93 Các câu trả lời

VIP Member

hays ito po konting tulong. Ang chromosomes po ng babae ay XX chromosomes po. Ang sa lalaki naman po ay XY chromosomes. Ang Y chromosome po ang nagdidikta kung babae o lalaki ang magiging anak nyo. Ang Y chromosomes po ay isang aktibo at pagpalagay ntn malakas ang resistensya,mabilis energetic w/c is totoo naman. Sya dn mismo ang unang una nakakarating s finish line at nakaka jackpot ng egg cell. (mabubuo si baby). Ngayon pra naman s gender ito naman ang konting tulong/payo. Kung gustong makababae o makalalaki pwede nyo pong pag desisyunan yan. 1. Ganito lng po ang gagawin nyo. Kung regular po ang dalaw nyo halimbawa po ang first day po ng period nyo is july 11 bilang po kau ng 15 kasama po ung unang araw lalabas po na july 25 po un. 2. 3 days before 15th day is 22, 23, 24 3. 3days after 15th day is 26,27,28 4. pansin nyo po 22,23,24,25,26,27,28(7 days ovulating period) fertile days po yan. kung gusto mo po ng baby girl mag do po kau 3days before ovulation perion w/c is 22-24 5. kung gusto nyo naman po ng baby boy mag do po kau after naman po 26-28

Ate sabihin mo po sa kanya na hindi ang babae ang nag bibigay ng gender ng baby kundi ang lalaki ang nag bibigay ng gender kasi ung isang sperm nya ang mismong papasok satin tsaka mg meet ang sperm nya at egg cell natin . Dalawa po kasing klase ang sperm nila x and y . Satin po mga babae x lang kaya pg pumasok po satin ang sperm nila na x automatic girl po ang baby kasi x and x equals baby girl pero kapag ang sperm nya po na pumasok satin ay y ibig sabihin x and y equals baby boy . Nag hihintay lang nman po ang egg cell natin na my maka meet syang sperm sa loob . Ang sperm po ng lalaki ay million million yan x and y . Ipa intindi mo yun sa kanya at search mo po sa google at ipakita mo sa kanya kung di sya maniwala haha . Kulang po sya sa kaalaman pinag aaralan din po yan dati pa sa eskwelahan . Ganun po yun kaya lalaki po talaga ang nag bibigay ng gender ng baby .

Hahaha. Dapat nga nung una pa lang alam na ni lalaki eh. 🙄

hello sya ang may kasalanan.. kasi dapat XY chromosomes nya ang pumasok sau dahil ikaw momshiee carrier ng XX.. pag X chromosomes mo at X chromosomes nya mag sama, baby girl un.. pero pag X chromosomes mo at Y cromosomes nya ang nag combine baby boy yun.. kaya.explne mo.sa kanya scientifically para maunawaan ng makitid nyang BRAIN CELLS. at kung ako sayu.. kausapin mo ang mga kompare nya na nga sasabi non.. taska.pati misis mg mga kompare.. sabihin mo na kon wala.silangagandang ssabihin pd ba.. e stapler nila bunganga nila.. hindi maganda ung biro nila.. hay nako sarap batokan yang asawa mo.. sabihin mi din pala na pag ginawa nya un.. e mag ready na sya mag himas rehas.. kakasohan mo kamo sya.. wag pa stress...buntis ka baka mapanganak ka ng wala sa oras

Ogag yang asawa mo. Isaksak mo sa bangag nyang utak na sya ang responsable sa kung magiging babae o lalake anak nya. Kahit sa sinong babae nya iputok ang sperm nya kung puro x chromosome ilalabas nya kamo magiging babae anak nya. Eto momshie di mo kasalanan kung bakit puro babae ang sinisilang mo dahil sa lalake nakasalalay ang gender ng baby. Tayong mga babae x chromosome ang meron tayo at kung si mister mo puro x ang nilabas malamang sa malamang babae at kung y at lalake ang kalalabasan. Kaya wala kang kasalanan sya ang sisihin mo. Ikaw na nga tong naghirap sa pagbubuntis at panganganak di pa nya naapreciate ang ganong bagay. Nakakapang init ng ulo mo yang mister mo at kaibigan nya sarap batukan. Sabihin mo yan sa asawa mo.

Kausapin mo sya mamsh pag sober na sya. Di mo naman fault if di nagiging boy anak nyo. Sa kanilang mga tatay kaya nakadepende ang gender ng baby. But anyway, tell him nahurt ka sa ganun kahit joke pa yun. Hindi magandang biro. Pag sinabing maarte ka, sampalin mo. Charot! Hehe uy char lang yung sampalin ha. Pero mas mabuti nang alam nya na di mo gusto mga ganung salita. Tapos pagusapan nyo na if ever pwede nyo naman itry ulit. There are theories pano magka-baby boy. You may consult your OB regarding this and pwede nya kayo turuan. Yung OB ko inadvisan kami pano mga pwede namin gawin para maka-babae naman kami. Sinunod lang namin nga sinabi nya, and then todong dasal, ayun baby girl na po dinadala ko now.

VIP Member

Grabi namn ! Lakas mangsulsol nung kumpare ! Alam mo sis asawa chinese , may mga tradisyon ang mga chinese ang gusto nilang anak lalaki , pero ung asawa ko sa una nyang asawa dalawang babae , im preggy 38 weeks , ang sabi nya sa akin kahit babae ang magiging anak namin ok lng tanggap nya , pero ako gusto ko lalaki , pero kung magiging girl din to ok lng din sa akin . Boy baby namin ngayun . Dapat di mo pinapayagan ang asawa mo makipag inuman sa ganyang tao , makakasira lng sa inyu ng asawa mo . Kausapin mo din asawa mo , di namn basehan sa gender ng anak yan para ipagmalaki . Dapat maging masaya nalng sya kung ano ang binigay ng dyos sa kanya .

Siguro kung ako makarinig nyan, itataob ko yung lamesang pinag iinuman nila. Babasagin ko pa mga bote ng alak nila ng mawala amats nila. Mga walang respeto!!! Wala na kong pakialam sa iisipin nila dahil wala nman silang pakialam sa pamilya namin kahit masira tutal pinayuhan nman nila ang kumpare nila na mag anak na lang sa iba. Wag na wag silang magpapakita sakin. Kakagigil!! At yang asawa mo po sabihan mong hindi lang ikaw ang gumawa nyan. Kayong dalawa. Ngayon kung hindi sya makabuo ng lalaki, kasalanan nya yan. Mas nakikinig pa sya sa mga dem*nyong kaibigan nya!

Aq din tataob ko paghahampasin kopa sila Ng bote mga walang respeto bunganga

Boy or girl? It's in father's genes! A gene consists of two parts, known as alleles, one inherited from each parent. It is likely men carry two different types of allele, which results in three possible combinations in a gene that controls the ratio of X and Y sperm; Men with the first combination, known as mm, produce more Y sperm and have more sons. The second, known as mf, produce a roughly equal number of X and Y sperm and have an approximately equal number of sons and daughters. The third, known as ff produce more X sperm and have more daughters.

Hello sis..ako po anak ko 3 girl at preggy po ulit ako mag 8mos at mukahang girl naman ulit..hehe hayaan mo po ung narinig mo kasi lasing naman sila nung sinabi un ala na sa katinuan un..gawin mo po kahit puro girls anak natin..plan ko sa kanila maging maganda sila sa paningin ng ibang taon..lalo na din po syempre tau..para kahit sabihin nila puro girl sabihi u na lang po di un para sau kasi di binigay ni Ama siya lumalalang at nagbibigay nun eh taz sabihin mo pa ok lang kahit puro girl magaganda naman..😅

VIP Member

Alam mo sis sabhin m asa sperm cell ng lalaki ang pag bbigay ng gender ng baby dahil sila ang may dalawang types ng sperm ang egg cell parang bahay lang nila yan para mabuhay sila kasalanan ng mister mo sis kung bakit parehas babae anak nio ang gago ng mga lalaking ganyan na nag hahangad ng lalaking anak tas pag d makakuha ng lalaking anak sa asawa nila mambabae sila eh kasalanan namn un ng sperm nila nakakabwisit pag d naniwala sis mag search ka about dito sa sinabi ko at ipakita mo sa mister mo !!!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan