SAD
Gusto ko lang po mag open. Para di mabigat sa dibdib preggy din po kase ako. 6 mons na. Okay naman po yung buhay. Masaya kami ng asawa ko. Wala problema sa fam side niya. Pero saken po meron. Yung nanay ko na. Akala ko siya yung makakaintindi. Makakaunawa. Makakapag bigay pag kailangan. Ang sakit sa puso. Kase mismong nanay ko pa yung nag dodown saken. Hindi ako nag mamalinis. Hindi din ako yung perfect na anak. Nandito po kami sa bahay ng tatay ko. Dahil na rin na pandemic di kami nakakapag bigay. Pero di ibig sabihin non pabigat kami. Yung kanin kinakain naming lahat binili ko yon. 6 kami sa bahay. Kami dala nung asawa ko. Tas silang Apat. Ako nag luluto. Almusal. Lunch and dinner. Ako lahat. Kukuha lang ako ng half kilo sa karne nila. Tas bili ako ulam namin mag asawa (pero di niya alam) kase mag hapon wala siya nasa sugalan halos araw araw. Tas pag uwi niya nakikita niya kami nag didinner ang sama ng tingin. Pero binili po namin yung kinakain namin. Nag hahalok asawa ko. Namimigay ako. Di ako madamot. Pag siya. Tinatago niya yung pag kain samin 😞 pag nag luto ako kumain kami ang sama ng tingin😞 tas dalawa lang kami nakikihati pa siya sa bayarin. Di naman kami ganon kagastos kase mag hapon wala asawa ko. Nag bibigay ako cash. Nakakapagod lang. Kase yung akala ko na iintindi. Yung akalako na okay naman siguro kase alam na mamganganak ako. Hindi pala. Lagi siyang bwesit samen mag asawa. Napapagod nako. Kase nag tatanong din asawa ko bat ganun siya wala ako masabe kase nahihiya ako. Kase yung nanay nung asawa ko sobrang bait. Simula dalaga ako hangga sa kinasal ako ganito na kahirap makisama sakanya. Sa tatay ko wala problema. Sakanya lang. Humihingi ako gabay kay jesus na sana pag dumating na yung panahon na mag kakasarili bahay kami at may kaya na sa buhay hindi ako mag mamataas sakanya sa lahat ng ginawa niya saken 😭 ang sakit kase sa dibdib na hindi naman kami pabigat pero ganyan siya makisama samin. Di kami nag rereklamo. Hindi kami nag sasalita na lumalaban. Lahat ng hingi niya bigay. Kahit na minsan kami na yung wala. Sana gabayan kami ng may kapal. Hindi ako nag mamataas kahit kanino. Hindi ako nag yayabang at hindi rin inahapakan pag katao ng iba. Ang hirap makisama sa sarili kong nanay. Ang hirap po 😭
mom to a very beautiful angel ❤️