4 Các câu trả lời

Pag nagtatantrums yung akin hinahayaan ko siya. Lalo na pag may gusto siya na sa tingin ko sobra na. Hindi kasi lahat ng bagay na gustuhin nya ibibigay ko, yun gusto ko ituro sa kanya. Hinahayaan ko siya maglupasay, umiyak, maglabas ng inis. Lalapit siya sa akin tapos kakausapin ko siya. Pinapaliwanag ko na mali yung ginagawa nya at di ko itotolerate yung ganon. Hanggang ngayon 6 years old na siya, paminsan minsan may pitik, may palo siya from me but after that explain ko sa kanya na kasi mali. Tapos sasabihin nya sorry mommy.

Mamsh. Sabi ng pedia namin nakukuha yung ganyang attitude pag lagi syang nakatutok sa mga gadgets or tv. So far ganyan din naobserve ko sa 1yr old na anak ko.. napapabayaan ko din sya sa kakanood. Kaya ni-lessen ko yung time ng panonood ng chuchu tv.. Pero better wag mong sundin yung mga gusto niya.. tas wag mong itolerate yung pagtatantrums niya ikaw din po mahihirapan..

Bilhan mo syang books mommy, flash cards, colors , coloring books. May mga murang activity books. Minsan dalhin mo sa park ng kayong dalawa lang para ma build yung pakikisalamuha niya sa ibang bata mommy..

Okay lang ma guilty pero ginagawa mo lang yun para di sya lumaking yung gusto niya lagi nasusunod. Kailangan parin nating ipakita na nanay niya tayo and di pwedeng ganun sya Everytime na di nabibigay gusto nila. Tayo din kawawa pag ganun nalang gagawin natin..

Yaan mo lng siya umiyak momsh..titigil din yan tsaka mo kausapin..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan