758 Các câu trả lời
Hi Good day! I am wishing for my mama and papa. It's been 3years simula ng tumigil sa pagtitinda as fruit vendor, 3years taking care of my both baby boys and 2nephews, itake kona po ito as advantage para sakanila para masuklian ang sakripisyo nila para sa mga apo nila, sila lang ang naiiwan sa bahay, naglalaba, naglilinis, nagluluto at nagbabantay sa mga bata, 62yrsold na si papa at 56 naman si mama, lagi pong nbbanggit skin ni mama na gusto nia magkaroon ng bagong washing machine (any kind) alam kopo sobrang matutuwa si mama kung skali hehe para po dna sla mahirapan sa paglalaba, kakapalan kona po ung muka ko para po sakanila hehehe. Maraming Salamt po sainyo #TapApp&&GrabFamily. 🤗
Dear TAP and GRAB Kahit di po mapili ang una kung hiling sa inyo kahit sana itong pangalawa nalang po.. Hiling ko lang po na mabigyan ng milk and diaper supply at vitamins ang baby ko kasi wala po talaga kami mapag kukuhanan na ngayun paubos na po ang gatas nya wala po talaga trabaho asawa ko ngayun hindi po talaga sya makapag hanap buhay at makapag umpisa dahil wala po talaga kmi budget.kahit po damit ni baby di pa po namin sya nabibilhan simula pag labas nya nabigyan lang po sya limang piraso ng pares na short at damit dahil mag 4 months na po sya di napo kasya ang damit nya na pang new born. Kaya sana po kahit ito nalang po ang matupad sa.hiling ko maraming salamat po🙏🏻
Wish ko po ay Groceries para sa Tatay at nanay ko . Karpentero po kasi ang Tatay ko sa isang construction site pero hanggang ngayon wala pang abiso kung kelan ang balikan nila sa trabaho at sobrang naawa ako sa kanya sa tuwing nakatulala siya sa kakaisip kong paano mairaos ang pang araw araw lalo na at wala nang pwde mahingan ng tulong at hindi pa sila nagbalik trabaho. Gusto ko po sana siyang masurprise at mapasaya ngayong Fathers Day para kahit papaano mawala ang stress niya sa kakaisip na walang ng bigas na maisasaing. Sana po isa ang kahilingan ko sa mabigyang katuparan Maraming salamat po sa Asian Parents at sa Grab sa opportunity na to God Bless po sa inyo
Dear TAP and GRAB Wish ko po sana magkaron ang baby ko ng Damit , laruan at sarili niyang higaan at Grocery Items po . Kahit isang laruan po wala sya at iilang piraso lang po ang kanyang damit hindi na ho kami nakabili ng mga gamit nya sa kadahilanan na tinanggal po sa trabaho ang asawa ko ng walang dahilan. Yung mga sinasahod nya napupunta sa Pagkain, pambayad ng kuryente at pang Diaper ng Baby ko. Sa pagkain naman po minsan noodles na lang nakakain namin dahil kinukulang sa Budget lalo't walang wala na ho trabaho ang asawa ko . Ang anak ko naman he's now 3 months old po . Sana po matupad man lang po yun :) Salamat po sa Opportunity TAP! Godbless po🙏❤️
For my special someone. Para sa tatay ng aking anak. Sana po ay mabigyan nyo sya ng isang gaming computer set na simula pa po noon ay pangarap na nya. Pangarap po nya na naudlot dahil mas priority na nya po kaming anak nya na pagkagastusan niya. Siya lang po ang nagtatrabaho sa aming dalawa kaya kahit gustuhin ko man pong ibigay sakanya yung pangarap nyang gaming computer set ay hindi ko matupad. Siya po ay napaka sipag, mapagmahal, mapagpasensya at mapag-arugang tatay, asawa at anak. Sana po ay mapili ako para naman po mapasaya at kahit paano po ay masuklian ko lahat ng mga sakripisyo ng tatay ng aking anak ngayong darating na fathers day. Thank you. Keep safe. God bless!
hello TAP, I'm simple wife and first time mom and also my husband is first time dad, na excite po ako sumali dito para mabigyan ng regalo ang aking mahal na anak, ay sa pamamagitan ng aking wish na ibibigay ninyo po. Gusto ko po para sa anak ko na magkaroon siya ng stuffed toys na hello kitty kasi po love na love nya ito. .sya po ay going 3 years old na at marunong na sya kung ano ang gusto nya.Sa husband ko naman po, gusto q po para sa kanya ay ung relo po na UNI SILVER po na automatic bilang regalo sa darating na FATHER'S DAY. .salamat po sa TAp na kahit papaano ay umaasa po aq na mapili ninyo. thank u po again and more power, godbless po💖💖💖💖
Hello po TAP, June 8 is wedding anniversary namin ng asawa ko, 4years na kami ngayong taon gusto ko sana xa regaluhan kaso wala namang pera, yung pinag iipunan sana namin na pambili nia ng phone is nagastos na dahil sa lockdown. Gustung gusto nia bumili ng cellphone para sa sarili nia kasi conductor xa sa bus at pag bumibyahe xa namimiss nia yung 2 anak namin kaso de-keypad lang cellphone nia kya hindi kami maka videocall kaya mnsan 3 or 4 days nia d nakikita mga anak nia. Sana po mapili nyo po ako, kahit murang touch screen(smart phone) lang po para sa asawa ko para may pang vc xa yun lang po hiling ko. Anniversary gift sa kanya.. Salamat po and Godbless po..😘
Dear Tap and Grab Una sa lahat nagpapasalamat po Ko khit hindi po ako mapili atleast naging bahagi po ko sa programa nyu.. Ang kahilingan ko po sana ay para sa aking anak na si Alshaia Jaiala sya po ay mag 7th bday sa darating na july 10, Gusto ko po sana matupad yung kahilingan ng aking anak sa kanyang kaarawan gusto nya po kz na magkaroon ng simple party yung naka gown daw po at isasayaw din po sya ng mga frends nya at konting salo salo subalit sa kadahilanan ng ECQ nawalan po kme magasawa ng trabaho nd po kne nakapagipon para sa anak namen sa daratinh ng kanyan kaarawan, sana po mapasaya nyu po ang aking anak sa kanyang kaarawan maraming salamat po.
Dear TAP and Grab, Isa lang po ang wish ko na sana ay matupad ang magkaroon ang aking anak ng bagong laruan, damit(kahit po pambahay ok na po kami dun)o kaya baby essentials. Kaka first birthday niya lang po kase last March 23. Kahit sa anak ko nalang po. Walang handa at wala man lang kaming regalo sa kanya. Sobrang gipit at tipid po kami lalo na at mayroong pandemic. Nakakalungkot man pero laking pasasalamat ko pa rin sa panginoon na hindi niya kami pinapabayaan. Sana po ay magkaroon din ako ng chance matupad ang munting hiling para sa aking anak. Maraming salamat po, lagi po tayong magiingat at pagpalain nawa tayo ng Panginoon.❤️🙂😇
Dear TAP & GRAB, Gusto ko sanang samantalahin tong opportunity na to para makahilinh sainyo, I have 2 kids na, 4 years old na boy and 6 years old na girl, and buntis ako ngayon sa pangatlo. Ang hiling ko po sana para sa dalawang kong anak ay mga bagong toys and vitamins supply para sakanilang dalawa.. mahilig kasi sila ngayon mag gadgets.. gusto ko sana nalilibang sila sa mga activities.. kaya hiling ko sana ay new toys na educational at the same time eh maeenjoy nila. And vitamins po kasi sa panahon ngayon kelangan palakasin ang resistensya lalong lalo na at may virus. Sana po mapili nyo po ako. Maraming salamat po and God bless you ❤️❤️❤️