Super stressed 😔
Gusto ko lang mag labas dito, may times kasi na na istress ako lalo na pag aalaga kay baby ko 😔 yung tipong iyak sya ng iyak naririndi ako at naiiyak nlng lalo na pagod nako kakaalaga sa kanya kasi minsan 7-8 hrs gising sya at naiyak kung makatulog man 30mins or 20mins tapos iiyak na naman. Hindi ko alam gagawin minsan kaya panay search ako kung ano reason bat naiyak ang mga baby. Wala kasi akong katuwang sa pag aalaga 😔 hubby ko naman laging nasa work tapos minsan nag aaway kami dahil sinisisi nya ako sa mga ibang bagay na diko nagawa tapos maiiyak nlng ako kase di nya alam kung gano kahirap mag alaga ng baby. Nahihirapan nako minsan pero kinakaya ko para kay baby, gusto kong sisihin sarili ko baka may pag kukulang ako sa pag alaga sa kanya kaya iyak sya ng iyak. Baka may nararamdaman sya at diko maintindihan, nag aadjust pa kasi ako lalo na first time mom ako. Palakasin nyo naman loob ko mommy's feeling ko anytime depress nako sobra akong nagiging emotional masyadong mababaw at mabilis mairita hays 😔 ganito pla pag wala kang katuwang sa pag aalaga ang hirap super 😭 #1stimemom #firstbaby #advicepls