Need kausap

Hello gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Kala ko sasakalin na ko ng asawa ko nung hinawakan nya ko sa leeg. Gigil na gigil sya parang gusto nya kong saktan. Pero di naman nya ko sinaktan. Nag away kasi kami. Iyak kasi ng iyak toddler ko hinahayaan ko lang daw at parang narindi sya sa iyak tapos bigla nya nilabas sa pinto ung anak namin kumaripas ng takbo kinabahan ako kasi may hagdan dun. Bigla ko sila sinundan tapos dun na nya ko hinawakan sa leeg sa sobrang gigil nya. Tapos nung nahimasmasan sya bigla nakikipag bati eh ako wala pa sa wisyo dahil sa ginawa nya. Haaay anong gagawin ko?

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. I think natrigger po si Mr. mo sa iyak ni baby. Ako personally, nung naging toddler anak ko natitrigger ako kapag umiiyak siya may dahilan or wala. Sabi nila ang triggers natin as a parent ay naguugat mula sa unresolved traumas natin as a child. Nung bata ako, hindi ako pinapaiyak ng malakas, kapag umiyak ako mas lalo akong mapapagalitan or mapapalo. Kaya naman hanggang sa pagtanda ko tahimik parin ako umiyak. Ngayon sa generation natin, well read or educated na ang mga parents at nalaman ko na normal sa toddlers na magkaroon ng big emotions. Maliit na bagay iiyakan nila ng sobra. Paano ko na-connect sa triggers ko ngayon as a parent ang trauma ko as a child? Dahil lumaki nga ako na hindi marunong magcontrol ng emotions ko in a healthy way, nacokontrol ko siya dahil natatakot akong mapagalitan or mapalo, hindi naman ako nagheal at hindi ko rin alam kung ano gagawin sa toddler ko na umiiyak. Dahil alam ko na normal ang big emotions sa toddler, hindi ko dapat siya pagalitan or paluin. Perodahil gusto ko na siyang tumahan pero nahihirapan at nao-overwhelm na ako, dahil hindi ko nga alam paano magcope/handle ng emotions in a healthy way doon na ako nati-trigger. Ngayon na nagdelve ako sa traumas ko para magheal at hindi ko mapasa sa anak ko, alam ko na kung paano ihandle ang big emotions niya. Patience, understanding, conversation, hugs, kisses and unconditional love. Minsan energy consuming kasi may sarili din tayong emotions na dapat i-cope at yung ginagawa ko sa anak ko minsan nahihirapan ako i-apply sa sarili ko, pero at the end rewarding knowing na you’re healing at the same time preventing yourself to pass your traumas sa anak mo. Dapat aware po tayo sa mga traumas natin para alam natin paano tayo magrereact pag natitrigger tayo, para hindi rin natin mapasa yung traumas na yun sa anak or maapektugan ang kasama natin at the same time ay natututo tayo paano magheal. Kaya advice ko pagusapan niyong dalawa yung nangyari heart-to-heart.

Đọc thêm
10mo trước

Hello ulit. Yan po kasi result ng unresolve issue, hindi po yan nawala, naitabi lang. Akala mo lang okay na, eventually lilitaw ulit yung issues kapag may another issues ulit, to the point na lalala na. Kaya nga po laging sinasabi na isa sa kailangan sa relationship is communication, effective communication, na pareho magkakaintindihan at maguunawaan hanggang sa masolve ang issues.

Nakakatakot naman po ang ginawa ng asawa nyo 😢 Sa susunod, siya kamo ang magpatahan sa bata, kung kaya nya. Hindi lang naman ikaw ang magulang ng bata. Sana ay hindi na po maulit yung ganun pero kung sakali man, huwag pong itolerate...

10mo trước

di po nya mapatahan di nya din alam kung pano. ako lang minsan nakaka control ng iyak sa toddler ko pero minsan nakakapagod laging inaamo baby ko kaya minsan hinahayaan ko din umiyak ng umiyak.

Pag usapan nyo po.bakit ganun ginawa nya,bakit ganun ang reaction mo

10mo trước

wala po sa vocabulary nun pagusapan mga issues.

Baka mi narindi na sa iyak ng anak mo, narindi pa sa bunganga mo

10mo trước

un nga po narindi. pero what if sinakal ka nga at napagbuhatan ka ng kamay?