Anong gusto mong i-request? Don't be shy!

Dahil love ka ng TAP, tutuparin namin ang munting kahilingan mo! Simula June 8 hanggang June 11, pipili kami ng 8 deserving winners na matutulungan sa kanyang wish! Mechanics: 1. Pumunta sa https://tap.red/pmdhd at i-click ang “Participate”. 2. BASAHING MABUTI ang mechanics para malaman kung paano makasali. 3. I-comment ang iyong wish na gusto mong matupad ng TAP at ng Grab! Excited na kaming marinig ang mga wishes niyo!

Anong gusto mong i-request? Don't be shy!
758 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Dear TAP & GRAB, Una po sa lahat, maraming salamat sa opportunity na magkaroon ng katuparan ang aming wish. Ang wish ko po ay para po sa aking Nanay na hindi ko po kasama sa bahay dahil po ako ay may asawa na. Grocery package po ang hinihiling ko para sa kanila ng mga kapatid ko, dahil mas higit na kinakailangan po nila ito. Isa po syang custodian sa isang preschool, at dahil magiging online na ang klase ay nangangahulugan din pong magiging on call nalang po ang trabaho nya. Ang Tatay ko naman po ay isang karpentero, ngunit inabutan din po ng lockdown sa Bulacan at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. Kaya po alam kong itong grocery package na ito pag naisakatuparan ay napakalaking tulong po sa kanila. Humiling po ako para sa kanila, dahil hindi ko din po sila mapaabutan ng tulong palagi dahil sa apektado din po kami ng naging ECQ. Sana po ay maisakatuparan po ang hilig ko para sa kanila, alam ko pong magiging masaya ang Nanay ko at ang mga kapatid ko. Maraming maraming salamat po sa inyo. Pagpalain pa po kayo 😇🙏

Đọc thêm