167 Các câu trả lời
Be happy sa kung anong binigay sayo ng diyos momsh. Di lahat nabibiyayaan ng anak.. Alam mo bang masasaktan anak mo sa gagawin mo.. Magkakaroon siya ng confusion about sa sexuality niya in the future. Sana wag naman.. Let your kid choose in the future.. Kung anong gusto niyang sexuality.
Pano kung sabihin din sayo ng baby na ayaw ka nyang nanay? Ano mararamdaman mo? Di palang pinapanganak yung baby mo may discrimination na. Mula pa talaga sayo na nanay nya. Pasalamat ka nalang at magkakababy ka. Ang dami daming nahihirapan makabuo tapos ikaw choosy ka pa. 😑
Yung mga ganyan po ang killer mindset. kaya maraming tao ang di kuntento at di masaya sa buhay kasi ang hinahanap is ung wala. sana happy sa kung ano ibigay. 💓 baka nararamdaman ni baby mo na posibleng ayaw mo sa knya if girl sya. maapektuhan sya. pero kung boy Edi okey,
Ako gusto ko Girl naman kasi may Boy na ako. Lagi kong pinag dadasal na sana girl na. naiisip ko din yun minsan pag boy anak ko bibihisan kong pang girl HAHAHA pero, ang importante Healthy si baby. Walang kahit anong mali. Kahit anong Gender basta Healthy okay na. :)
Ako rin naman dati sis ehh gustong gusto ko ng girl as in napapanaginipan ko pa nga na girl gender niya nakaisip na nga rin ako name for her. Pero noong nalaman kong boy, unti unti narin akong natuwa kasi dininig yung gusto ng hubby ko na boy ang maunang baby namin.
Ano bang problema kung hindi yung gusto ninyong gender ang maging ng anak ninyo? Di ba ppwedeng ang hilingin nalang is maging healthy and complete mga baby natin? Kung mahal niyo talaga baby ninyo, hindi magiging big deal anuman ang maging gender nila. Just saying.
be thankful for what God gave you. before i took an ultrasound scan, I wish to have a baby girl. when the result came, it was a boy. i felt a little bit sad and disappointed. but now, natanggap ko na na baby boy😍 may reason kung bakit baby girl yan sayo momsh 😊
Nung buntis din ako, gusto ko ng baby girl. Akala ko hindi ako maeexcite kasi boy ang baby ko. Pero nung lumabas na sya, nagbago lahat ☺️ In time, ibibigay dn sayo kung ano talagang gusto mo pero for now, accept na lang what is given to you 💙
Momshie kung ano po ang bigay ni Lord yun po ang best para sa atin. Binibigay Nya yun sa atin dahil alam Nya na yun ang kailangan natin. Be thankful always ❤️ magulat ka yung anak na inaayawan mo ang siya pang malaking pagpapala sa pamilya mo.
Wag kang ganyan mommy if pinag laruan ka ng kapalaran baka mag sisi ka bandang huli bawiin sayo kung ano pinag kaloob sayo. Ako din gusto ko ng baby boy pero kung binigay ni papa god ay girl mag pasalamat pa din dahil blessing ang baby..
Anonymous