Gusto ko lang makapaglabas ng sama ng loob

Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob dito. Sobrang sakit pala na nasa loob mo pa yung anak mo pero wala na agad kagigisnang buong pamilya 💔 ang sakit sobra na mas pinili ng sariling niyang ama yung babae niya kesa samin 💔😭 the way ako ipagtabuyan umalis sa bahay, the way niya mas kampihan yung babae. Ang sakit sakit lang. Sobrang nagsosorry ako para sa anak ko kasi nasa sinapupunan ko palang siya hindi na buo yung pamilya niya. Sobrang sakit lang talaga. Ang sakit sakit 😭😭😭 pero may part sakin na kahit paano masaya, na thankful ako kasi nakawala ako sa toxic na relasyon namin ng tatay niya. Ilang beses na niya ako niloko. Ilang beses ko na siya pinatawad para sa kapakanan ng anak namin kasi akala ko may chance na magbago pero ganon lang din ang nangyayari. Nauulit lang din yung ginagawa niyang pagloloko sakin. Mas malala na itong huli kasi nasa bahay na mismo namin yung babae. (Hindi kami kasal) ako pa yung pinagtabuyan niya ng husto para umalis 💔 sobrang nasira ako ng pagmamahal ko sa kanya na ultimo sarili ko diko na makilala. Siguro may mali ako kasi puro ako selos. Puro duda. Pero diko masisi ng ganon kalala yung sarili ko dahil sirang sira na tiwala ko sa kanya. Sa ngayon gusto ko nalang iahon yung sarili ko para sa anak ko. Magiging malakas nalang ako para sa anak ko. Yon lang po gusto ko lang makapaglabas ng sama ng loob kasi wala akong ibang masabihan ng mga hinanakit ko. Thank you po 🙂

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pkatatag ka lng mamshie, kaya mo yan,

3y trước

Thank you po 😞🙂