Grabe yung nanay ko. :( naiintindihan ko namang gusto niya kaming maging independent ng partner ko, pero sa ngayon mahirap. Dito kasi ako nagsstay sa bahay nya dahil dito ako nakapagumpisa ng checkup. Umabot sa point na parang nagdadamot na siya. Di naman nagkukulang yung partner ko sa pagprovide sa 1st baby namin at sa pagbubuntis ko. Sa ginagawa ng nanay ko literal na pinabukod kami sa gastos nagigipit na kami. Kulang na lang lumabas sa bibig niyang lumayas na kami dito. Bumibisita lang yung partner ko dito dahil nagrerent kami ng apartment sa ibang lugar.
Ang hirap pang kailangan namin magtiis pareho na pakisamahan isa't isa.
Nakakalungkot lang na ganito yung situation ngayon, kung kailan ako buntis tsaka gumanito ng ugali nanay ko. Pilit kong iniintindi pero parang mali na talaga.
Anonymous