Stray strong po!

Đọc thêm

i also had the same experience as you, sa first baby ko. every month nagpapa check up, okay lang lahat.. walang problema. pagdating nag 23rd week ko bigla nalang nag premature labor.. buhay siya noong nailabas ko.. ang liit niya, nakikita ko yung heart niya na tumitibok kasi medyo transparent pa kulay nag skin. d na niya kinaya after 2 hours. Nakunan ulit ako 6 mos after niya.. after 3 years of trying, waiting and praying.. May baby na ako.. Kaya mo yan.. magiging magulang ka rin. magtiwala ka lang. everything will happen in His perfect time. 🙏God Bless💕

Đọc thêm

I feel your pain mommy. I've been thru unsuccessful pregnancies like you. Thrice din ako nawalan ng anak. The first one nakunan ako,then yung second and third pregnancy ko both premature. Sobrang nakaka stress at nakakalungkot bakit nangyayari ang lahat. Pero don't give up mommy. Darating din ang little angel na para sainyo. I rested from pregnancy for 4years,then paalaga sa OB nung nabuntis ulit. Bedrest and pampakapit,sinabayan ko din ng pahilot. Ngayon,I have two kids na. Cheer up mommy ❤️❤️

Đọc thêm

I feel u sis.. laban Lang. wag Ka mwalan Ng tiwala SA sarili at lalo na s panginoon. share q LNG. sav mo Hindi Yan ang unang beses na nawalan Ka Ng anak. aq dn bago aq nging ina Ng tuluyan. namatayan dn aq Ng 3 baby puro lalake. at laging pre mature. SA pang apat q. nagpaalaga aq s ob at start 4 months hanggang 9 months Ng bedrest Lang aq. inom vit. more on water. hanggang SA Ito may baby na q. Kaya magtiwala Ka SA panginoon. magpaalaga Ka s ob. at mgbedrest.. magiging nanay Ka dn..♥️♥️

Đọc thêm

Stay strong po, ganyan din po ako sa 1st baby namin 6 months din sya nung maipanganak ko at wala na ding buhay nung lumabas. Sobrang sakit at hirap pero kailangan pong tanggapin. Isipin nalang po natin na kaya nangyari yun, ay dahil ginawa tayong instrumento para gumawa ng anghel na taga bantay natin. After 5months mula ng nangyari sakin nabuntis din ako, ngayon I'm 3months pregnant na po. God is good. Praying for your healing and recovery po. Sana mapalitan din ang baby nyo. God bless po!

Đọc thêm
Thành viên VIP

same sis. 😞 ganyan dn ako lage premature 😭 1st baby ko 6 months baby boy inincubator namin after 1 week bumigay na Rin sya 😞 inantay nya Lang ako mkpnta sa knya tpos wla na. tinikman Lang nya ung gatas ko 😭 2nd baby, 8 months 😞 incubator din sya sa awa Ng dyos. nkasurvive sya after 2 weeks.. wag ka po mwalan Ng pagasa. ipataas mo po Ang matress mo mommy. bka mbaba Ang matress mo katulad ko. bago ko ngbuntis sa pangalawa ngpahilot ako. ngpataas ako Ng matress.

Đọc thêm
4y trước

1 yr po sis. ngayon pa lng po Kung normal nmn po pde kna mgpahilot. pataas mo po matress mo sis. pra kpag bngay na ni god ung dpat pra sayo. mgging normal na lahat mga 7 months ipahilot mo pa sya Kung Baga ipataas.