33 Các câu trả lời
Ganyan din yung panganay ko sobrang likot din, hyper lagi. Di naman natin maiwasan mainis minsan kasi baka masaktan sila sa kalikutan nila saka nakakapagod maghabol ng maghabol at magbantay no, Pero nung nagka fever yung anak ko matamlay sya ayaw nya kumilos gusto nya nakahiga lang nalungkot ako kase di ako sanay na ganun sya😂 nakakaloka lang pero narealize ko mas masaya pala para saken kung palagi nalang sya hyper atleast masigla yung katawan nya kesa matamlay sya at sakitin Ok nalang mapagod ako kakabantay sa knya kesa maging matamlayin sya sana marealize mo din yan 😊
Panganay ko dati problema ko din kung paano siya tumaba kasi ang payat din niya and everytime naman na nag'ge:gain weight siya e biglang magkakasakit kaya papayat ulit. Ngayon ginawa ko more on kanin talaga siya, e matakaw din ako so kung ano kinakain ko kinakain din niya, or ibibili ko siya ng pwede niyang kainin. And of course samahan din ng vitamins, so far ngayon malusog ang panganay ko. Chubby chubby na 😊 Tyaga tyaga lang talaga. Pinagtyagaan ko talaga ang anak ko para tumaba lang.
maamsh mabuti po at maliksi at malikot sya ibig sabihin he is feeling well. iwasan na lang po mga sweets like chocolates, rich in sugar drinks. then bigyan po sya ng activity na mag papabusy sa kanya, marami pong ibat ibang activity like sing, dance, read, draw, painy, do household chores, play together po. ganyan po ginagawa namin mga teachers sa malilikot na bata para po iwas aksidente sa so sobra lokot
Anak ko payatot din.. Pero ilalaban ko naman sa immune system haha.. Payat man pero hindi sakitin.. Un po ang importante 😊 compare sa mga anak ng friends ko na malulusog kung tingnan pero labas masok naman sa ospital 😞 kaya dont worry po.. Mas ok na yan
Normal lang maging hyper ang mga bata mommy lalo na nasa stage sila na naglalaro at may mga kalaro, yung pagkapayat naman po okay lang yan kasi baka po sa genes nyo talagang payat habang lumalaki magvitamins nalang po para iwas sa sakit mommy. :)
Ganyan din po lo ko.. Sobrang payat.. Hindi naman po sakitin.. Nakailang vitamins na din po wala pa rin.. Mahilig naman sa fruits lalo na pag apple at orange pero hindi kasi masyado sa kanin..
Natural po sa bata ang maging hyper momsh. Wag lang po maging sakitin. Mas gusto ko po nakikita ang anak ko na ganyan ka hyper. Bawiin nyo nalang po s mga foods na ihahain nyo po. 😊
Vitamins momsh. Propan pampagana kumain. para magkalaman si chikiting mo. Ang kalikutan kasi natural yan lalo boy ang anak mo. Lilipas din yan. Di naman sila forever bata 😊
normal naman po yan sa bata, magbabago yan pag medyo malaki laki na yan.. saka avoid chocolate nakaka hyper din po yun..
Bawas sugar momshie saka minsan lumilipas na lang yan. Ganyan din ung brother ko, pagtungtong ng 10, biglang di na hyper.