Goodbye My Baby Nisha Calixa 😭👼my 18weeks baby 😭

Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. 😭😔 Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. 😔😔😔 Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭

Goodbye My Baby Nisha Calixa 😭👼my 18weeks baby 😭
712 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Condolence po.. Pareho po tau, nakunan din aqo nung april saktong byernes santo... Sobrang sakit mahirap tanggapin pero wala po taung choice kc baka nga di cla para satin. Pakatatag lng po tau kapit lng ky lord.

condolence mommy 😥 maging matatag ka po at laging mag pray sa knya.. siya ang higit na nakakaalam ng lahat ng nangyayari .. rest in paradise baby girl gabayan mo mommy at daddy mo 🙏🙏😇😇

wait ka lang po mommy someday bibigyan ka na nya siguro hndi pa sa ngayon but wait for the right time.. pero condolence pa rin sayo sis kaya mo yan pakatatag ka and always pray ka lang🙂

Stay strong Mommy! May reason si Lord bakit nangyari yan madalas hindi man naten naiintindihan ang mga nangyayari saten pero maniwala tayo sa kanya. ♥️🙏 May guardian Angel kana Mommy ♥️

condolence mommy.. i know your pain pero sabi ko nlang sa sarili ko kung di para sa amin may papalit rin.. nagkatotoo nga at 14 weeks akung preg. now.. tiwala lang makakaya mo rin yan..

magiging okay ka din mommy. kaya mo yan. pareho tayo ng pinagdaanan nung una ko ding pagbbuntis. pero nagtiwala lang ako kay Lord. makakayanan mo din yan mommy. trust God may purpose siya.

Thành viên VIP

Condolence po. Be strong po and have faith in God na mabbigyan po kyo ng baby ulit. Ndi lang po siguro pa time ngayon. I pray for your healing Mommy and ng buong family. 🙏🏻

Nakaka sad po.. Lalo at pinangarap at pinagdasal mo pa.. Lakasan mo loob mo mommy babalik din po sya sayo.. Pray lang po lage kay lord may dahilan po siguro kung bakit nangyari po yan

condolence mommy, lagi nyo lang po tandaan na ung sakit ngayon ay walang wala sa kasiyahan na paparating ❤️❤️ laging may plano ang diyos para sa inyo! godbless you po. sty stromg!

parang may malpractice sa part ng ob mo..db mga momsh? kc once na nag open na ung cervix dapat maconfine kana para ma monitor ka mabuti.. condolence and rest in peace sa baby mo po..