17 Các câu trả lời
First time mom? Baka po mas may experience si husband ng pag karga at pag papatahan ng baby kesa sayo. Ganun din po ako nung nanganak. Never ko kasi ma experience mag bantay ng baby while ang husband ko naman nakapag alaga na ng tatlo o apat na bagong silang hanggang lumaki na sila... kaya nung first day namin ni baby, karga ni husband ang baby namin whil pinapa breastfeed ko... sya din ang lumiligo ng newborn baby namin nuon kasi takot ako... pero inaral ko lang. At first mahirap lalo na't may pressure kasi tayo ang nanay pero feel natin wala tayong kwenta pero isipin mo nalang na sadyang ganun lang talaga pero kailangan mo din aralin at tulungan self mo.. kasi nanay ka. Normal lang na maka feel ng ganyan. Ilang gabi nga ako umiyak kasi di ko man lang ma breastfeed ng maayos ang baby ko pero naging okay naman... 6 years old na anak namin na first born... and so far, hindi naman sya lumaki na may walang kwentang nanay. Hehe chill ka lang... wag mo ipressure self mo. lahat ng bagay inaaral. Hindi yan automatic na a-acquire dahil lang ikaw ang umire ng bata... just be extra patient and be open to lessons and suggestions. 100% guaranteed... you will be fine. :)
Ganyan din baby ko iiyak sakin tatahan at matutulog sa daddy nya pero pag nag uusap kami ni LO ako lng tinatawanan nya ng husto as in halakhak pero pag nakita nya daddy nya tatahimik na sya sa pag tawa hahahaha. 3 months narin si Lo ko feeling ko kaya ganun ang baby natin kasi dahil dede lng ang gusto nila satin sa ngayon hahaha ikaw mamsh kausapin mo rin baby mo pag nasa mood or pag habang nadede para bonding moment nyo nrin.
Same tau noon gnyan din s akin baby ko nung months old plng xa nfefeel ko din yng nfefeel mu pro sinikap ko mpalapit s knya kht anu ginagawa ko until now mlapit n xa s akin hnap n nya ko pg wla ako umiiyak xa at pg andyn nko gusto n nya agad pkarga.tiyaga lng yn enjoy mu lng pgiging mom isantabi mu ung nppgud ka enjoy mu pghile s knya
Ok lang yan. Ganyan talaga ang mga baby. Iba iba. Minsan lang sila bata, mabilis lumaki ang mga bata kaya ung mga time na ganian mamimiss natin. Lilipas din yang sleepless nights. For sure. Pag mdyo lumaki laki na si baby mamimiss mo ung maliit sia. Ienjoy mo lang promise
habaan mo pasensya mo mamshy , isip k ng masa2yang bagay dapat happy mood ka totoong nara2mdaman ni baby pagod at stress natin, based on my experince, ganyan aq sa 4 months baby girl q, pero ngayon ok ok n kami, kahit mas closed sya sa lola nya
Mejo same case tayo sis, pag umiiyak si LO dami ko kailangang gawin para lang tumahan sya pag papa nya kargahin lang sya tahan agad. Nakakapang selos nga minsan. Di man naten sila mapatahan agad, may kwenta parin tayo sis :)
the ups and downs of motherhood. u have that connection with ur child even before he was out. if ur stressed, the bby will be too. If she cries, continue to cuddle her. I wish u all the best sis. stay strong! kaya mo yan..
Dati ganyan pakiramdam ko nung yaya naman niya nakakapagpatahimik sa kanya. Pero di ako nag give up, naging hands on ako kay LO. Ngayun umiiyak na siya pag binibigay ko kay yaya, magwowork na pa naman ako 😅
Same sa akin mamsh. Mas tumatahan xa pag kinarga na ng lola niya. Pero ginaya ko lang ang position na ginagawa ng lola niya sa kanya. Tumatahan na xa at nakakatulog na din sa akin.
baby pa lng yan momsh mababago pa niya sa kung sino gusto niya samahan.. alagaan mo lang, kng ano tingin mo ung buhat n konportable sya ganun gawin mo. . wag susuko aja aja😊