Naririndi ako.
Bat po ganito yung nararamdaman ko? May time na sobrang naririndi ako pag umiiyak yung baby ko. Mag1 month palang kami ni baby. Naiirita po ako minsan pag nadidinig kong umiiyak si baby lalo po pag feeling ko nagsasama sama na yung puyat pagod at gutom. Ako lang naman po kasi mag isa nag aalaga kay baby. Laba ng damit ni baby damit ko linis ng kwarto namin hugas ng mga feeding bottle ni baby ako gumagawa. Laging wala yung lip ko. Masama po ba akong nanay? Ngayon ngayon lang po kasi hinayaan ko lang umiyak ng umiyak si baby tapos tinititigan ko lang siya. Hanggang sa namula nalang siya ng husto tas di na huminga sa pag iyak niya. Don lang po ako parang nagising tapos naiyak nalang din po ako 😭 Naawa po ako bigla sa baby ko. Sorry ako ng sorry sa kanya. Kinakausap ko siya tapos nginitian lang niya ako (pag kinakausap ko kasi siya nakatitig lang siya lagi sakin tapos ngingiti. Para bang nakakakita na siya) Sobrang naguilty ako sa ginawa kong hayaan siyang umiyak lang. Sobrang hirap palang walang katuwang mag alaga. Ftm po ako. Nakapag alaga naman na ako ng baby pero parang bagong bago sakin lahat itong nararanasan ko ngayon. Iba pala pag sarili mo ng anak 😔 feeling ko kulang pa din yung ginagawa ko bilang nanay ng anak ko 😞😞😞 #1stimemom