Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ako yung taong hindi maaasahan sa kusina. since bata kasi ako hindi ako sinanay ng mga magulang ko na magluto luto, dahil siguro one time nakaapak ako ng uling na nagbabaga at nabutas ang talampakan ko. since nun hindi na ako pinaglaro ng lutu lutuan. hanggang sa lumaki ako at nagmatured, hindi ako ang nagluluto kundi si Mama at Papa. Last month (my birth month), nagcrave ako ng Condensed Milk Cake, yun kasi uso ngayon. Gumawa ako on my birth day. Guess what happened, palpak. haha hindi siya umusbong, matigas na parang malapit na maging cookies style. Siguro, kasi wala akong Measuring Cups/Spoons. Ang ginamit ko lang eh yung panukat ng Quaker Oats na Free kaya yung ingredients niya, tsamba na lang. And sa rice cooker lang ako nagluto kaya di ko alam. After my birthday, nagcrave ako ng puto! So, nagpabili ako ng ingredients. Again this time walang measuring cups/spoons PERO nung tinikman ko yung First Ever gawa ko na puto, napa-WOW ANG SARAP ("pwede pala ako maging Pastry Chef ") nasabi ko sa sarili ko. Yung molder ko eh yung baunan na circle na malaki kaya umabot din ng 30mins pagluluto gamit rice cooker. Nung tinikman nila Mama at Papa, napasarap din sila at tinanong bakit kukunte lang daw ginawa ko. So gumawa ulit ako kinabukasan gamit rice cooker, then again next day puto ulit tapos binigyan namin mga tita, lola, at pinsan ko. Nasarapan din sila! Since nun, nagbabaon na ng puto si Mama sa work, natikman din ng mga workmates niya. Mga 2weeks siguro xa nagbaon pero ang molder ko pa rin eh yung baunan na circle na medyo malaki kya matagal xa lutuin sa rice cooker. Then one day, sinabi ng mga workmates niya, bakit hindi raw magbenta si Mama ng puto tutal masarap naman daw xa gumawa (akala nila xa ang nagluluto, hahaha) so, bumili ako ng silicone "cupcake molder" na 12pcs and started to sell puto last week pero not everyday kasi nahihirapan ako magluto while my 3month old baby is nagigising ng madaling araw para magpakarga. Ang gamit na naming lutuan eh yung improvised. 2 steamer rack na ang stand ay kahoy. Tiis-tiis lang kasi isa-isa ko nilalagay yung mga molder sa rack while kumukulo saka ko nilalagay ang puto Batter kya sobra hassle. Yung 50pcs na Puto Cupcake size natatapos ko ng more than 2hours na dapat 1hour lang sana. Wish ko sana magkaron kami ng Steamer na medyo malaki para madami maluto at tipid sa gas. Yung steamer sana na pwede rin sa uling or kahoy para in the future na may big orders na, (naks! big orders. GANYAN NA AKO MAG ISIP. Hehehe) ay hindi ako mahihirapan sa pagluluto. Xaka sa steamer na yun makakapagluto din ng iba pang food na pwede pagkakitaan. Kahit kunte lang halaga atleast may kunte income while nasa bahay. Hindi pa kasi ako mkakahanap ng work ngayon at ayoko pa iwan si baby kasi 3month old pa lang xa. Tsaka Oven po sana kahit 2nd hand na, para makagawa din ako muffins, cupcakes, cakes, croissants and more in the near future! Kapag napaikot ko na yung kita ko, bibili na kami ng stroller ni baby kasi nahihirapan na ako sa pagkarga sa kanya lagi. 6.5kg na xa eh 3month old pa lang. Sana magrant yung simple wish ko. Thank you po in advance! 😁❤

Đọc thêm
Post reply image