94 Các câu trả lời
I feel you! Ganyan din ang nararamdaman ko. Sobrang hirap kumilos dahil kelangan always naka-dikit si baby sayo especially first few weeks yung pinaka critical moments sa buhay ni baby. Minsan naiiyak nga din ako kapag di ko na alam gagawin. Pero nagppray nalang ako na ma-relieve sana ang pagod ko para mas maalagaan si baby. Isipin nalang natin na sa atin lang naka-asa si baby. Kelangan na kelangan tayo ni baby ngayon and someday hindi na nia tayo kakailanganin in the same way today. Maraming nagsasabi sa akin na mabilis ang panahon and before we know it malaki na ang babies natin. Tapos ire-reminisce nalang natin itong time na maliit pa sila. Kaya every step of the way dapat i-treasure natin. Kapit lang! P.S. Na try mo na ba i-swaddle si baby? Malaki ang help nia sa akin para ma-calm down si baby at mas makatulog ng mahimbing in between feedings.
Hug mommy. It's not easy, but it gets better. Wag mo na po pansinin si hubby kung natutulog lang, ganyan din ako nung una, inis na inis ako marinig yung hilik nya, sinisipa ko pa nga eh, pero kung breastfed si baby, wala naman talaga maitutulong si hubby. Makakatulong kung lahat ng kailangan nyo ni baby, within arm's reach lang. Kung formula fed, yung mga bote na may laman nang tubig, tsaka yung gatas natakal na sa shaker. Yung diaper at wipes, pag nagpalit kayo diaper tapos malayo basurahan, itsa mo na lang muna sa sahig. sa umaga mo na iligpit. Hanggang ngayon halos every other day lang ako maligo, nagdry na nga skin ko binti eh. Makaadjust din yang tulog mo mother. Sabayan mo tulog si baby. Tali tali na lang muna ng buhok. It gets better mommy. Hang in there. Yakappp
Walang di kakayanin ang isang ina para sa anak. When I gave birth to our second child, walang kasama sa bahay kasi working si husband and weekends lang uwi. I also have to look after our toddler na 2 and a half yrs old pa lang. Imagine my situation na CS and 2 alaga. Have to cook for myself and eldest tapos unli padede sa bunso. Naiiyak sa pagod at puyat, may maririnig ka pang pintas from inlaws na di naman nakakatulong. Nasasabi ko din yang "ayoko na" pero hanggang dun lang un kasi naiisip ko palagi ang mga anak ko. Paano sila pag sumuko ako. Iniiyak at pinagppray ko na lang sa Lord na mas bigyan pa ko ng lakas at haba ng pasensya. Kinaya namin, sure ako kakayanin mo din. And also talk to your husband. Share kayo sa responsibilities in all aspect.
Think positive lang po mommy, ganyan po talaga lalo na kung first baby kc nasanay tayo na ginagawa ang gus2 natin. Pero ngayon may nakaasa na sa atin..masasanay din po kayo at the end.. once tulog po baby nyo, sabayan nyo din ng tulog para makapagrest po kau..wag nyo po sanayin na karga kayo din po mahihirapan..ilapag nyo lang po sa bed at tabihan mas madali cia maging dependent pag ganun po. Maiiwan iwan nyo cia pag nasanay cia na ganun..sa akin po non kinakarga ko lang pag dedede, pagnapaburb na sa kuna na cia, don din po cia natutulog pero nasa tabi lang ako lagi at make sure lang po na iturn cia every 30 min, left,flat,right,flat..para hindi maflat ang ulo at hindi makapneumonia..
Ganyan din ako nung bagong panganak palang as in na shock talaga ako . 2 kami ng asawa ko . Pero more ako ang nag aalaga kay baby dahil may work sya at bawal mapuyat . So ako ang laging puyat . 1 month din akong puyat as in . Nung nag 2nd months na c baby hindi na masyado dahil medyo okay na ang tulog niya . At may night routine din kami . Now 3 months na c baby mahaba na ang tulog niya . Sa umpisa lmg yan mahirap . Isipin mo nalang di naman lifetime na baby sila . Enjoyin mo nalang momsh kesa ma stress ka pa . Pinag daanan ko din yan until now . Iniisip ko nlng di nmh laging ganyan . At kapag nakikita mo na ang anak mo na nag ssmile . Mawawala pagod mo .
Cheer up mommy! Ganyan po talaga sacrifices ng isang nanay. You can tell your husband din na nahihirapan ka talaga para kahit papanu makatulong siya. I'am a ftm din po. 1 month palang si baby..may times na nakakapagod talaga kasi gutom, puyat, naiihi, naiinitan. Ganyan nararamdaman tapos iiyak pa si baby. Pero naiisip ko na hiningi namin si baby kay Lord kaya embrace ko lahat ng paghihirap. Kasi hindi lahat po nabibigyan ng chance maging nanay. My first pregnancy resulted to stillbirth at 29 weeks kaya pag nahihirapan na ako, yun po ang naiisip ko. I want this. I want to be a mom so I'll give my 100%.
Ok lang yan ... Kaya mo. Kaya ka nga naging ina. Lahat yan pagdadaanan mo. Ako din nung buntis sa first baby ko, naglalaba nagluluto nagwowork ako at nagaalaga ng may cancer(mama ko) .. tapos napalayas kami ng bahay, nawalan ng work ang asawa ko. Nung nakabalik kami sa haus ng parents ko, ako lang din lahat laba luto linis alaga kay baby, dahil nanganak na ako. Pagod stress nakakalugmok, pero kaya. Kakayanin. At mas kakayanin. Kasi nanay ka. Kaya kaya mo yan :) si baby lang isipin mo. Mahal mo ang anak mo kaya matitiis mo ang lahat. Ok lang din magpahinga. Schedule ka ng gawain ... :) Positive lang!
Be positive lang mom. Kapag pagod kana mag pray ka lang po and after nun lalakas ka na. Kailangan mo rin pong kumaen para sa anak mo po. Baby always like to hug them lalo nat 3 weeks old pa lang siya mayat maya iiyak po yan. Nasanay sila sa loob ng tyan natin na masikip at yun po yung hinahanap ng baby. Mahirap maging ina.,Kahit po yung mga ready na sa pag aanak ay nashashock din dahil sa mga pagbabago po sa buhay.,Pag aasikaso sa anak at asawa. Kapag ina kana superwoman ka na po. 😉😉 hehe after mong malagpasan yang dinaranas mo po ngayon masasabe mo sa sarili mo na. Wow. I am so amazing!
Same po tau sis...ako lagi puyat ako lagi ngaalaga sa baby nmin..ung tipong hbng ngpapadede ka inaantok ka ung tipong sa isip2 mo na bilisan nya matulog para mkatulog kna din agad...dhil ngwowork mr.ko ayaw ko sya istorbuhin sa pagtulog ska pag nsa knya din kc ayaw tumigil ang iyak ako pa din hanap ng baby ko dhil ngpapagatas ako...pag ako na kc humawak sa baby ko agad titigil pag sa mr ko nd mom ko d nla mpatahan....bsta gawin nyo nlang po pag tulog po baby nyo sbyan nyo po para mkabawi bawi po kau tulog...mahirap po na masarap ang my anak...
I feel you sis.. ftm din ako at sobrang na overwhelmed ako sa hirap, pagod at puyat ng pag aalaga kay baby ..cs pa ko pro 2 days plng ako na alaga kay baby, since nagwowork si hubby, ang mother ko nmn may edad na and blind.. umiiyak ako nung time na un.. lalo pag wlang tulog... Pro mtatapos dn yang stage na yan. ☺️ Ngayon 5 mos na si lo ko.. mahirap at mas nkakapagod pa dn, ang masarap lng kasi nalalaro ko na sya.. isang ngiti lng ni baby pawi lht ng pagod mo from the very start. Kaya yan.. di ka nag iisa...💪
Xtin Dee