Rant sa MIL
Gusto ko lang i-share to mga momsh kasi sasabog na talaga ako ngayon e. So 5 months na po yung LO ko pero sobrang attached sa lola niya yung tipong pag hawak ko siya tas nakita niya, grabe ang iyak. Ayaw na sakin. Iniisip ko, ako yung ina nung bata pero parang ako yung nawawalan na ng karapatan. Siya yung naghahawak sa anak ko pag may vaccine na dapat ako diba? Siya katabi ng anak ko sa gabi imbes na ako diba? Siya bumibili ng mga needs ni LO which is okay naman kasi tumutulong pero sana hayaan naman niya na ako mamili ng needs niya kasi anak ko nga. Tapos ang kapal ng mukha niya na murahin sa harap ko yung anak ko. Tama ba yon?! Sobrang stress na talaga ako pero di ko masabi sabi sa asawa ko kasi baka isipin niya pinagdadamot ko LO ko which is dapat lang kasi anak ko tapos baka isipin niya wala na naman akong respeto. I don't even know what to do. Imbes na masaya ako dahil may anak ako pero parang hindi naman ako yung kinikilala niyang nanay 🤧😢😭#advicepls #rants