✕

758 Các câu trả lời

Dear TAP and GRAB, Unanguna nagpapasalamat poko kay Lord kung sakali man po ako yung mapili nyo, Wish kulang po na mabigyan poko ng kahit konting tulong sa panganganak ko duedate kopo sa july 14 or kahit mga kagamitan nalang po para posa magiging baby namin ng asawa ko, nawalan po sya ng trabaho dahil naglockdown at magbirthday nadin po pala ako sa darating na june 21 sana po mabasa at mapili nyo poko yun lang po ang hiling kosa inyo at sa birthday ko maraming marami salamat po dahil may paganito kayo, nawa'y pagpalain po tayong lahat ni Lord at matapos napo ang pandemic na nararanasan natin, ingat po ang lahat Godbless 🤗🙏🙏

Dear Tap and Grab Wish ko po sana na mabigyan ako kahit kunting tulong para sa apat kong mga anak na babae at bago kung baby na paparating pa lang ,mga needs nila kahit para sa mga anak ko nalang po.buntis po kasi ako ngayun sa panlima kong anak due date ko is ngayung august 2020,.february 2020 pa po kasi nawalan ng trabaho ang asawa ko kasi pinagbawalan ng mamasada ng trycicle sa highway dito sa aming lugar tapos nasundan pa ng lockdown hanggang ngayun wala pang maayus na trabaho ,sana po isa ako sa mapili nyo na manalo maraming salamat po ,God bless Us All !!! Kahit para nalang po sa mga pangangailangan ng mga anak ko at parating kong bagong baby..

VIP Member

Hi tap and grab.. Nag ddalawang isip ako kung sasali ako dito, active ako sa lahat ng bagaydito sa app, masipag ang sumagot sa mga tanong, masaya ako sumasagot din ng mga poll dito. Sa tagal ko gamit ang app nato, at sa dami kong sinalihan na pacontest dito ni minsan hindi ako nanalo, pero ayus lang.. Heheh! At ngaun kung sakali man n hindi ako manalo uli ayus lang saken, sana maibigay dun sa higit na mas nangangailangan ang papremyo.. At kung sakali man na makasama ako, sa totoo lang ala ako maisip kung ano talaga gusto ko, siguro kahit simpleng pang salo salo nalang namin ng pamilya ko sa darating na fathers day! Maraming salamat! Tap and Grab! 😊

DEAR TAP AND GRAB sana po isa po ako sa mapili.. 2 po anak ko 11yrs old at 1month old baby.. natanggal po ako sa trabaho 5mos. palang ung tiyan ko noon, unexpectedly kaya hindi ako nakapaghanda ng mga gamit ni baby noon at walang ipon, isa pong farmer na nakikibukid ang asawa ko pero nalugi dahil sa lockdown.. sa ngayon nakapanganak na po ako mga gamit po ng baby ko galing po sa mga kama kamag anak.. hiling ko lang po sana para sa baby boy ko ay kunting mga damit, diapers at wipes po sana BF po si baby.. hiling ko din po para sa panganay ko ay mga school supplies po sa darating na pasukan, maggrade na po siya ngayong pasukan.. maraming salamat po..

Hi po. Sana po ay isa ako sa mapili ninyo na ma -grant ang request. Sana po ay mapagbiyan nyo ako na magkaroon ng Montessori learning materials/ early developmental toy's tulad na lamang ng letters at numbers set na meron na sya.. or craft and arts sets.Gustong gusto ko po talaga sya bilhan kaso limitado na po ang budget namin mag asawa talaga..Gusto ko po kasi na habang nalilibang kami ng aking anak ay may natututunan din sya.Na mas maka explore pa sya na alam kong magbebenefit din kaming pamilya in the process. Nakalaan lamang po kasi talaga ang budget ko para sa diaper, gatas at vitamins nya. Sana po ay mapagbiyan nyo ko TAP at GRAB. Thank you.

VIP Member

Dear TAP and GRAB, Thank you sa ganitong pagkakataon na binigay nyo para sa saming mga member nyo. Hiling ko lang sana ay isang munting regalo para sa asawa ko ngayong Father's Day ,mahilig rumaket asawa ko para may extra income sya at may maitabi since nagkaproblema ang company na pinapasukan ko ang tagal ng sya lang ang halos gumagastos sa bahay,natry nyang maghabal habal,nagtinda ng putoflan,putocheese,maging delivery man minsan ng mga nagpapadeliver ng orders ng mga sellers online. Wish ko sana isang bagong fullface helmet para safe sya sa araw araw at Box para sa motor nya na syang ginagamit nya sa pag hatid ng mgapa order nya. Salamat TAP

Good evening TAP and GRAB, I participated this po not for me but I have a cousin po na mas need nya food and for babies stuff. She has 3kids and medyo mahirap po situation nila ngayon dahil nagkahiwalay sila ng mga babies nya. Ung dalawa sana papa nya sa Batangas and ung new born nya nasa kanya sa cavite, dahil walang work due to ecq need nila mag bayad ng rent and now need nya ma send ung bunso sa Batangas. Im hoping po na maka.help ako sa kanya cause i know mahirap nga ako dito sa province how much more sya. Any lang po will do as long as meron lang something for her and i wish her well and the babies po. Maraming Salamat po. God bless us all.

Hello TAP and Grab, Thank you po sa chance na ito. Ang wish ko po ay playpen para kay baby. Ang lola po ny kasi ang nagaalaga sa kanya ngayon dahil kailangan ko nang bumalik sa pagtratrabaho para sa pang araw araw ni baby at ng pamilya namin. Ang mommy ko po ay 65 yrs old na at medyo mahina na. Kung sakaling mabigyan po ng playpen, malaking tulong po ito para sa mommy ko. Mailalapag nya na si baby sa mas secure na lugar at di na mapapagod at mangangalay sa pagbubuhat magdamag. Makakakain na din po sya sa tama. Sa takot po nya kasing ilapag sa sala , buong araw na po nyang binubuhat na lang. Sana po ay mapagbigyan nyo ang aking hiling. Salamat po.

VIP Member

Dear TAP & GRAB, Gusto ko po humiling para po sa paparating na anghel (baby) ko. Simula po nang nagkaroon ng pandemic, nahinto na po kami ng partner ko sa trabaho at bilang ako ay isang private school teacher, wala na po ako inaasahan na trabahong babalikan dahil sa sitwasyon ng bansa ngaun. Nagastos na po namin lahat ang ipon namin dahil sa pandemic pati ang pambili ng mga gamit ng baby namin ay nagastos na rin namin.. Sa ngayon po ay 34 weeks na po akong buntis at kahit isang gamit ng baby ay wala pa po kaming nabili kaya iyon po ang gusto ko sanang hilingin sa inyo. Maraming maraming salamat po sa inyo! Godbless and more power!!😊

Dear Tap and Grab Ako po si Rosette Diamse Actually Magbibirthday po ako sa June 28, and first time mom po ako after 3years na pagsasama namin ni Hubby ko. Last December nagka polyps po ako then sumailalim po ako sa mild operation. Pagkatapos po ng operation ko nagmens po ako tapos by January nagpositive po yung P. T ko Kaya miracle baby po binigay samin ni God. Hiling kopo sana kung papalarin ay isang Kuna para sa baby boy ko. This September po Edd. Ko e naglockdown kaya wala po kaming pambili ng kuna. Naubos po kase ang konting ipon namin dahil pinambili ng pagkain. Sana po matugunan ang aking hiling. Maraming Salamat po!

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan