13 Các câu trả lời
Pag mas malaki na si baby sa tyan sabi nga nila mas malakas na sipa ni baby. Minsan masakit pa. 18 weeks palang ako pero ang likot nadin ng sakin. :) pero nakakatuwa and masarap nga sa feeling yung naglilikot sila kasi mas nakakampante tayo na okay/active and healthy si baby inside our tummy. :)
Ganyan din ako sis 19 weeks na si baby ngayon nararamdaman ko na yung pagsipa niya. Ang likot-likot. Nakakatuwa lang tsaka masarap sa pakiramdam. Kampante ka din kasi alam mong active si baby sa tummy mo. Mas lalong active si baby kapag yung kinakain ko gusto niya mas malikot 😅
Si baby ko din ganyan. Dati atat na atat ako maramdaman yung sipa niya. Tapos konting galaw lang sya. Ngayon 22 weeks na din ako. At suuuper active nya talaga lalo kapag gabi. Tipong patulog ka na tapos maglilikot sya. Maya't maya siya gumagalaw. Maski pag nag ML ako. Hahahaaha
me too sis. nagstart sya maglikot 21weeks ako. now im 25weeks, sobrang likot na talaga! 😂😂😂 minsan bigla ka na lang parang maiihi kasi parang sumisiksik sya sa bandang puson. parang hinahalukay ung tiyan mo. 😂😂😂 pero ang sarap sa feeling talaga sis!
Ako sis Noon Baliktad si baby tulog sa umaga gising sa gabi kaya habang nasa tummy ko palang si baby tinetraining ko na sya kung ano ung umaga at gabe time sleep lang ba sis 😂
Me po same po tayo 22 weeks and 4 days na po ko 😍 nakakatuwa nga po kapag sumisipa siya 😆 sobrang nakakaalis ng stress 💗
Ganyan talaga mommy, ako noon nung nasa work ako napapatigil talaga ako kasi ang likot likot nya talaga.
Ganun din po ang baby ko ponung 2nd trimester ngayong nasa 3rd trimester magalaw pa rin po
22 weeks also😊 Medyo malakas na nga mga movements ni baby. Nakakagulat minsan😂
Ako din po 21weeks and 2days,umpisa na lumikoy si baby nakakatuwa
Jis