80 Các câu trả lời
In my 3rd pregnancy momsh dun na ako nasuka sa obimin but in my prev preg wala nman. Naku sobrang naistress ako pagnasusuka ako kaya bago matulog ko na lg sya tinitake
ganyan din ako sis kaya dati sa gabi ko sya iniinom pero now dahil bago mga vitamins na nireseta morning na sya 1hr after bfast.. minsan nasusuka pa din ako..
Ako unang hanggang pangatlong inum palang suka na at ang sakit sa tiyan. Tas hindi na ako uminum nun. Buong 2nd trimester ko walang ako ininum na vitamins.
ako momsh nagsusuka ako mga 5minutes pag tapos ko inumin, pero ginawa ko kumakain mo na ako lunch bago ko inumin yan yun, di na ako nasusuka...
lagi, pero isinasabay ko kasi nun ung folic + ferrous. Ginawa ko di lo na tinake ung folic+ferrous ung Obimin Plus na lng ayun, naging ok after nun.
Nung 1st trimester, panay suka rin ako after ko uminom ng Obimin Plus, Nung nag 2nd trimester na until now, okay na ko. Iniinom ko siya 1-2hours after dinner.
Sakin wala naman syang effect. Nkkagulat na may ganyang effect pla sya sa iba. Pero kaya nyo yan mga momsh 💖 or papalit kayo ng gamot sa OB.
yes po. inistop ko pa nga pag inom e. pero try mo mashh inumin pag katapos kumain masasanay kaden. ako nasanay din ako tinitiis ko lang for baby😊
nasusuka rin ako pero ang ginagawa ko nalang either isabay sa juice, milk or kain fruits or dessert para mawala yung lasa.. effective naman
Ako naman nasasarapan sa kanya hehe sa obimin plus😂 feeling ko lasang anmum basta may scent sya para gatas or vanilla ganon para saken hehehe
Anonymous