403 Các câu trả lời
Grabe naman po yan . Nagkakarashes din bby ko ,pulbo lang nilalagay ko pwedi na . Pero ndi pa sya nagkakaroon ng ganyan kagrabe. Try mo po magpalit ng diaper . Baka sa diaper po yan .tyaka wag mo po palaling lagyan ng diaper si bby .lalo na sa panahon ngayon na mainit , get well soon bby . ❤️
Hay jusko napakahapdi nyan for baby. Siguro po hindi hiyang sa diaper much better po kung tyagain mo nalang muna po na wala tapos laging panatalihing malinis at tuyo mommy. Wag po kung anu ano ang ipahid dahil hindi naman din po mga specialista at doctor ang nagcocomment dito. Baka lalong madisgrasya. 🙏
ng rered na yung rashes. kawawa c baby e panty mo nlang c baby. mas malala pa yung rashes ng first baby ko jan. grabe. talaga.. from calmoseptine d tumalab.. gnawgaw na ayaw pa rin. ang tumalab lang tlaga is yung QUADROTOPIC. I am not suggesting you momshie to use the same, better to consult muna.
Mommy try mo irest muna sa diapers ang skin ni baby mag lampin po muna tas use muna ng water and cotton kapag mag poop si baby para maalisan ng rashes gnun kasi ginagawa namin ng asawa ko sa baby namin every morning wala muna diaper sa gabi nalang and rest muna sa wipes cotton and water lang muna
Hi Mommy, you might want to try to make breastmilk soap... I use it for my baby and my face. super maganda po sa mga skin problem ni baby esp sa rashes... if you don’t have ingredients the breastmilk alone is okay also, use your breastmilk as toner for your baby’s rashes. Hope it will help...
Kawawa na naman. 😭 Mommy wag mo muna sya idiaper kung sa bahay lang kayo. Kawawa naman pwet ni baby oh. 😭 Ako nasasaktan pag ganyan. Pag ang baby ko may konti akong nakitang hadhad pa lang sa singit nya hindi ko sya dinadiaper hanggang sa mawala. Ayoko nakikitang nasasaktan baby ko.
Mamsh ang sakit nyan...wag mo punasan ng baby wipes..dapat runnung water yung ipanghugas mo ha....then try CALADRYL very effective at hindi cya mainit sa balat..wag calmoseptine mainit sa balat yan mas lalo ma irritate ang skin ni baby...agapan mo agad yan baka magka uti c baby nyan
Sa baby girl ko kapag may diaper rash na sya. Maglalaga Lang akong talbos ng bayabas. . Make sure hugasan mabuti. Din every time na papalitan ko syang diaper Yung pinaglagaan at cotton gamit ko. Per damat warm. . Then kinabukasan. Tuyo na Yung rashes nya. . Buhay probinsya 👍😁
Stop muna sa diaper habang naghahanap ka ng gamot na pwede ipahid kay baby.. Kawawa napaka sakit nyan.. Kahit tayong matatanda na kapag nagkaron ng ganyan iindahin natin sya pa kaya na baby.. Diaper sa gabi lang then sa hapon lampin. Tyaga lang momsh mawawala din rashes ni baby..
Bat dumami ng ganyan mumsh.. Kawawa 😔 isa mumsh sa mga ginagamit nya ang nag cause ng rashes, either diaper nya or wipes.. Make sure din po hindi nababad sa wiwi.. And since ganyan kalala, need mo po from time to time iclean ng mabuti with water then wag muna idiaper agad..
Thine Salvador