Special child.

Gusto ko lang po itanong, pag special child po ba ang bata, kailangang hayaan nalang sya lagi sa mga ginagawa nya kahit nakakasakit na sya or nakakabasag ng mga gamit?..yung kahit itatapon nya yung pagkain sasabihin lang ng ina na ganyan kasi special child..hinahayaan lang nya yung anak nya na magtapon ng pagkain or manira ng gamit kasi nagagalit at nagwawala daw anak nya.. Anak po sya ng hipag ko. Dito po sila nakatira ngayon sa amin, kasi nakiusap sila na mag asawa na dito muna hanggat di pa nakakaipon ng pang upa..kakapasok lang kasi ng asawa nya sa bagong trabaho. Kaya tinanggap naman ng asawa ko..bale kapatid nya yung hipag ko. Tatlo anak nya, special child yung panganay. Ni hindi nga nila pinapatingnan sa pedia. Once lang daw natingnan, nung 1 year old palang, ngayon mag 4 y/o na yung bata. Walang check up. Hindi ako dapat maistress sa kalagayan ko ngayong buntis ako. Pero sobrang stress talaga ako simula nung dumating sila dito..wala ako problema sa ibang anak nya, sa asawa nya or sa hipag ko, maganda pakikisama nila sa amin at kami din sa kanila. Ang isang anak lang talaga nya ang problema. Gusto kong intindihin ang bata sa kondisyon nya, pinapahaba ko na masyado ang pasensya ko. Halos magtatlong buwan na rin sila dito. Hindi ko pwedeng ilabas ang galit ko sa bata kasi di ko naman sya anak, hindi ko sya pwedeng paluin. Ang hirap lang kasi, madami na syang nasirang gamit, electric fan, tv, remote, binasag yung salamin, mga baso inaabot nya sa lagayan, kahit mga laruan mismo sinisira nya. Oo hindi sya naglalaro, pag may laruan kapatid nya sinisira nya lahat maliban sa stufftoys.Lahat ng mahawakan nya sinisira. Yung wallpaper ng dingding binakbak nya lahat, hindi sya sinasaway ng nanay nya. Kapag kumakain ka, kukunin nya yung pagkain mo sa pinggan pag nalingat ka, tapos itatapon nya sa sahig. Pag may ginagawa ka, bigla nalang sya mangangagat sa hita, magugulat ka nalang akala mo may asong nakapasok at biglang nangagat. Yung nga damit sa drawer namin, kinakalat nya. Pag pinipigilan ko nagagalit sya at nagwawala, nandudura at nanununtok. Lahat yan alam ng hipag ko. Ang sabi lang nya special daw kasi. Yung nangyari ngayon araw ang sobrang ikinaiinis ko. Gumawa kasi ako ng mango float, iniwan ko muna saglit sa lamesa kasi nandun naman ang hipag ko. Ang sabi ko sa kanya patingnan muna saglit lang. Timing kasi may dumating na delivery kaya lumbas muna ako saglit. Pagbalik ko, kalat na sa sahig yung mango float na ilalagay ko palang sana sa ref. Gusto kong maiyak at magalit sa hipag ko. Bakit hinayaan nya lang yung anak nya?!. Sobrang sakit ng ulo ko. Tinanong ko yung hipag ko kung anong nangyari, ang sabi nya akala nya titingnan lang ng anak nya, bigla daw tinabig yung tupperware. Hello?? Alam na alam nya mismo sa sarili nya na hindi pwedeng nakatingin lang anak nya sa isang bagay. Bakit ganun? Gusto ko syang pagalitan, pero humihingi lang sya ng pasensya kasi special anak nya. As in buong araw ako nagmukmok sa kwarto. Di ako kumain ng lunch. Sobrang sama ng loob ko. Iyak ako ng iyak. Tapos paglabas ko yung wallpaper ng dingding binakbak na lahat, may natira pang kaunti, hinayaan lang ng hipag ko. 😢😢 ganun ba talaga yun? Pag special child kailangang hayaan lang lahat sa ginagawa nya kahit hindi na maganda yung ginagawa nya?..😢😢 ayoko naman sila paalisin nalang kasi naaawa din ako wala pa silang pang upa. Mabait kami sa kanila. Ang problema lang talaga ay yung anak nya. Pls enlighten me naman po sa mga may anak na may ganung kondisyon. Para po mas maunawaan ko at maintindihan yung bata..kasi sobrang stress na po ako. Nag aalala po ako sa baby ko. 😢😔 hindi po ako galit sa lahat ng special na bata. Ang gusto ko lang po malaman kailangan po ba talaga hayaan lang sila sa mga ginagawa nila para lang di sila magwala at magalit? Panu kapag lumaki na sila? Hayaan lang ba kahit makapatay na? Maski pusa namin sinasakal nya kahit kinakalmot na sya.😔😔 Fyi: kaya po naka anonymous dahil may kakilala po ako dito na nakakakilala sa asawa ng hipag ko, ayoko po na mag isip sila ng iba or mamisinterpret nila tong post ko. Gusto ko lang po makakuha ng advice mula sa mga magulang na may anak na special child. Para alam ko po ang gagawin ko at maintindihan ko yung hipag ko at anak nya. Maraming salamat po. #1stimemom

1 Các câu trả lời

Super Mum

for me no. mas lalo kailangan iguide yung bata. watch candy pangilinan's vlog to see how she handles Quentin.

oo nga po, kaya lang hindi po ganun yung nanay nya..hinahayaan lang nya anak nya, minsan nag ccp pa yung nanay nya. hindi naman po pwedeng ako nalang ang nakabantay lagi kasi una hindi naman ako yung ina, pangalawa may mga ginagawa din po ako at hindi ko po obligasyon na bantayan ang anak nya, pinagsabihan na sya ng asawa ko nung nakaraan na bantayan nya anak nya kasi kailangan nga ng atensyon yan di pwede pabayaan, pero nag ccp lang yung hipag ko. kaya ako ang nahihirapan kasi kami lang naman ang naiiwan sa bahay dahil may mga trabaho asawa namin, bakit kailangan ako yung magbabantay sa anak nya, 😢

Câu hỏi phổ biến