Dear TAP,
Isa po akong Pregnant Breadwinner..
Estudyante po ang asawa at anak ko na kasalukuyang nasa probinsya, habang ako ay nandito sa Maynila,nagtatrabaho. Kung hindi po sana naglockdown, kapiling ko na sana sila, ngunit naabutan sila ng lockdown kaya di sila makabyahe papunta dito. Naubos po sa dalawang buwan na pagkatengga ang naipon ko para sana sa panganganak ko sa september at pamasahe sana nila, dahil po sa Community Quarantine.Hindi po ako nakatanggap ng kahit anong ayuda mula sa Dole, DSWD o SSS. Kaya napilitan na akong bumalik sa trabaho, para may pangtustos sa pagbubuntis ko at para may ipadala na rin sa mag-ama ko sa probinsya.Nagbabike lang din ako papunta sa trabaho kahit nasa ikaanim nako na bwAn ng pagbubuntis.
Sakaling makauwi na sila dito bago man ako manganak, gusto ko po sana surpresahin o bigyan ng bagong Celphone ang asawa ko dahil ngayon ay gagraduate na siya🤗 hinihintay na lang kompirmasyon ng school nila. Yung luma niyang Celphone(since 2013), yun ang ginagamit niya sa pakikipagkomunikasyon sakin. Medyo pumapalya na rin dahil sa kalumaan at dahil narin, after ng pagiging LDR nmin ng dalawang taon at pagsisikap niya sa pag aaral, makakapagtapos na siya😍 Pareho rin kaming excited sa pagdating ng ikalawa nming anak. . Nagbabakasakaling palarin din akong mapili. maraming salamat po sa App na ito, malaking tulong po ang naibibigay nyo saming mga buntis at mga parents.. more power po sa inyo🤗
Đọc thêm